12

119 13 0
                                    

"Seryoso ba sila na si Gabe at Zayden ang magiging magkakampi?” bulong sa’kin ni Raven habang pinapanood namin ang mga lalake na naghahanda para sa beach volleyball na kanina lang pinag-isipan.

Nakaupo kami sa buhangin, sa lilom kasama ang mga kaibigan kong babae. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga nila na nasa gitna ako habang nasa kaliwa ang mga taga Laguna at nasa kanan ang mga taga Mindoro.

“Bakit hindi?”

“Oo nga naman, bakit nga ba hindi?” hindi ko nalang pinansin ang pagiging sarcastic ni Raven.

Alam ko naman ang gusto nyang sabihin. Ayoko lang pansinin.

“Alam mo, may bj na mas masarap kaysa sa buko juice,” muntik ko nang maibuga ang iniinom kong buko shake. Geez! Brae and her sinful mouth!

Walang pumansin sa sinabi nya. Nakatutok lang ang atensyon namin sa harap kung saan inaayos ang net at maya-maya lang, magsisimula na ang laro nila.

“Go team Mindoro!”

Napatingin sa direksyon namin si Joaquin pero sa’kin tumigil ang mata nya. Ngumiti siya sa’kin kaya napilitan din akong ngumiti nang pilit.

Weird.

“Oy! Game na! Ano, may pustahan ba? Bente-bente oh,” hindi ko napigilang matawa dahil sa ayos ni Diego. Wala siyang suot na shirt at may towel na nakasampay sa balikat niya habang nakalahad ang kamay niya sa mga kasamang lalake.

Pagkatapos ayusin ang lahat ng kailangang ayusin bago ang laro, lumapit sa amin ang mga lalake at pumwesto sa likod namin para roon manood.

Kumunot ang noo ko nang maglakad si Zayden papalapit sa pwesto namin. Isa siya sa mga maglalaro kaya dapat hindi na siya umalis sa pwesto niya roon.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa’kin at tumayo sa mismong harap ko. Ang gago, bigla nalang hinubad ang shirt niya sa mismong harap ko!

“What the fuck?!” tinanggal ko agad ang shirt na binato niya sa mismong mukha ko.

I glared at him and threw the shirt back at him. Ang kapal ng mukha! How could he throw his shirt right in my face then he would laugh now like he was proud of what he did? The guts!

“Wala bang good luck kiss dyan?” I raised my middle finger that made some of my friends gasped.

Right. Hindi nga pala sanay ang mga nakakakilala sa’kin na nagmumura ako at may mga ugali akong hindi kaaya-aya para sa mata ng ibang tao.

“Get lost, Zayden,” tumawa lang siya at bumalik sa pwesto niya kanina.

“Galit ka ba talaga o galit-galitan para itago ang kilig?” I just rolled my eyes at Raven. Ano bang trip ng babaeng ‘to? Kanina niya pa ‘ko inaasar ah?

Si Gabe ang unang nag-serve ng bola. Ang alam ko walang sports na nilalaro si Gabe dahil nakafocus siya sa academics kaya hindi ko naisip na magaling din pala siyang mag-volleyball. Maliksi rin siyang kumilos at nahahabol niya ang bola kahit na malayo.

Ganoon din si Zayden. Naikwento na sa’kin ni Luke na magaling si Zayden sa halos lahat ng sports. Malay ko ba na totoo pala ‘yon kaya lang, parang may mali.

Magaling din si Joaquin sa volleyball. Dati niyang sports ‘yan bago siya lumipat sa basketball pero kung titignan nang mabuti, kayang manalo nina Zayden at Gabe kaya lang parang hindi nagkakasundo ang laro ni Zayden at Gabe.

Wala silang teamwork. Nag-uunahan sila sa bola at madalas pa silang magbunggo.

“Baka si Zayden at Gabe talaga ang magkalaban?” dinig kong sabi ni Diego sa likod namin.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon