C H A P T E R 27

465 31 7
                                    

A/N: Sorry natagalan ng UD! pinagbawalan lang akong gumamit ng phone for 2 days gawa ng mata ko........Aww 2k reads naaa!!! thank youuu DB's for reading my storyyy!!! hope y'all doing fine and keep safee💓
Check the video guys 💓. What do you think? Coincidence nga lang ba o TADHANA?........I think it's TADHANA!!!!ENJOY READING, SORRY SA TYPOS

I Love You

Pinatawag ang lahat ng med students sa may harap ng stage. May announcement daw sila

"Buti nalang hindi maiinit" ani Elaine habang naglalakad kami papunta sa harap ng stage

"December eh, ganoon daw talaga dito sa Batangas" ani Shona, nakarating naman kami agad sa harap ng stage, nakatayo kami roon, walang mauupuan. May space sa harap ng stage para saming mga students sa likod naman namin ay ang mga booth namin

"Students, Listen...ngayon kayo mag aayos ng mga booth nyo, bukas mag start ang contest. May mga taong pupunta rito bukas at sila yung mga lalapit sa booth nyo. Bibigyan nyo sila ng papel at isusulat nila ron ang name nila saka nila iyon ilalagay sa jar nyo, ang may pinaka maraming tao na lumapit at nagpalista sa booth nyo ay syang panalo. For example, may ako lumapit sa booth nya na naglilinis ng ngipin ganon" sabay turo kay sir Abelino sa tabi nya "Magpapalista ako at ilalagay ko sa jar nya yung name ko, then saka gagawin yung paglilinis sa ngipin, okay?" dagdag ni Ms. Laura "Maliwanag ba?" tanong nya

"Yes ma'am" ani namin

"Pwede na ulit kayong bumalik sa mga MH nyo, may nagdala na ng breakfast nyo, eatwell students" ani Ms. Laura saka bumaba sa stage

"Hays salamat gutom na ako eh" ani Shona sabay himas sa tiyan nya, natanaw ko naman si kuya kaya kumaway ako

Nakita nya ako kaya lumapit rin sya sakin

"Eat your breakfast na" ani sakin ni kuya

"Hmm sige, una nako kuya, kumain ka na rin" ani ko at tumango naman sya sakin, umalis na kami roon nila Elaine, ngiting ngiti si Shona at namumula pa ang kanyang pisngi

"Si Kat ba alam nyo kung nasan? pati si Kenjie" ani ko

"Katabi lang ng MH namin yung sa kanila" ani Elaine tumango naman ako, nakita ko si Rika kumakaway sya sakin kaya kumaway rin ako pabalik, magsasalita pa sana sya pero hinigit na sya ng kasama nya, si Leo, natawa nalang ako, sila yung kasama ko sa DT

"Sino yun?" ani Shona

"Si Rika, si Leo naman yung humila sa kanya" ani ko at tumango tango naman sila

"Ahh, paano mo---"

"Sa Dance Troupe" ani ko saka ko sila hinigit papalapit sa MH namin, nakita namin ang pagkain sa lamesa sa labas ng MH. Bilog ang lamesa naka curve naman ang upuan

Nakalagay sa dahon ng saging ang kanin. May isdang tilapia, may hotdog, bacon, Shanghai, egg, may kamatis, may mangga?, yas mangga nga, may watermelon din, may juice naman na nasa pitsel at may apat na baso para samin. Ibig sabihin mag kakamay kami?

"Shona tabi tayo" itinuro ko pa sa kanya ang katabi kong upuan

Uupo na sana sya ng bigla nalang umupo sa tabi ko si Diego

"Si Shona dyan ano kaba?!" asik ko "Alis, dyan si Shona" madiin konv ani pero hindi sya umalis "Edi wag kang umalis ako ang aalis" aniko tatayo na sana ako ng higitin nya ulit ako paupo "Aray! ano ba" asik ko, umirap sakin ang lintek!

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon