C HA P T E R 44

556 19 12
                                    

A/N: HIII HEHE FAN NA YATA TALAGA AKO NG MGA PLOT TWIST........

Don't give up

"Baby..." aniya. Napatitig ako sa kanya. Kay gwapo nya talaga

"Hmm?"

"I need to go... May aasikasuhin lang ako" aniya at tumango ako. He kissed my forehead, my nose, my cheeks and then my lips. Malalim na halik. Kumawala rin sya agad. Naamoy ko ang scent nya. Mabango

Bumangon na rin ako. Inihatid ko sya hanggang sa labas ng bahay. Nakita ko syang umalis. Kumaway pa ako. He smiled and blow a kiss. Flying kiss.

Pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos nyang umalis. Niyaya na akong kumain ni mommy.

"Anak... Huwag ka na munang pumasok sa trabaho" ani sa'kin ni mommy at nanlaki ang mata ko. Umalis si Diego dahil may aasikasuhin sya sa trabaho nya. He's a Doctor now and I am proud of him. Minsan nagtuturo rin sya sa VIS sa mga med students. Marami ngang mga college and highschool students and nahuhumaling sa kanya. Nasa kanya na yon kung ipagpapalit nya ako sa mga babaeng yon

" Mom... Hindi pa naman ganoon kalaki yung tummy ko" nakangiting aniko while eating breakfast

"Kahit na" ani mommy saka bumuntong-hininga " May appointment pa tayo sa OB mo" dagdag nya at awtomatiko akong napalingon sa kanya

"Oo nga pala" aniko saka napainom ng tubig. Last week nagpunta kami sa OB then nalaman namin na two months na akong pregnant and mag three months na rin. Ngayon gusto nang malaman ni mommy yung gender ng baby ko kaya ayon pupunta ulit kami sa OB.

Weeks passed by lumalaki na yung tummy ko. Kinakabahan pa ako minsan kapag may gumagalaw sa loob ng tyan ko. Minsan wala akong ganang kumain pero minsan kumakain pa rin ako kase nag aalala akong magutom ang baby ko.

Natapos namin ang pagkain at nagpunta na ako sa kwarto ko. Naligo at nag ayos ng sarili. Dahan dahan rin at nag iingat. Baka madulas ako at mapahamak pa si baby. Simpleng dress lang ang suot ko. Halatang halata na buntis ako. Ang laki na ng tummy ko.  Pagkababa ko ay bumungad ang mukha ni Diego sa'kin. Nakangiti sya habang nakatingin sa'kin

"Baby boy yan" ani Diego sa mismong tainga ko kaya kinilabutan ako

"What if babae?" aniko at nagkibit balikat sya saka hinawakan ang aking baywang. Ayon na naman yung kilabot na dala sa'kin nung mga hawak nyang ganoon

"We'll see pero lalaki talaga yan" aniya at napangiwi ako. Kumindat sya saka pinababa at taas nya ang kilay "Trust me...Malakas ang instinct ko" dagdag nya kaya natawa ako. Nakita ko si mommy na galing sa kitchen. Favorite place nya talaga yon. Hobby na kase nya ang pagluluto

"Tsh. Mas bet ko ang girl" aniko at nilingon nya ako. Nagtaas baba naman ang kilay ko at napangiwi sya

"But I want a boy. You know? Father and son tandem. I'll teach him how to play basketball and I'll teach him how to court----" aniya pero pinutol ko ang sinabi nya kaya sya nagpout. Napairap ako

"Manliligaw? Tsh! Tuturuan mo lang kung paano mambabae ang magiging anak mo!" asik ko at nanlaki ang mata nya. Umastang animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko

"No... Hindi ah.. Ikaw naman baby eh syempre... tuturuan ko rin mag---" sumilay ang nakakapanlokong ngisi nya kaya himapas ko sya

"Tse! Shut up Diego! kahit kailan ka talaga!" asik ko at natawa sya. Alam ko kung ano ang sasabihin nya. Nakakainis.

"Sundan na lang na----"

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon