“Kilala mo siya, mama Margot ko?” hindi ko nagawang sagutin si Charli bagkus ay tumingin lamang ako sa kanya at muling tiningnan ang lalaki.
Ibang babae na naman pala ang kasama ni Mr. Dela Paz. Makakalimutin ako pagdating sa mga mukha pero nasisiguro kong hindi siya ‘yung babaeng kasama niya kanina sa SM. Anong tingin niya sa mga babae? Damit na gano'n kadaling palitan? Mas maganda dapat kapag may event?
Teka, pakialam ko naman sa buhay niya?
“Charli, wala ka bang kaibigan na makakasama dito?” kailangan ko nang hanapin sina Raven at Brae para makauwi na kami pero hindi ko magawang iwan si Charli. Baka may gawin sa kaniya ang mga tao dito.
“Charli?” yumuko siya at pinagdikit ang dulo ng daliri niya. Bakit bigla naman syang lumungkot?
“Walang exam, walang assignments at walang projects kaya wala akong kaibigan ngayon, mama Margot.”
Nong una, naguluhan pa ‘ko sa sinasabi niya pero naintindihan ko rin agad. Kung tama ang iniisip ko, itong mga taong tinuturing niyang mga kaibigan ay hindi naman talaga totoo. Ginagamit lang siya? Bwiset! Ang daming user sa mundo. Tama nga ang iniisip ko kay Charli. Mukhang siya nga ‘yung tipong madaling utuin.
“Uhm... Tara na, alis na tayo? Ihahatid ka na ni mama Margot,” malambing kong sabi kaya hindi naman talaga ganito ang boses ko sa ibang tao. Weird. So parang pinayagan ko na siyang tawagin akong mama Margot?
“Ano pong kapalit? Hihi.”
“No, bb, walang kapalit, okay?” weird. Mga bata lang naman ang tinatawag kong bb.
“Open muna, mama Margot.”
Kinuha ko mula sa kaniya ang lollipop na pinabubuksan niya habang nasa hita ko naman ang cellphone ko. Tinatawagan ko na ang driver namin para magpasundo.
Nabuksan ko agad ang lollipop ni Charli kasabay nang pagsagot ng driver sa tawag ko pero hindi ako nakapagsalita agad. Ngayon ko lang napansin na naglalakad pala papunta sa direksyon namin si Zayden Dela Paz.
“Hi, Charli,” nagpanggap akong walang narinig kahit hindi naman talaga ako ang binabati niya. Subukan niya lang talagang utuin si Charli, papakuluan ko sa kumukulong tubig ang itlog niya. Ano ba ‘yan! Dumudumi na rin ang utak ko.
“Hello! Lollipop?”
“No thanks. Uhm, Charli…”
“Si Mama Margot?”
“Charli, tara na. Papunta na ang driver.”
Alam kong bastos ang ginawa kong paghila sa kamay ni Charli kahit na kinakausap pa sya ni Zayden pero hindi ko talaga kayang tumagal sa lugar na malapit sa lalakeng ‘yon. Ewan. Hindi ko alam kung bakit natataranta ako sa tuwing malapit siya.
“Mama Margot parang gustong makipagkilala sayo ni Zayden.”
Hindi ako sumagot. Hinila ko lang siya papasok sa bahay ng may birthday. Nakita kong umiinom pa rin si Raven pero pulang-pula na ng mga mukha nya. Lasing na talaga ang bruha!
Lalapitan ko na sana si Raven nang makita kong halos buhatin na ng isang lalake ang gaga kong kaibigan na si Brae. Malakas uminom si Brae kaya bakit nalasing siya ng gan’on kabilis?
“Bb,” tawag ko kay Charli pero hindi ko tinatanggal ang mga mata ko sa mga kaibigan ko.
“Po?”
“Nakikita mo ba ‘yung magandang babaeng ‘yon na mukhang matutulog na? Bantayan mo muna siya ha? Hintayin niyo nalang ako ro'n.”
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Novela JuvenilMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)