C H A P T E R 5

621 42 0
                                    

Visiting her

Diego's POV

Napaisip ako kung pupunta ba ako o hinde don, kusa nalang kumilos ang mga katawan ko, naligo na ako saka umalis ng bahay, nag paalam ako kay manang nang makita ko sya sa gate, mabilis akong nakarating sa bahay nila, hindi din naman kalayuan yon, nakatira lang kami sa iisang village pero magka iba kami ng street. Nasa labas na ako ng mansion nila, nakita ko na din ang kotse nina mommy, magdo- doorbell pa sana ako pero nakita ko na si Jack

"You must be Diego?" ani nya sakin, tiningnan ko naman sya

"Hmm oo ako nga" ani ko sa kanya, tutuloy na sana ako sa loob pero tinawag nya ulit ako

"Diego" ani nya at inis ko syang nilingon "Kung ano man ang meron sa inyo ni Britney in the past, kalimutan mo na at kalimutan mo na rin si Britney, I love her and she loves me, bro we loved each other, so please stay away from her" ani nya sakin, ngumisi naman ako, wala syang alam kaya hindi na dapat pa syang mangialam

"Yahh I know and I can see that she loves you, but I don't think so that I can do your favor...I still love her Jack, and you couldn't understand that"  ani ko sa kanya, tutulog na sana ako pero nagsalita ulit sya

"Masasaktan kalang kapag ipinagpilitan mo pa yung nararamdaman mo sa kanya, hindi ka na nya kilala Diego, she doesn't love you anymore" ani nya sakin, isinara ko ang mga kamao ko, nagpigil ako ng inis

"Tss Kung talagang mahal mo yung tao handa kang masaktan para sa kanya, handa mong isakripisyo lahat para lang sa kanya.....Wala kang karapatan para diktahan ako sa mga dapat at hindi dapat na gawin" may diin kong sabi sa kanya, nainis ako sa mga pinagsasabi nya inis ko syang nilisan at tumuloy na sa loob ng mansion ng mga Marquez, bumungad sakin ang alagang aso ni Ian, si Kimi, husky at babae sya, hinaplos ko naman ang ulo nya saka ako dumeretso kay mommy, kausap nya si Tita, si Tita Brittany, natigil sila sa pag uusap at tumingin sakin, napansin kong nag bago ang emosyon nila, siguro may pinag uusapan sila na hindi ko dapat malaman dahil pang kanila lang yon. Nadinig kong umalis na si Jack, dahil nadinig kong umalis na ang sasakyan nya, pumunta si Britney sa sala, galing sya sa kitchen, may dala na syang brownies, napapatitig ako sa kanya, ang laki na ng pinagbago nya, mas gumanda sya ngayon, nag iwas ako ng tingin ng mapatingin sya sakin, nabigla pa ako ng tinawag nya ako sa pangalan ko, paranv noon ko nalang ulit nadinig ang boses nya

"Diego.....Can we talk?" ani nya sakin, nilingon ko sina mommy at tumango naman sya sakin, sumunod ako kay Britney sa garden nila, katabi lang din ng pool, naupo kami sa upuan na nandon sa may Bermuda grass nila na may kasamang table

"Tungkol saan ba ang pag uusapan natin?" ani ko sa kanya, tumingin sya sakin, kakaiba ang tingin nya

"Kilala mo ako? Kailan pa?" ani nya sakin, nangunot ang noo ko,

hindi nya talaga ako naaalala,....nagka amnesia--

Natigilan ako sa sinabi ko sa isip ko, umiling iling ako

no....no....what the hell?

"Oo, matagal na kitang kilala" ani ko sa kanya

"Ahh........hmm thank you nga pala, kung hindi ka dumating baka...." hindi nya maituloy ang sasabihin nya, alam kong naiilang sya don kaya nag salita nako

"You should be very careful next time" ani ko sa kanya, ngumiti sya sakin

"May sinabi kaba sakin bago ako mawalan ng malay?" tanong nya sakin, kinabahan ako bigla hindi ko alam kung dapat ko bang aminin yon o hinde

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon