A/N: Real talk to guys....nag alinlangan pa akong iupdate yong chapter 39....medyo mature and it's rated spg talaga hehe....
Baby........
Nagising ako kinaumagahan. Mag kahiwalay kami ng kamang tinulugan ni Diego. Pinagpilitan ko kagabi na maghiwalay kami ng kama sa takot kong mangyari ulit yung pangyayari na 'yon kagabi. Nahihiya pa rin ako sa tuwing naaalala ang nangyari kagabi lang. Kinakabahan ako sa tuwing lalapit sya sakin.... Punyeta huhu
Dahan dahan akong bumangon at naramdaman ko ang sakit ng 'down there blachuchu ko' napapikit ako ng mariin saka dahan dahang gumalaw. Nagpunta ako agad sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Naligo na rin ako agad.
Pagkalabas ko ng bathroom ay bumungad sakin ang topless na si Diego at agad na namula ang pisngi ko ng tumama ang ulo ko sa dibdib nya
Bakit kase ang liit ko:(
Natawa sya ng nakita nya akong napayuko
"Good morning" malambing nyang ani at kinilabutan ako ng hinalikan nya ang ulo ko saka pumasok sa bathroom. Napapikit ako ng mariin saka kinuha ang cellphone ko
Saktong tumawag sakin si Elaine
"Hello, Elaine?" aniko, narinig ko naman syang napabuntong-hininga
"Britney..." kinabahan ako sa tono ng boses nya
"Ano?....Elaine?" kinakabahan kong ani. Punyetang babae to-----Bakit ba ako mura ng mura? napapa ano ka na Britney? Gosh!!! bakit gano'n epekto sakin ni Diego?!
Bigla na lang nawala yung insecurities na nararamdaman ko para sa kanya. Parang wala naman nagbago.....Grrr! kainis talaga
"Ammm...... Surprise!!!" dinig kong ani Elaine kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto namin! agad akong napalingon doon at napangiti, natigilan lang ako matapos manlaki ang mata nila. Deretso ang tingin sa bathroom kaya dahan dahan rin akong napalingon roon.
Ganoon na lang ang pagsapo ko sa noo ko matapos makitang kalalabas lang ni Diego sa bathroom at topless pa! tanging towel lang ang nakapulupot sa baywang nya
Napalingon sya sa pinto saka lumingon sa'kin ng may nagtatakang tingin
"What are they doing here?" halos pabulong nyang ani. Sa hindi ko malamang dahilan ay kinabahan na naman ako
"W-Wala...bumisita lang" Damn! bakit ako nauutal! Napapikit ako ng mariin saka lumunok
"Magbihis ka na nga agad!" asik ko at natawa syang bahagya saka nakangising tumalikod sa'kin at nagbihis na sa bathroom
Napalingon ulit ako kay Elaine na napalunok rin sa nakita. Pinapasok ko sya at ganon nalang ang pagkabigla ko matapos makitang kasama nya pala sila Shona, Kenji, Waren, Ash and Ern!
God! nakakahiya
Nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Shona at napailing na lang ako. Alam ko kung anong naiisip nya pero umiiling lang ako dahilan ng pag tawa at pag ngisi nya
"Upo muna kayo" aniko sa kanila saka inimwestra sa kanilang maupo sa sofa. Nakita kong nailang si Waren sa tingin ko sa kanya kaya napalunok ako.
Naghayin ako ng snacks sa kanila mabuti na lang at nakabili kami nung nakaraan sa Fantasy World
"Grabe ang hot pa rin ni Diego ha...mas lalong na define yung muscles nya!" ani Shona na animong kinikilig, napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]
Fiksi PenggemarMeet Britney Zayin Marquez and Diego Louise Padilla. They broke up 2 years ago, Britney Zayin got into a car accident, she lost all of her memories in the past, she meet a new guy, Jack Lauren Mendoza, While Diego Louise still loves Britney This is...