C H A P T E R 3

712 41 5
                                    


Britney

Diego's POV

Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga sa kama, yakap ko ang unan ko,

"It's been 2 years since you left me, but I still love you" ani ko sa sarili ko, unti unti na namang tumulo ang mga luha sa mata ko, naalala ko na naman ang aming nakaraan, "Ang saya saya natin eh, ang saya saya" lalo akong naluha"Kasalanan ko to, kung nakinig lang ako sayo na huwag nang pumunta don, edi sana hindi ako napagsamantalahan" ani ko sa sarili, wala akong ibang marinig kundi ang hikbi ko, naalala ko ang magaganda naming alaala.

Idinial ko ang number nya, nagbabakasakaling ayon paren yung ginagamit nya, baka sakaling nakikilala nya pa ako, sinagot na nya ang tawag, hindi ko na napigilan ang mga luha sa aking mata na kusa nang tumulo

"Hello? "  ani nya sa kabilang linya, hindi ako makasagot, naninikip ang dibdib ko at nanunuyo ang aking lalamunan, "Hello?" pagtawag nyang muli, lumunok ako saka nagsalita

"B-Britney" ani ko, hindi ko napigilan ang sarili kong maluha, naririnig ko na ang aking paghikbi, natahimik sya, ako na mismo ang pumutol ng linya, hindi ko na kaya, baka lalo lang akong maiyak, pagkatapos kong maibaba ang linya doon ako umiyak ng umiyak, naalala ko na naman ang masaya naming nakaraan, umiyak ako ng umiyak, pakiramdam ko ako na ngayon ang pinakamahinang tao sa mundo

"Babe..." ani ko

"Hmm"

"I love you" ani ko saka ko sya iniharap sakin

" I love you too" ani nya, hinalikan ko sya sa noo

"I love you more"

"I love you most"

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko babe"

"How about your mother, sister, aunties, grandma" natatawang ani nya

"Napakapilosopo mo talaga.... Promise me babe ako lang ang lalaking mamahalin mo" ani ko sa kanya

"I can't promise babe, hindi ko hawak ang future, but I'll do my best para tayo paren hanggang dulo" ani nya sakin, niyakap ko sya ng mahigpit saka hinalikan sa noo ulit

_______

Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa veranda, agad akong bumangon, at dumeretso sa banyo, naligo na ako pagkatapos nagsepilyo, namili narin ako ng susuutin kong damit. Inayos ko ang itsura ko saka ako lumabas ng kwarto at bumaba, nakita ko si mommy, papuntang kitchen, natigilan sya sa paglalakad matapos akong makita, halos 10:00 na ng umaga

"Son where are you going?" ani sakin ni mommy, nginitian ko naman sya" Are you okay? nag aalalang tanong ni mommy

"I'm okay mom, punta lang po ako ng MOA" ani ko kay mommy, nginitian ko naman sya para hindi sya mag aalala, alam ni mommy na hindi pa ako nakakamove on ng tuluyan

"Take care anak" ani ni mommy sakin, tumango naman ako sa kanya saka tuluyang umalis, pagkasakay ko sa kotse, doon ako bumuntong hininga, naalala ko yung mga pinost ko online, ang daming nag react, nag comment and nag share,

Babe mahal pa pala kita

Sabi ko sa isip ko, nangingilid na ulit ang luha ko kaya agad ko na iyong pinunasan at nagsimula nang magmaneho, dumeretso ako sa MOA , pagkarating ko don ay pumunta ako sa Department Store, bumili ako ng  hoodie, bagong rubber shoes, watch, lahat ng gusto ko binili ko, binayaran ko na lahat ng pinamili ko sa counter, pumunta ako sa bilihan ng jewelries, binili ko yung isang kwintas na may letter B na may puso, binili ko iyon, itinago ko, Halos ang daming nakatingin saking mga tao, mula pa lang pagpasok ko ng Mall, sikat ako.....date hanggang ngayon din naman pero may pagbabagong naganap

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon