19

196 10 1
                                    

Zayden Kace Dela Paz:

'Yung usapan natin mamaya, ha?


You:

'Yung sine?


Zayden Kace Dela Paz:

Opo boss

Sunduin kita mamaya


You:

May training kayo mamaya, 'di ba?


Zayden Kace Dela Paz:

Tatakas ako. Basta tuloy tayo


Huminga ako nang malalim bago nilapag sa lamesa ang cellphone ko. Ako ang pinakanaunang natapos pero ako naman ang natira sa classroom kasama si ma'am Michelle. Tinutulungan ko siya sa pag-aayos ng exam papers. Magandang may gawin na rin ako para magpalipas ng oras habang hinihintay si Zayden. Late na silang nagsimula kanina dahil mukhang may ginawa na namang kalokohan ang section nila kaya naparusahan.

"Didiretso ka na ba kay sir Ross pagkatapos mo rito?" sandali akong natigilan sa biglang pagtanong ni ma'am Michelle.

"Po?"

"Hindi ba may meeting at review ang Spellabrate representatives ngayon?"

Hindi ako nakasagot. Wala akong nabasa sa gc namin na may meeting ngayon. Teka, hindi rin naman ako nagbasa ng gc?

Bukod sa messages ng mga kaibigan ko at ni Zayden, wala na 'kong ibang binuksan. Late na rin akong nagising kanina kaya wala na 'kong oras para magbukas ng social media accounts ko staka kung meron man, gagamitin ko na lang sa pag-scan ng reviewers ko.

"Uhm, pwede na po ba 'kong umalis? Pupuntahan ko lang po si sir Ross," tumango agad si ma'am Michelle bago kinuha sa'kin ang folders na hawak ko para siya na ang mag-ayos.

Dala ang maliit kong bag at cellphone, naglakad ako nang mabilis para dumiretso sa classroom nina Gabe. Siguradong kanina pa sila tapos kumuha ng exam kaya paniguradong sina sir Ross na lang ang nandito at tama nga ako dahil si sir agad ang una kong nakita matapos kong pumasok sa classroom nila.

"Margot, you're late," nahihiyang ngumiti na lamang ako. Nandito na lahat ng spellabrate representatives at ako na lang talaga ang kulang. Pa'no ko ba sasabihing hindi ko naman talaga alam na may meeting? At review?

"Sorry po. Tinulungan ko pa po kasi si Ma'am Michelle," I know I'm just using it as an excuse pero totoo naman, 'di ba?

"Maupo ka na," itinuro ni sir Ross ang upuan sa tabi ni Gabe kaya doon na rin ako naupo. Binaba ko agad ang bag ko at nilabas ang cellphone ko para magtipa ng mensahe.

You:

May meeting pala kami. Pwede bang i-resched na lang natin?

Zayden Kace Dela Paz:

Hintayin na lang kita. Sa court muna ako


You:

Uhm, sige?

Pero kapag inabot ng isang oras, 'wag mo na 'kong hintayin.


"Ms. De Vera," inangat ko ang aking tingin. Nakatingin na palang lahat sila sa'kin at mukhang kanina pa nagsasalita si sir. Bago pa siya tuluyang magalit, itinago ko na agad ang cellphone ko.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon