C H A P T E R 1 6

416 27 0
                                    

Picture

Britney's POV

Tatlong araw ang nakalipas matapos nung nangyari. Tuesday ngayon, at kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa school

Nagkaayos na kami ni Jack pero parang may mali parin sakin, ang bilis ng mga pangyayari, kailan lang ako pumunta at pumasok dito pero ganon na ang nangyari, yung mga tao sa paligid ko pakiramdam ko parang matagal ko ng kakila pero parang hindi rin,

Hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanila kaya ganon na lang kadali kami naging close sa isa't isa, pakiramdam ko ang gulo gulo ng paligid ko, ng bigla nalang may bumusina

"Miss ano ba! natatraffic dahil sa yo oh!" sigaw sakin ng isang mama, hindi ko namalayan na nakatigil pala ako sa kalsada, agad kong pinaharurot ang kotse ko sa kahihiyan, kung dati ang bilis kong makarating sa school ngayon pakiramdam ko tatlong bayan ang dinaanan ko bago pa ako nakarating.

Ipinarada ko na ang kotse ko sa parking lot saka ko inayos ang sarili ko at ang gamit ko, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin saka ako lumabas ng kotse, sinara ko ang pinto at inilock yon

Pumasok na ako sa loob ng school, nakakapanibago lang, kahapon halos walang nakatingin sakin samantala ngayon ayun na naman ang mga tingin nila, hindi ko alam kung inggit ba sila sa ganda ko o baka naman hinuhusgahan na nila ako

Nagderetso lang ako sa paglalakad, hanggang sa may madinig ako nagsalita

"Grabe no! may boyfriend na sya pero nagawa nya pang makipaghalikan sa ibang lalaki" biglang ani ng isang babae, nag init ang tainga ko sa nadinig ko, gusto ko man sigawan ang nagsabi non but I can't, hindi ako sigurado kung ako nga ba ang pinag uusapan nila, pero sa tingin ko ako nga, sinabi lang nila yun nung dumaan ako, ang galing magparinig

"Sinabi mo pa, napakalandi! di man lang makontento sa isa" nakaramdam ako ng inis pero binalewala ko nalang yon.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahapon ay wala man lang akong nadinig na mga ganong salita, siguro dahil Lunes kahapon at ayawnilang simulan ang week na to ng ganon, ayaw siguro ng bad vibes

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang department namen, ang buildin namin, hanggang don nakakarinig ako ng mga usap usapan tungkol sa nangyari nga nung acquaintance, nakakarindi pero wala akong magawa, kundi ang hayaan nalang sila dahil mapapagod din naman ang mga bibig nila sa kakadada

Pumasok ako sa room, nakita kong wala pa si Diego, nilibot ng tingin ko ang buong room, nakita ko si Rika, kaklase ko nga pala sya sa isang subject, sinenyasan nya akong lumapit ako sa kanya kaya agadakong sumunod, inituro nya sakin ang upuan sa tabi nya, pinauupomya ako ron

Inilagay ko na ang bag ko sa may upuan saka naupo

"Good morning" nakangiting bati nya sakin, kaya nginitian ko rin sya pabalik,

"Good morning, kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya sakin bilang pagsagot

"Kamusta ka? pinag uusapan ka na ng mga schoolmates natin, dahil dun sa nangyari nung party, kaya nag aalala ako sayo.......alam kong di mo rin naman ginusto yon" ani nya sakin, bakas nga ang pag aalala sa kanya, hinawakan ko naman ang kamay nya at tiningnan sya sa mata

Ngumiti ako sa kanya "Im okay, wala naman silang alam sa tunay na nangyari, never mind them, papansin lang mga yun " natatawang ani ko, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, nag iwas mg tingin si Rika sakin, saka sya bumuntong hininga

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon