C H A P T E R 10

542 28 0
                                    

Author's Note: Hello po sa mga BelleMiah😁❤️....Enjoy reading po, salamat

Man In Black

Britney's POV

Iniuwi ako ni Jack sa bahay, hanggang ngayon puro tanong ang namamayani sa utak ko

Bakit binuhat ako ni Kenji? Bakit ganon nalang ang tinginan nina Jack at Diego? Paano nalaman ni Jack ang nangyari sakin?

Nasa harap na kami ng gate ng mansion, nakatigil ang kotse sa harap non, nakasakay ako sa kotse ni Jack, nakikiramdam ako sa kanya, baka may sasabihin sya, natatakot ako dahil alam kong nagselos na naman sya dahil sa nangyari kanina lang

Binuhat kase ako ni Kenji

"T-Thanks you sa p-paghatid" ani ko sabay ng pagbubukas ng pinto, pero natigilan ako ng magsalita sya

"Babe...alam mo naman na nagseselos ako diba?...please stay away from that guy" ani nya sakin, mahinahon ang pananalita nya, nilingon ko sya at nakakunot ang noo nya, alam kong nagselos sya dahil sa ginawa ni Kenji

"I-I'll try my best babe, classmate ko sya at hindi maiiwasan na hindi ako lumapit sa kanya, nasa unahan lang ng upuan ko ang silya nya" pagpapaliwanag ko,hindi ko naman talaga maiiwasan si Kenji eh alangan den na ipagtabuyan ko yung tao, nahihirapan akooag ganito baka magalit sya pag hindi ko nagawa yung sinasabi nya, nakita kong humigpit ang paghawak nya sa manibela, nagpipigil sya ng galit

"I'll trust you" ani nya saka ako nilingon, hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, nakangiti naman akong humarap sa kanya

"Thanks for trusting me babe" ani ko na ikinangiti nya kahit konti "Mauna na ako, sama ka sa loob?" tanong ko sa kanya pero tanging pag iling lang ang isinagot nya "mag iingat ka, kita nalang tayo bukas" dagdag ko sa kanya, ngumiti naman sya at tumango

"Yes babe I will" ani nya, lumabas na ako ng tuluyan sa kotse nya, hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nya, binaba nya ang salamin ng bintana at kumaway sakin nalangiti naman akong kumaway rin sa kanya, ng makalayo na sya at pumasok na ako sa loob at sinalubong naman ako nina mommy at Spikey, niyaya na nila ako sa dining area at nagsimula na kaming kumain, hindi rin naman ganon yon katagal, nag usap pa kami tungkol sa nangyari kanina, alam kong nag alala sila pero sinabi ko namang ayos lang ako, na kailangan ko munang magpahinga

Jack's POV

Nasa daan na ako pauwi galing sa bahay nina Britney ng may tumawag sakin

"Babe are you home already?" ani nya sa kabilang linya, napangiti naman ako

"Malapit na ko sa bahay babe, don't worry" ani ko, mga ilang bahay nalang ang madadaanan ko nasa bahay na ako

"Okay babe, take care, I love you" batid kong nakangiti sya habang sinasabi nya yon

"I love you too babe" ani ko, nasa garage na ako at nakababa na sa kotse ng may marinig akong pumaradang kotse sa tapat ng bahay namin "Sigeh na babe, see you tomorrow, magpahinga kana"dagdag ko saka binaba ang linya, dumeretso ako sa gate para tingnan kung sino yon at  bigla nalang nangunot ang noo ko matapos syang makita sa harap ng bahay namin

"Who the hell are you and what the hell are you doing here?!" may diing ani ko sa kanya, naiinis ako sa pagmumukha ng mokong na to, i can also call him Man in Black, halos lahat ng suot nya itim

"Good evening Jack" bagid kong nakangisi sya habang sinasabi nya yon sakin, lalo akong nainis dahil don

"What do you want?!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses, naiinis na talaga ako!

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon