13

112 9 4
                                    

Trigger Warning: Please be informed that this chapter contains depressing stuff that may not suitable for some audiences. Read at your own risk.

*********************************

Napahilot na naman ako sa ulo habang nararamdaman ko ang matinding pagkahilo. Wala naman talaga akong balak uminom eh kaya lang sinama ako ni mama sa isang formal party at dahil wala naman akong ibang magawa, napainom na lang ako ng wala sa oras. Kesa naman makipag-usap ako sa mga binatang halatang interesado sa’kin.

Pabagsak ako umupo sa kama at binuksan ang tv. Sunod-sunod na naman ang notifications at messages sa phone ko pero sa tv ako nakatutok habang nagsasalita ang newscaster tungkol sa bagyo.

“What the?” hindi ko napigilang matawa dahil sa salitang ginamit ng lalakeng nagbabalita. Binuksan ko agad ang groupchat namin nang hindi binabasa ang pinag-uusapan nila bago ako magchat.

Raven Quinzon added Charli Ferrer to the group

You:

Newscaster: Habang pinapatuloy na binabayo ng bagyo

Naseen agad nila ang chat ko. Alam ko naman na maiintindihan agad nila ang gusto kong sabihin kaya nagtataka ako kung bakit sa halip na laughing reaction, heart reaction ang binigay ni Raven.

You:

Green joke kasi ‘yon kaya bakit puso ‘yan, @Raven Quinzon?

Raven Quinzon:

Bet ko ihh hahahahha

Raven Quinzon:

Char!

You:

Ang pangit no’ng binabayo. Bakit ‘yon pa ang ginamit nila?

Raven Quinzon:

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Raven Quinzon:

Btw, since ikaw ang nanonood ng news, reply asap.

Raven Quinzon sent a photo


Raven Quinzon:

@Margot De Vera

Raven Quinzon:

@Margot De Vera

Tinignan ko ang photo para basahin ang sinend niya. Screenshot lang naman ‘yon kung saan may nagtatanong sa kaniya sa messenger kung kamusta si Ambo.

Teka, sino si Ambo? Tsaka bakit ako ang sasagot eh wala naman akong kilalang Ambo? Lasing ba ‘tong babaeng ‘to? Saang lost and found ko hahanapin ang Ambo na ‘yan?

You:

Ambo? I’m lost mami.


Raven Quinzon:

Malay ko

You:

Sabihin mo AMBOt sa imo

You:

Dali, dali!

Raven Quinzon:

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon