09

118 11 0
                                    


“Ma’am, ma’am hindi ko po talaga alam ang tungkol do’n. Nag-aral po akong mabuti. Hindi ko po alam kung sino naglagay ng kodigo sa bag ko. Hindi po talaga ako ang nagnakaw ng answer sheets,” kulang nalang lumuhod ako para maniwala sila sa sinasabi ko pero kahit anong gawin ko, ayaw nilang maniwala.



Hindi pa ba sapat ‘yung mga nagawa ko sa school na ‘to para paniwalaan nila ako? Wala akong ginawang kahit ano para ikasira ng image ko pero bakit ang bilis naman atang magbago ng tingin nila sa’kin?


Wala na ‘kong marinig sa pinag-uusapan nila ni mama. Ang alam ko lang, galit na galit sa’kin ngayon si mama dahil ayaw nya ring paniwalaan ang sinasabi ko.


“What did you do, Margot Heart?!”


Saka lang pinakita ni mama ang galit nya nang umalis ang principal para bigyan kami ng privacy ni mama na makapag-usap. Pakiramdam ko hihiwalay na ang ulo ko sa katawan ko dahil sa lakas ng sampal nya.



“It wasn’t me, ma. Nag-aral po ako para sa exam--”



“Stop lying, brat! Nahuli ka na nga, diba?”


Nagagalit ba sya dahil iniisip nya na nangodigo ako o dahil sinabi ko kay kuya na nakita ko syang may kasamang lalake? Ginagamit nya lang naman ang sitwasyon para saktan ako.





“You’re still nothing compared to your brother, Margot. Kahit kailan, anino ka lang talaga sa kuya Dexter mo,” napangiti ako ng mapait.



Since when I become someone in her eyes? For her, I’m always nothing. I’m always no one.



Kailangan matalino ka rin katulad ng kuya mo. Kailangan madiskarte ka rin katulad ng kuya mo. Kailangan ganito, kailangan ganyan. Bullshit!


Nakakapagod abutin ang expectations na hindi mo alam kung para ba talaga sayo o nilaan lang para sundan mo ang yapak ng kung sino. Trabaho ng mga katulad kong anino.


Kahit na nakaalis na si mama, nanatili pa rin ako sa office ng principal. Hinintay ko sya at muling nagmakaawa pero kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi nya pinapakinggan. Nakatatak na sa utak nya ang disappointment na nararamdaman nya.


Bumalik ako sa classroom. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Siguradong kumalat na sa school ang nangyare.



Sumandal ako sa pinto ng classroom namin. Hindi ko alam kung paano sila haharapin. Hiya-hiya ako sa nangyare kahit alam ko namang wala akong ginawang mali.


Siguro papaniwalaan nila ako, diba? Magkakapatid ang turingan namin kaya--



“Hindi ba talaga natin sasabihin na ‘yung bestfriend ni Margot ang naglagay ng kodigo sa bag nya?”



Natigilan ako. Boses ‘yon ni Ken. Isa sa mga pinakamalalapit kong kaibigan.


“Wag na tayong makialam. Nagawa na nga ni Sophia kahit na bestfriend nya si Margot, diba? Paano pa kaya sa’tin na wala namang maipagmamalaki sa school na ‘to?” sagot ni Ella na parang siguradong-sigurado sya sa desisyon nya. Na parang hindi kami magkaibigan.



Naghintay ako. Naghintay ako na may magsalita. Naghintay ako na ipagtatanggol ako ng mga akala ko’y mga kaibigan ko pero wala. Kahit ilang beses akong tumulong, kahit ilang beses akong tumayo sa kanila, walang tumulong. Walang nag-abot sa’kin ng kamay. Walang tumayo para sa’kin. Mga makasarili.


I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon