C H A P T E R 19

432 26 0
                                    

[Author's note: babawi si author guys pramissss....... hehehe 😊❤keep safe and stay at home..bubblies, let us all continue supporting our DonBelle 🤞❤....]

Kissable lips

Britney's POV

"Britney"  tawag sakin ni Waren matapos nyang maisara ang pinto, kinabahan ako sa hindi malamang dahilan, hindi pa man din kami ganon ka close sa isa't isa kaya medyo naiilang ako sa kanya

Sinagot ko naman sya "Hmm?" tanong ko, iniaayos ko na ang laptop na gagamitin namin, inilabas ko na rin ang mga kakailanganin namin kapag nag research kami, naramdaman kong papalapit na sya sakin, inilagay nya ang gamit nya sa lamesa 

"Pwede mong sabihin  sakin kung ayaw mo talaga akong kapartner, willing ako na makipagpalit kay Diego " aniya, natawa nalang ako sa kanya saka napailing

"No need, okay lang" yun lang ang nasabi ko sa kanya, no choice naman eh, kahit pa ipagpilitan namin kay sir di rin yon papayag, si Kenji, sila ni Katleya ang magkapartner....Hindi ko na ulit nakikita pa si Rika kase minsan nasa practice sya tas ako nasa klase, tsaka malimit syang umaabsent kase nagkakasakit sya

"You sure?" paniniguro nya, natatawang tumango ako 

"Yeah, why?" tanong ko, napangiti naman sya

"Wala lang" natatawang ani nya

Nagkarron ng nakabibinging katahimikan saming dalawa tanging ang tatlong sunod sunod na katok ang nagpabalik sakin sa wisyo.

"Anak...ready na ang lunch" ani ni mommy, nilingon ko naman ang pinto 

"Sige po, pababa na kami" ani ko kay mommy, narinig ko naman ang mga yabag nya papalayo sa study room, nagbalik ako ng tingin kay Waren "Let's go, lunch is ready" aniko, tumango naman sya at sumunod sakin palabas ng kwarto, nagderetso kami sa dining area

"Aba ay sino ga iyang gewapong binatang iyan?" salubong samin ni Manang, Batangeño kasi si Manang kaya gay on ang accent...ayshhh hahaha, nahawa na ako kay manang, si manang ang nagturo sakin mag tagalog kaya ayonnnn natuto ako

"He's my classmate, Manang....may gagawin kaming report eh" paliwanag ko, ngumisi naman si manang sakin ng nakalolokong ngisi..tsk manang!... nagpakilala naman si Waren kay manang

"Waren Dominique Roque po" naglahad ng kamay si Waren kay manang at tinanggap naman ni manang

"Ikinagagalak kong makilala ka iho" nakangiting ani ni manang, naupo na ako sa malapit na upuan sakin, naupo narin si Waren sa isinenyas ko sa kanyang upuan, magkatapat kami ngayon... "Oh ay Bretni nasan ba ga si Jack?" tanong sakin ni manang natawa ako bahagya dahil hindi na naman tma ang pagkakabigkas nya ng pangalan ko " Hindi ba ga magagalet ang batang iyon gawa ay dinala mo iyang si Waren?" tanong ni manang na nagpatigil sakin, nilingon ko si Waren na patuloy lang na kumakain, umaastang walang naririnig

"Hinanap ko sya kanina Manang, pero sabi nung kaklase nya, nagpunta raw kung saan si Jack and no one knows where he is and......Why would he be angry, gagawa lang kami ng report, walang malisya yon manang" paliwanag ko pero nagkibit balikat lang sya. I understand manang, she was just...concerned at me, iba si Jack pag nagseselos, minsan napipigilan mo sa mga gagawin nya pero minsan hindi rin. 

Kumain kami ng tahimik, batid kong napansin ni mommy ang pagiging tahimik ko kaya siguro di na rin sya umimik pa....

Natapos kaming mag lunch at nagpunta na kami sa study room. Binuksan ko agad ang laptop at nag search na ron ng mgab dapat isearch habang si Waren naman kumuha ng libro at don naghanap.

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon