C H A P T E R 23

436 30 5
                                    

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa kwarto ko, may tumutuktok sa lamesa, nagmulat ako at medyo maliwanag na, bumangon ako at nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa ko, nabalikwas naman ako ng bangon

"K-Kuya? W-What are you doing here?!" inis kong ani, nilingon nya naman ako ng seryoso ang kanyang mukha

Binato nya sakin yung staff toy na maliit sa tabi nya, si hello kitty yon! "A-Aray! Ano ba?!" asik ko, nakakross ang kanyang kamay at tumayo sa harapan ko

"Get up! magsisimba tayo" aniya, napalingon naman ako sa wall clock ng kwarto ko at 5:30 am! seriously? 7 am pa ang misa!

"Give me another 30 minutes" aniko at hihiga na sana pero hinila nya ako pabangon. "Kuyaaaa.....!!" angil ko, naiinis ako na maiiyak, antok pa ako eh!

"Kapapanood mo yan ng bts!" aniya, wala naman akong maalala na nanood ako ng bts kagabi, pero my online concert nga sila kagabi at nakalimutan ko yon!

"Hindi ako nakapanood kagabi! shocksss..." dali dali kong kinuha ang cellphone ko para tingnan yung concert nila, aghhhh, nakakairita, aga aga, linggong linggo ganito ang bungad sakin.

Yes, army ako, I haven't mentioned it before pero ngayon alam nyo na.

"Then what did you do last night huh?" simpleng tanong pero nagdulot sakin ng kaba. Normal pa ba ako?

"H-Hindi lang ako nakatulog agad" palusot ko, tinitigan nya muna ako at saka lumayo sakin at kinuha ang puting dress? what is the dress for?

"Here, yan ang isusuot mo" aniya sakin, nangunot naman ang noo ko

"Para san naman yan? I can wear a track pants and cropped top jacket!" asik ko, binato nya ulit ako ng staff toy! "Kuya Stop!" angil ko at tumigil naman sya

"Seriously?" gigil nyang tanong sakin, nag what? naman ako sa kanya, He sighed heavily "Yeah right you forgot that today is Zein's 4th Birthday" aniya na nagpatigil sakin, holy shit! bakit ko nakalimutan yon?

"No hindi ko nakalimutan"

"Sige na maligo kana" aniya at nagderederetso nang palabas sa kwarto, nasapo ko ang sariling noo, birthday ng pinakamamahal kong kapatid nakalimutan ko. No! I remember may gift ako para kay Eya, sandals yon, umiilaw then tumutunog, may kasama ren yong coloring book na makapal, si barbie ang nandon, may kasama ring mga CD ng barbie at USB na puno ng barbie movies. My sister is such a barbie lover. May barbie dolls ring kasama. Diba? ang dami kong gift, syempre, Eya is my baby girl.

Mabilis akong pumunta sa banyo at naligo. Nagsepilyo agad at saka sinuot ang dress na binigay sakin ni kuya. Marie dress ang tawag sa dress, pinkish ang kulay nito, may kasama pa pala iyon na clip. Crystal Scalewing Claw Hairpin Women Rhinestone  ang tawag nila don. Butterfly ang pinaka design nya, isinuot ko na rin ang sandals ko. Crossed ankle strap tie tip toed ang style nya. Suot ko ang mga bagay na nagbubulgar ng karangyaan ng pamilya namin. Napapangiti ako sa kadahilanang ang swerte ko sa pamilya ko. Isinuot ko ang bracelet na bigay sakin ni mommy, may name ko yon at halos crystals ang lahat ng design at yung necklace na gift sakin ni daddy, may name ko rin. Kinuha ko na iyong sling bag ko na di naman ganon kalaki, yung sakto lang sa itsura ng dress ko.

Naisip ko na baka makasama namin si Jack, every year kasama namin syang mag celebrate kaya pinaghandaan ko talaga ang araw na to pero naiinis pa rin ako sa katotohanang nakalimutan kong birthday ng kapatid ko ngayon.

Pagkababa ko ay nakita ko sila mommy at daddy, lumabas ang ganda ni mommy sa suot nyang dress. Bumeso ako kay mommy at daddy, nakita ko si Eya na naglalakad ng unti unti papalapit sakin.

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon