C H A P T E R 15

435 23 1
                                    

Stay away

Kenji's POV

Nakita kong nagpaalam si Diego kay Lyka na aalis muna sya, alam ko na agad kung saan sya pupunta kaya bago pa sya makalabas lumabas na agad ako

Nagderetso ako sa parking lot, alam kong pupuntahan ni Diego si Britney dito, nadinig ko kaninang uuwi na si Britney kaya agad na pumasok sa isip ko na dito sya pupunta, dito kasi malimit na may nadaan na taxi

Bago pa sya makalapit kay Britney inunahan ko na ulit sya, maraming tanong ang naglalaro sa utak ko

Anong pumasok sa kokote nya at naisip nyang gawin yon? anong dahilan nya? gusto nya bang mag selos si Jack?gusto nya bang mahirapan si Britney o kaya ay ang masira ang relasyon ng dalawa?

Agad akong lumapit kay Britney, hinawakan ko ang balikat nya para kunin ang atensyon nya, halatang nagulat sya sa biglaang pagsulpot ko sa tabi nya, napataas pa kasi ng bahagya ang balikat nya

"Hey, are you alright?" nag aalalang tanong ko sa kanya, nagbigay naman sya sakin ng isang malawak na ngiti, sinasabing ayos lang sya

"Yup, okay lang" namamaos nyang ani, napatitig ako sa kanya kaya nag iwas sya ng tingin natawa naman ako halata kaseng naiilang sya

"Pasaan ka nga pala? Pauwi kanaba? ang agapa ah" nagtatakang ani ko, siguro talaga may nangyaring hindi maganda kaya uuwi na sya, mamaya pa naman ang tapos ng event

"Pagod lang, nakakapagod sumayaw,nakakapanglambot haha" natatawa nyang ani, pakiramdam ko may problema sya pero ayaw nyang ipakita o ipahalata man lang.

Hindi mo mahahalata na may kakaiba sa kanya, hindu nya pinapahalata sa mga kilos nya na may problema sya pero kapag tumingin ka sa mata nya don mo makikita yung hirap at sakit na nararanasan nya.

Ngumiti naman ako sa kanya "Ihahatid na kita" anyaya ko sa kanya, nilingon nya naman ako, binigyan nya ako ng nagtatakang tingin, sinasabing bakit moko Ihahatid?   kata natawa ako bahagya "Ano tara hatid na kita" dagdag ko, hindi ko maipaliwanag kung anong reaksyon nya ng biglang may nagsalita sa likod ko

"Kenji bakit nandito ka sa labas?anong ginagawa mo dito?" biglang taning nya sakin, napangisi naman ako saka sya nilingon

"Ano ba sa tingin mo?" nakangising tanong ko sa kanya "Ikaw, bakit andito ka rin sa labas? anong ginagawa mo dito?" ibinalik ko sa kanya yung tanong, natigilan sya dahil don, agad nyang nilingon si Britney na nasa likod ko na ngayon

"Ako na maghahatid kay Britney" biglaang ani nya, kaya lalo akong napangisi

Kasalanan mo to eh, kasalanan mong nahihirapan sya

Nilingon ko si Britney na ngayon ay nakatingin sakin para bang sinasabi nyang gusto ko nang umalis, ayaw ko syang makaharap  kaya ngumiti nalanv ako sa kanya

"No, ako na, let's go Britney" hinila ko ang braso ni Britney pero may biglang pumigil

"Ako na ang maghahatid sa kanya Kenji" matigas nyang ani pero bago pa ako nakapagsalita ..nagsalita na si Britney

"Sasabay nalang ako kay Kenji, thanks nalang Diego"   ang tanging sinabi nya,nilingon ko sya pero nag iwas lang sya ng tingin

Maglalakad na sana kami paalis pero bigla nalang hinila ni Diego si Britney dahilan ng pagkabigla ko

"D-Diego ano ba! Bitawan moko" halatang nasasaktan na sya kaya nilapitan ko agad si Diego na nasa harap ko at nasa gilid nya sa Britney, hawak hawak nya ang braso nito

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon