C H A P T E R 25

462 32 11
                                    

A/N: HI BUBBLIES, DB'S
HAPPY 7TH MONTHSARY!!🎉 SORRY IF NATAGALAN NG UD SI AUTHOR, I'VE BEEN VERY BUSY THIS PAST FEW DAYS LANG KASE DON'T WORRY GUYS I'LL MAKE A WAY PARA MAGSUNOD SUNOD NA ANG UD'S KO, TAKE CARE AND KEEP SAFE. MAG IINGAT KAYO SA MGA TAONG GHOSTERRR!!!!!

Lets take a picture

APAT NA ARAW  ang nakalipas mula nung birthday ni Eya.
THURSDAY ngayon at narito ako sa loob ng classroom. Katatapos lang ng first subject namin, may break time kaming 10 minutes bago sumunod ang next subject. Inaayos ko na ang gamit ko, inilalagay ko sa bag ko ng lumapit sakin si Shona at Elaine

"Teh! 1 Billion na ang views ng DNA MV NG BTS!!!" nakangiting ani Elaine, parehas kaming army ni Elaine, si Shona hindi daw sya fan ng bts pero fan daw sya ni Taehyung

"Oo nga daw" aniko, natapos na ako sa pag aayos ng gamit ko. Ilang araw nalang at Club Contest na kaya marami samin ang busy, buti nakang at naayos na ng section namin ang gagamitin namin sa CC.

"Tara na, bibili pa tayo ng mga kulang na gamit" biglang ani Shona habang may pinipindot na kung ano sa cellphone nya, halatang naiinis dahil sa itsura nya na magkasalubong ang kilay

"Tara" anyaya ko, natapos na rin naman ako sa mga gamit ko kaya dumiretso na kami sa parking lot

Nakakastress ang mga nagdaang araw, ang toxic ng sched namin, sunod sunod na report at quizzes ang binigay samin, mabuti nalang at natapos na ako sa report na ipapasa namin. Kapartner ko si Shona at Elaine sa report na kahapon lang namin ipinasa

Habang naglalakad papalapit sa kotse namin ay ramdam ko ang titig sakin ng kung sino, nagpalinga linga ako sa buong parking lot pero wala namang tao, kinakabahan tuloy ako sa maaring mangyari

Nang makalapit na kami sa mga sasakyan namin ay agad akong sumakay, tinted ang kotse ko, tiningnan ko ang bawat sulok ng parking lot at isang lalaking naka itim, lahat ng suot nya ay black, nakatingin ng diretso sa kotse ko, iniisip ko kung nakikita nya ba ako o hinde pero hindi naman siguro dahil nga tinted to

Pinaandar ko na ang makina, nanguna si Elaine sa pagmamaneho sumunod ako saka pa si Shona, papunta kami ngayon sa Robinson Dasma, bibili kami ng mga magagamit namin para sa CC, secret muna kung ano ang gagawin ng club namin

Sa pagmamaneho papunta sa Robinson ay hindi ko maiwasang hindi mag isip. Hindi ko na ulit nakikita pa si Jack, ang cold nya sakin, nagmemessage ako pero seen lang! ghinost yata ako, punyeta! kainis

Nagvibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko saka sinagot ang tawag

"Hello?" tanong ko, tawa lang ang narinig ko "Sino po sila?" seryosong ani ko, wala akong panahon makipag lokohan, nagdadrive ako at mahirap mag concentrate

"You really don't know me huh?" may angas nyang ani, batid kong nakangisi sya ng nakakaloko habang binabanggit ang mga salitang iyon

"Who.are.you?." mariin kong ani, tumawa na naman sya, may narinig akong nagsalita pa doon kolang nalaman na may iba pang kasama si 'Mr.You really don't know me'. Napapikit ako ng mariin ng wala akong natanggap na sagot. Tumawa lang sya saka ini end ang call

Napuno na naman ng tanong ang isipan ko, ang dami nang nangyari this past few days, ang dami kong natatanggap na messages ng kung sino, nakakakaba minsan dahil baka may balak na masama sakin yung nga nag memessage at tumatawag sakin. Natigil ako sa pag iisip ng mamalayan ko na lang na nasa Robinson na ako, nakababa na sila ng kotse at iniintay ako, inayos ko ang sarili ko saka ako bumaba sa kotse ko

Habang naglalakad ako papalapit kina Shona may humarurot na kotse papalapit sakin!, sobrang bilis ng kotse, agad syang pumreno nung halos hinliliit nalang ang pagitan ng unahan ng kotse nya at ng binti ko! inis kong inaninaw kung sino ang driver ng lintik na kotse na yon

The Calling Of Her Heart [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon