"Leche! Bakit ang aga naman ata nating mamili ng school supplies?" napabuntong-hininga ako. Heto na naman kasi ang pagiging mareklamo ni Brae. Basta 'pag usapang matino eh.
Sa halip na sumagot, ngumuso ako para ituro si Raven na nangunguna sa'min sa paglalakad. This is her idea. Ayaw niya kasing makipagsiksikan kapag malapit na ang pasukan kaya binulabog niya kami kaninang umaga para pumunta sa SM at mamili ng gamit.
"May hangover pa 'ko kingina. Hindi ko manlang naenjoy 'yung kamomol ko--"
"Brae!" tinakpan ko na agad ang tenga ko bago pa magsimulang magkwento si Brae tungkol sa kahalayan niya. Dahil sa inis ko, binilisan ko na lang ang paglalakad at sumabay kay Raven. Narinig ko pa ang tawanan nilang dalawa. Kainis!
Pero mukhang trip akong asarin ni Brae dahil sumabay din siya sa'min at talagang umakbay pa sa'kin.
"Alam mo, mahal kong bitchesang Margot, kailangan mo nang mag-aral tungkol sa kamunduhan para hindi naman boring ang buhay mo. Tignan mo si Raven, hindi nawawala sa honor students pero active ang--"
"Ano ba, Brae!" tinanggal ko ang kamay ni Brae sa balikat ko at mas lalo pang binilisan ang lakad. Naunahan ko na sila sa National Bookstore kaya kumuha na agad ako ng basket at naghanap ng supplies na kakailanganin ko.
Ilang minuto lang ang lumipas, naramdaman ko na ang presensya nila sa likod ko. Nagtatawanan pa rin sila hanggang ngayon at mukhang dahil 'yon sa'kin. Kainis! Namumula na nga, tuloy pa rin sila.
"Haven't heard back from the guy who helped you?" biglang tanong ni Raven habang namimili siya ng Binders. Pagdating sa designs, masyadong mapili si Raven kaya sigurado akong matatagalan siya. Being the picky girl she is.
"Mr. Dela Paz? Unfortunately, schoolmate ko siya," I answered without even lifting a gaze.
"Bruha, anong unfortunate do'n? Mukha namang masarap si kuya," Agad akong napasinghap dahil sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Brae na tumatawa pa. Kahit kailan talaga, napakabastos ng bibig niya.
"Oo nga. Girl, he saved you from humiliation and I think he's attractive? According sa kwento mo ha. You even gave him 9/10."
"Actually, I think I'm--I think I was attracted to that guy kaya lang, I heard a bunch of not-so-good info about him and take note, teacher pa ang source ko ha."
"Iyan na naman ang mataas mong standards, gaga ka. Hindi ba pwedeng kapag mukhang masarap naman, sunggab na?" nagkatinginan kami ni Raven at sabay na nailing.
"Hindi ako magkakagusto sa gano'ng lalake--- aray!" lumapit agad sa'kin si Brae para malaman ang nangyari.
"You're being careless again. Tsk."
Sinusubukan ko lang naman tignan 'yung cutter baka kasi luma na. Hindi ko naman alam na sobrang talas pala no'n para masugatan agad ako.
"Next time kasi mag-iingat kang gaga ka! Baka way 'yan ng universe para sabihin na kakainin mo si Mr. Dela Paz--- I mean 'yung mga sinabi mo. Bobita ka na nga sa pagsintas ng sapatos, ang careless mo pa! Nasugatan ka pa tuloy!" Hinayaan ko nalang magbunganga si Brae kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang tao.
Nararamdaman kong nainis talaga siya dahil nasugatan ako kahit maliit lang. Si Brae kasi talaga 'yung tipong mabilis mag-alala kahit sa maliliit na bagay. 'Yon nga lang, harsh talaga siyang magsalita.
Tinigilan lang ako ni Brae no'ng tumigil na ang pagdudugo ng daliri ko. Nagpatuloy na kami sa pamimili na tumagal ng ilang oras. Dahil kasama namin si Raven, hindi pwedeng 'basic supplies' lang ang bibilhin namin. Napabili nga ako ng scientific calculator kahit tatlo na ang scientific calculator sa bahay. Mas maganda raw 'yung latest na calculator kahit wala akong makitang pagkakaiba no'n sa mga calculator na nasa bahay.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)