C H A P T E R 14

451 25 1
                                    

Intimate Dance

Diego's POV

We're all standing here in the backstage, may ina-announce pa ang emcee, nakita ko si Britney, nakatingin parin sya sa crowd, hindi kami pwedeng makihalubilo sa kanila, sunod sunod din kasi ang aming mga sayaw.

Nakatatlo na kaming sayaw, kasama namin ang mga highschool, kaya madaming sayaw ang kailangan naming sayawin.

Bigla nalang nagsalita ang emcee..

"Let us all welcome our VIS Dance Troupe" muling ani ng emcee dahilan para mag sigawan ang mga schoolmate namin, ngayon na namin sasayawin ni Britney ang sayaw namin, pumunta na kami sa stage, halatang kinakabahan si Britney at kahit man ako,

Pumwesto na kami sa gitna, sinabi samin ni Lyka na pagkarating sa gitna pumwesto na agad kaya ginawa namin ang sinabi nya

Mabilis ang tibok ng puso ko, nakayapos ako kay Britney mula sa likod nya, ang kamay nya naman ay nakapatong sa kamay ko. Naghiyawan ang mga students, pati ng highschool iritan ng iritan nakakarindi

Nilingon ko naman si Jack na hindi na maintindihan ang magiging reaksyon, naiinis na galit na selos, yon ang nakita ko sa kanya. Hindi pa rin nagsisimula ang kanta kaya nanatili kami sa ganoong posisyon

Bahagya kong tiningnan si Britney dahil nanlalamig ang kamay nya,

"Are you okay? nanlalamig ang kamay mo" iniwasan kong mautal habang sinasabi yon, sumagot naman sya sa tanong ko

"O-Okay lang" ani nya saka nilingon si Jack, kita ko ang paglunok nya kaya hinigpitan ko ang yakap sa kanya, yung yakap na dati ko nang ginagawa, yung yakap na ayaw na syang pakawalan, halatang nabigla si Britney dahil sa biglang pag taas ng balikat nya

"It's just a dance, magpeperform lang tayo, no worries" ani ko sa kanya, lumunok na naman sya kaya natawa ako "Sabihin molang saken kapag sinaktan ka ni Jack, ipagtatanggol kita" dagdag ko na ikinangiwi nya, nabawasan na siguro ang kaba nya

"Tch, hero?" natatawang ani nya, natapos don ang pag uusap namin ng magsimula ang kanta

🎶I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough
We danced the night away, we drank too much
I held your hair back when
You were throwing up🎶

Nakahawak ang isang kamay ko sa ulo nya at ang isa naman ay sa pisngi sya naman nakahawak sa batok ko, magkadikit ang aming mga noo, magkatitigan ang aming mga mata, dun ko nakikita na sa loob loob nya kinakabahan sya, naiilang sya kaya ngumiti ako sa kanya

🎶Then you smiled over your shoulder
For a minute, I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest🎶

Sa bawat galaw na ginagawa ko, don ko pinararamdam sa kanya ang nararamdaman ko na hanggang ngayon ay sya parin ang taong mahal ko, gusto ko man sabihin sa kanya gamit ang bibig ko, hindi ko magawa dahil alam kong hindi na ako, hindi na ako ang taong mahal nya, natatakot ako na baka pag inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko ay lumayo sya at tuluyan na akong hindi maalala

🎶I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go🎶

Napalingon ako kay Jack na ngayon ay alam kong nagpipigil lang ng galit at selos,

She's mine and always mine

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon