17

119 11 0
                                    

Thank you krieahlle for IDAHE's new cover. Thanks mami. Labyu!

***

Hindi ako mapakali. Panay ang pagpukpok ko ng aking ball pen sa arm chair habang nakatingin ako sa teacher na pumalit kay ma'am Michelle. Alam kong ang nangyari ang dahilan kung bakit biglang umalis si ma'am Michelle kaya mas lalo akong kinakabahan.

Wala akong kaide-ideya kung bakit biglang sumigaw kanina si ma'am Michelle at kung bakit parang galit siya bago umalis ng classroom namin kanina kaya para akong nangangapa sa dilim.

"Is there a problem, Ms. De Vera?" hindi na 'ko nagtaka na kilala ako ng teacher na 'to kahit hindi ko naman siya kilala. Ngumiti ako bago tumayo, dala ang folder kung saan nakasingit ang answer sheets at questionnaires na ginamit ko.

"Sir, pwede na po ba 'kong lumabas?" nakangiti kong tanong kaya napabuntong-hininga siya bago tumingin sa mga kaklase kong kumukuha pa rin ng exam.

"Is this about your friend?" tumango ako at muling ngumiti, umaasang papayagan niya 'ko. "This is against the rule pero sige. Ikaw naman 'yan eh."

Mas lalong lumaki ang ngiti ko at agad nagpasalamat sa kaniya. Hindi na 'ko nagtaka na marami nang mga estudyante sa labas. HUMSS lang naman kasi ang laging pinapalabas ng late hindi katulad ng ibang strand na kapag tapos ka na, pwede ka nang lumabas.

"Ay totoo ba? Akala ko ba matalino si Charli?" natigilan ako. Pababa na sana ako ng hagdan nang marinig ko ang dalawang ABM students na nag-uusap.

"Si ma'am Michelle daw mismo ang nakahuli na nangongodigo si Charli. Mismong ang teachers pa nga ang nag-uusap tungkol do'n kanina eh-" napansin ako ng babaeng nagsalita kaya mabilis niyang niyaya ang kasama para umalis pero nagawa ko siyang hawakan sa braso bago pa nila ako malagpasan.

"M-Margot," bakit ba kinakabahan sila? Kung totoo ang mga pinag-uusapan nila, hindi sila dapat matakot pero sa oras na nalaman kong maling balita ang kinakalat nila, mananagot talaga sila sa'kin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo," bitiwan ko agad ang braso niya nang mapansin kong nasasaktan siya dahil sa panggigigil ko. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko na napipigilan ang sarili ko. "So-sorry. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko."

"Naiintindihan namin," hinaplos-haplos niya ang kaniyang braso at sumulyap sa kasama bago ako binalingan. "Usap-usapan na nangodigo raw si Charli pero hindi 'yon fake news kasi narinig din namin ang balitang 'yon sa teachers."

"Oo, Margot. Nakita rin naman siyang kinakausap kanina. Mukhang pinapagalitan."

Tumango ako at nagpasalamat bago mabilis na naglakad para tahakin ang daan papunta sa faculty. Hindi. Hindi ako maniniwala sa kanila maliban na lang kung si Charli mismo ang nagsabi sa'kin.

Hindi ko siya huhusgahan agad gaya ng ginawa sa'kin noon. Kailangan kong mapakinggan ang panig niya, bagay na walang gumawa noong napagbintangan ako.

Sa sobrang pagmamadali at pag-aalala ko, hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang tumatakbo. Nanginginig ang labi ko at nagsisimula nang lumabo ang paningin ko.

Akala ko ba, tapos na? Akala ko ba, okay na? Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko bumalik ako sa panahon kung kailan pinagtulungan nila ako? Yung panahon na walang nakinig sa panig ko. Yung panahon na walang naniwala sa'kin. Yung panahon na napatunayan kong hindi totoo lahat ng nakita at pinaniwalaan ko tungkol sa mga taong pinagkatiwalaan at pinahalagahan ko.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon