C H A P T E R 4

631 34 0
                                    

Why Diego?

Britney's POV

Nabigla ako ng may biglang tumawag sakin galing sa pinto ng room namin

"Babe!" sigaw sakin ni Jack, nakita ko kung papaano nagbago ang emosyon nya ng makita nya si Katleya

"Hmm babe" sagot ko, nabigla ako ng yakapin nya ako, nakita kong nag iwas ng tingin si Diego, sya na ang kumawala sa yakap ko

"How's your day?" ani nya sakin, ngumiti naman ako,

"It's great, hmmm I met a new friend, meet Katleya, Katleya Lein Andalla" ani ko sa kanya, iniabot ko ang kamay ni Kat kay Jack at pinag kamay ko sila, nakita kong umalis na si Diego, kakaiba na naman yung nararamdaman ko "Hmmm babe muse ako ng section namin" ani ko sa kanya , natigilan naman sya, ngumiti muna sya sakin bago nagsalita

"Sinong escort mo babe?" ani nya, ngumiti naman ako sa kanya

"Hmm wait a minute babe" ani ko sa kanya, nilingon ko muna si Kat "Katleya, sabay kana samin?" ani ko sa kanya, nagulat pa sya at ngumiti

"Ahh hindi na, mauna kana, mukhang miss na miss ka ng boyfriend mo eh...." ani nya sakin natawa naman ako,

"Are you sure?" ani ko sa kanya, tumango naman sya, nilingon ko nalang ulit si Jack "Hmm si Diego, babe, he's my escort" ani ko, nakita ko kung paano nagbago ang emosyon nya, nginitian nya naman ako pero batid kong pilit....Hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami ng Cafeteria, umorder sya ng food naming dalawa, nakaupo naman ako at nag iintay kay Jack, nakita ko si Diego pero agad din akong nag iwas ng tingin, saktong dumating na si Jack

"Let's eat na babe" ani nya sakin, nagsimula na kaming kumain, nagkwento sy sakin tungkol sa mga kaklase nya "Hmm natawa talaga ako sa mga reactions nila nung marinig nila that I came from States" natatawang ani nya, ngumiti naman ako

"Hmm same....my classmates got shocked when I told them that I came from States" ani ko, nagpatuloy na kami sa pagkain

Ilang minuto ang nakalipas natapos na kami sa pagkain namin, may sunod pa daw silang darating na professors kaya hindi nya ako masasabayan sa pag uwe, sinabihan ko naman syang ayos lang sakin

Mabilis na dumaan ang oras

Nagderetso na ako sa parking lot, mamaya pang 7:00 pm ang uwi ni Jack, nag aalala ako para sa kanya, siguro naninibago sya sa schedule nya, 10:00 am -7:00 pm ang sched nya ngayon, engineering ang course nya, kaya mag kaiba kami ng department, nag alarm na ang kotse ko, agad ko iyong nilapitan, nagulat ako matapos kong makita ang mga lalaki na nasa lima, nakaharang ang isa sa pinto ng kotse, ang isa naman nasa likod ko na, halos nakapalibot sila sakin, medyo may kalakihan sila, hindi ko maiwasang hindi kabahan baka kung ano ang gawin nila sakin lalo pa at ganto ang suot ko batid kong hindi sila sa school namin nag aaral dahil iba ang itsura nila sa mga nag aaral dito

"Ah excuse me" lang ang tanging nasabi ko, hindi umalis ang lalaking nakaharang sa pinto, bahagya kong nilingon ang gate at masyadong malayo ang sasakyan ko sa gate, wala din don ang guard "Sir excuse me" ani ko, hindi sya umalis pero nagsalita sya

"Hindi lang pala yung kotse yung maganda, pati din pala yung nag mamay ari" ani sakin nung nasa likuran ko, dumampi sa balat ko ang kamay nya kaya umiwas agad ako

"Don't you dare touch me" ani ko sa kanila, nanatili yung mga mata nilang nagnanasa, kinakabahan na ako, wala ditong tao at 5:30 pm na wala na gasinong tao

"Nagmamatigas kapa ahh, pakipot pala ang isang to" ani nung nakaharang sa pinto ng kotse, kinabahan ako bigla, umatras ako ngunit may lalaki nang nasa likuran ko, hinawakan nya ang parehas kong braso, binuhat ako ng mga ito saka isinakay sa van nila, nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala, nakalayo na kami sa school, unti unti akong nawalan ng pag asa matapos makita na ang dilim ng lugar, wala na gaanong bahay, puro puno, hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon