C H A P T E R 1 8

444 22 0
                                    

[Author's Note: Pardon me for some typographical and grammatical errors....thank you bubblies sa suporta.....pasensya na kung medyo mabagal ang update, walang load minsan si Author.....by the way keep safe bubblies and stay at home....hahabaan na ni author kada isang chapter para makabawi sa bagal ng update ko....hehehe ...abang abang po tayo sa upcoming chapters...❣️✨]

REPORT

Britneys POV

Nagising ako ng maaga ngayon dahil sa lamig sa kwarto, hininaan ko ng bahagya ang aircon saka ako bumango at kumuha ng tubig sa mini fridge sa kwarto.

Tiningnan ko ang oras at 5:30 palang ng umaga, mamaya pang 8:00 ang klase ko.

Ramdam ko paren ang pagod dahil sa nangyari kahapon, kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko ang paghawak nya sa baywang ko, nakakainis!

Nagtext ako kay Jack kagabi na nakauwi na ako, wala ako sa mood para tumawag sa kanya kaya nagtext nalang ako, nakareceive rin ako ng text galing kina Ash na humihingi ng sorry pero napatawad ko na naman sila, hindi naman sila ang may kasalanan non, yung walang hiyang Jiks na yon ay may kasalanan

Hindi ko pinaalam kila Jack at mommy ang nangyari, ayaw kong mag alala sila at baka magkagulo lang kapag sinabi ko kay Jack.

Bumangon na agad ako para maghanda sa pagpasok sa school. Pagtapak ko palang ng paa ko sa sahig ay ramdam ko na ang lamig, kaya sinuot ko and tsinelas ko saka nagpunta sa banyo. Kinuha ko na ang towel ko, nilagay ko muna yon sa sabitan sa likod ng pintuan. Binuksan ko na ang shower, ramdam ko ang lamig ng tubig non, pero nung tumagal umiinit na ang tubig non. Sana ganon den sa pagmamahal, malamig man ang treatment sa umpisa pero pag tumagal naman umiinit na. Mas nagiging sweet at caring na kayo sa isa, unlike kapag maiinit sa umpisa pag nagtagal cold na, kabadtrip yon!

Mabilis akong natapos sa paliligo, dumeretso ako sa walk in closet ko saka ko kinuha ang uniform ko. Naalala kong ngayon magaganap yung sinasabi nilang intrams pero sports fest naman tsh......kasali dun yung brother ko, si Ian short for Krisian. Guest rin pala mamaya sila mommy...kilalang tao rin sila rito sa Dasma...sila kasi ang nagpatayo ng isang school rito at sya rin ang nagbibigay ng pondo para sa pangangailangan ng school na yon...wala kamimg sayaw mamaya.. I mean ako pala hindi ako sasayaw mamaya sa event may mga sched kaming sinusunod at yung mga walang klase sa umaga ang makakaattend sa event. Kailangan daw kase ng sasayaw mamaya para sa opening program.....

Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos naabutan ko si mommy na nasa kitchen na nagluluto pero may kausap sa cellphone nya....Unti unti akong lumapit sa kanya hanggang sa marinig ko kung anong pinag uusapan nila nung kausap nya

"What?!....are you sure?" nagugulat at tonong nag aalala si mommy. Sino kayang kausap nya? Pag ganitong may event syang dadaluhan inaayos na nya na sarili nya. "Just please make sure that they won't see each other, what if kunin nya si---" naputol ang sasabihin ni mommy nung makita nya ako, para syang nakakita ng multo dahil sa reaksyon nya

Sino? Sino ang kukunin? Sinong paglalayuin?

Hindi ko maintindihan si mommy, bigla nalang nyang inend ang call saka ako hinarap

"Anak kanina ka pa ba dyan?" Tanong sakin ni mommy, umiling ako saka sumagot.

"Kabababa kolang mom....ammm sino yung katawagan mo?"ani ko na nagpabagosa reaksyon nya, may tinatago kaba mommy? napangiti ako ng hindi malaman ang dahilan, there she is, may something na hindi ko pwedeng malaman kaya ayaw nyang sabihin sakin, ganon ang parents ko, they will remain quite para iparating samin na may mga bagay na sila lang ang dapat na makaalam, but sometimes sinasabi nila kay kuya yung mga bagay bagay na yon kasi di na raw minor si kuya at nasa tamang edad na, eh 20 na ako ah! nakaka insecure minsan, sinasabi nila kay kuya tas sakin hinde! kainis!

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon