CHAPTER 2

119 10 6
                                    

                             Reydo

Nagulat ako nang isang babae ang tumayo sa harap ni Lauren at hinihingi ang kooperasyon niya para sumama sa kanila sa office ng student committee. Sumama si Lauren ng kalmado at sumunod din ako. Hinawakan ako ni Lauren sa braso at halata sa kaniya ang kaba, ikaw ba namang tawagin sa student committee's office nang first daw of class.


Maya-maya, pumasok kami sa isang malaking silid na may limang lamesa. Nakaupo ang 4 na estudyante sa kada isang lamesa at ang babaeng sumundo kay Lauren kanina ay umupo sa pinakagitnang lamesa.

"You may take a seat"sambit ng babae at umupo kami ni Lauren.

"I am Lheinne Queña, the student committee's Jupiter. Nandito kayo dahil sa isang report na natanggap namin"sambit niya at binuklat ang notebook na nasa harap niya. Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Ang lalaki ay nay hawak na paperbag.

"Mr. Pineda, take your seat"at umupo rin ang lalaki. Siya yung lalaking nabunggo ni Lauren kanina, yung lalaking may pangalang Neo. Siya ata ang nagreport samin. Ang sumbungero naman nito.

"Dahil nandito na kayo, I want to know what happened"kalmadong sambit ni Lheinne at may sinulat sa notebook.

"It was an accident"sagot ni Lauren at biglang tingin kay Neo.

"Aksidente man o whatsoever, you must take responsibility for what you did"ani Lheinne. Tahimik naman akong nakaupo sa gilid ni Lauren at pinagmamasdan ang mga nangyayari.

"Bumili na ako ng bagong milktea" sambit ni Lauren na may halong galit sa boses.

"Pero di yun sapat"sabat ni Neo at tumingin ng matalim kay Lauren. "Paano naman ang pants ko?" dagdag niya.

"What about your pants?"tanong ni Lauren at napairap.

"Wash it"at inabot kay Lauren ang paperbag. Sinilip namin iyon ni Lauren at nakita ang pantalon niya.

"Di ka ba marunong maglaba para sa sarili mo?"

"Hindi ka ba marunong umupo ng maayos para hindi ka sana nalaglag at tinapunan ako?"singit ni Neo.

Napatayo si Lauren at padabog na umalis. Napangisi lang si Neo at tumayo na rin ako para sundan si Lauren.

"Wait, please sign first"sambit ni Lheinne at pumirma ako. Pinirma ko na rin si Lauren at saka umalis. Hinabol ko si Lauren at naabutan ko siya sa hagdanan.

"Aagghh, bwiset. Gwapo sana kaso ang sama ng ugali"aniya at napairap.

"Hayaan mo na siya. Gusto mo ako na lang maglaba niyan, tutal ako naman tumulak sayo"sambit ko at napangiti siya. Inabot niya sakin ang paperbag at napailing na lang ako. Bumalik na kami sa room at nakitang nandun na si Ma'am Lhen at ang lahat ng mga kaklase namin.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now