"Ano nang gagawin mo ngayon?" I couldn't respond straight immediately. Hartt unexpectedly dropped by the home, kaya nasabi ko sa kanya ang nangyari.
"Wala," maikli kong sagot. What am I supposed to do? Nothing is wrong with what he said naman talaga. Wala namang mali kung wala talaga siyang plano sa 'kin, sa 'min.
"Margot, please 'wag mong isipin na wala kang karapatang masaktan-"
"Hindi nga ako nasasaktan! Bakit-bakit ako masasaktan? Ako, masasaktan? Wala namang...wala namang masakit sa sinabi niya."
"Sarili mo lang ang niloloko mo." Hartt stepped away from me to light her cigarette. Parang siya pa ang nai-stress sa sitwasyon ko. I can't believe we're again in this situation. Si Hartt din ang nilapitan ko noon noong mga panahong nagdududa ako kay Joaquin at sa kaibigan niya.
Napahilamos ako sa mukha. Bakit mas madali pa kay Joaquin? Bakit parang mas madali pang tanggapin noon na nag-cheat siya kaysa ngayon?
"Ang pangit mo laging pumili ng lalake, Margot. Legit. Laging walking red flag." Mapait akong natawa dahil sa sinabi niya. Parang tanga naman kausap si Hartt. Kapag usap, usap lang. Walang sapulan. Hindi naman ganyan ang bonding eh.
"Margot, look." Tinapon at inapakan niya ang sigarilyo kahit hindi niya pa 'yon nauubos bago lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Nagseseryoso na naman ang gaga. Kinakabahan na tuloy ako. "Run, babe. Run while it's still possible."
"Naalala mo si Joaquin? Joaquin 'was' an ideal man before he cheated, right? He was intelligent, attractive, responsible, school's pride, mature, and pretty much everything you wanted in a guy back then. Remember how he 'was' your perfect man? Your ideal guy? Your type? Pero si Zayden, hindi."
"What are you trying to say, Hartt? Gusto mo ba 'kong bumalik sa kumag na 'yon?"
"That's not my point, Margot. Ang point ko, si Joaquin na nasa kanya na halos lahat noon, hindi mo natutunan mahalin kahit na ang tagal niyo. You're falling hard, Margot. Kay Zayden. I'm not saying na mali siyang tao, and I'm honestly happy that you're beginning to open up sa ganitong bagay. In denial ka pero alam natin pareho na wala ka naman talagang pakialam kung hindi siya ang 'ideal type'. But do you see yourself now, Margot? Unti-unti nang nasisira ang pader na ilang taon mong tinayo at natatakot ako sa pwedeng kahantungan nito. H'wag ka nang gumaya sa 'kin na ginagawang droga ang pag-ibig. Kinaadikan kahit alam kong hindi nakakabuti sa 'kin."
Hindi ko alam kung nakatulong ba ang pag-uusap namin ni Hartt. Parang mas lalo lang akong naguluhan. Alam ko naman na tama siya, na 'yon ang dapat kong gawin pero bakit parang ang hirap? Kapag iniisip ko pa lang, sumisikip na ang dibdib ko. Kahit sarili kong katawan parang ayaw makisama sa gusto kong gawin.
Sa halip na mag-isip, binuksan ko na lang ang phone ko para magbukas ng social media accounts na sana'y hindi ko na ginawa. Mukha agad nina Yasmine at Zayden ang bumungad sa akin sa twitter. Mukhang sila ang magkasama kanina.
Nakakainis. Ang sakit sa mata.
I'm not sure what went through my mind when I searched for the maid costume I purchased. Nang makita ko 'to, sinuot ko agad at nag-ayos. I also searched for my fake lip piercing to complete my look. Satisfied, I examined myself in the mirror and took pictures bago ako mag-post sa Twitter at Instagram.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
JugendliteraturMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)