Fan Fact : At first, the story's genre is SPG but I changed my mind haha. (I'm talking abt Section 1-A : Saga & Secrets since its the first book).
Thimoty
Biglang nagreklamo si Ryechel na may lason ang kaniyang pagkain kaya agad namin siyang isinugod sa ospital. Paglabas ng kuwarto ni Lauren ay nakita namin si Nhelyza na sa may elevator kaya tumulong din siya samin.
Habang tumatakbo kami patungong ospital, panay kalabit ni Ryechel sakin. Pagdating sa ospital, agad siyang sinugod sa emergency room at matapos ng ilang minuto, ay agad din siyang nilipat sa isang hospital room.
"How is she, doc?"tanong ni Andreu sa babaeng doctor na tumingin kay Ryechel.
"She's fine. We found traces of cyanide on her lips and we already give her sodium thiocyanate to reduce the formation of toxic metabolites"sagot ng doktora at saka umalis. Umalis rin ang iba dahil may kailangan silang gawin.
"Hindi ako makapaniwalang may lason ang chichirya na iyon"ani Kim na nasa tabi ko. Nakayuko siya at hindi ko alam kung umiiyak ba siya. Hinagod ko lang ang likod niya.
Wala naman siyang kasalanan dahil wala namang lason ang pagkain na dala niya. Plano lahat ito ni Lauren. Sinabi niyang ito na ang tamang panahon para gawin ang matagal na naming plano.
8 months ago...
"Papasok tayong lahat sa Mende University of the North. Pagdating natin doon, siguradong kilala tayo ng mga namumuno doon at sigurong babantayan tayo"sambit ni Lauren. Nasa loob kami ng classroom ngayon.
"Let's pretend that we don't know anything and that we just discovered things about the school"dagdag ni Claris at tumango lang kami.
"Magbihis lang kayo sa mga banyo niyo"paalala ni Lauren at tumawa siya.
"9:30PM, always be aware of the time dahil baka may mangyari"ani Raphael na busy sa kaniyang laptop.
"Sasabihan namin kayo kung anong dapat gawin."
Hindi ko talaga alam kung plano ba yun pero sinunod lang namin iyon. Kaninang nakipag-laban kami sa Un, saka sinabi ni Lauren na ngayon namin gagawin ang plano.
"Ms. Reneza"tawag ng isang lalaki. Agad naming tiningnan kung saan galing ang boses at nakita ang dalawang lalaki at isang babae.
"You have to come with us"dagdag ng babae. Tumayo lang si Kim. Minabuti ko siyang samahan at wala namang reklamo ang mga taong sumundo kay Kim.
Habang naglalakad kami ay pinatid ko si Kim dahilan para bumagsak siya sa lupa. Agad akong lumapit sa kaniya at mahinang bumulong.
"Umarte kang nakokonsensya at sobrang lungkot mamaya"sambit ko at napatingin lang siya sakin. Nginitian ko siya at saka ko siya tinulungang makatayo.
Nakadating na kami sa main building ng school at agad umakyat sa Third Floor kung nasaan ang opisina ng Head Master.
Pinapasok na si Kim sa loob at pinaiwan lang ako sa labas kasama ang isa pang lalaki. Sinilip ko ang loob at nakitang nakaupo doon si Mr. Matteo at may kasama siyang tatlong tao. Ang isa sa kanila ayt initingnan ang screen kung saan nakalagay kung nasaan ang bawat student ng school.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob pero maya-maya, lumabas ang tatlo nilang kasama.
Nagpaalam akong magbabanyo dahil masakit ang aking tiyan.Pagdating sa C.R.,inilabas ko ang contact lens na ibinigay sakin ni Reydo. Isinuot ko ito sa kanan kong mata. Tinanggal ko ang necklace ko at nilagay iyon sa loob ng isa sa mga cubicle.
Agad akong lumabas ng C.R. at mabuti na lang at walang tao dito sa third floor. Hindi ko alam kung paano pero dinisenyo ni Reydo ang contact lens para ma-unlock ko ang control room.
Pagdating sa kuwarto, nakita kong nakasara ito at na ginagamitan ito ng
photoelectric sensor. Agad kong tinapat ang mata kong may contact lens and within a second, nag-unlock ang pinto.Pagkapasok, nakakita ako ng maraming screens at lahat yun, pinagmamasdan ang galaw namin. Camera sa mga hallways, loob ng kuwarto namin pati na sa labas ng dorm. May mga litrato pa namin dito at mga pangalan. Bantay-sarado talaga kami, mabuti na lang pinaalahanan kami ni Lauren na magbihis sa loob ng C.R. namin.
Kinuha ko ang flash drive sa bulsa at pinasok iyon sa USB port. Binigay ito ni Ryechel sakin noong kinakalabit niya ako kanina. Biglang dumilim ang screens at nagkaroon ng kung ano-anong numero.
Maya-maya, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Agad akong dumikit sa pader malapit sa pintuan. Nang sumilip ako, nakita ko si Sharmaine. Lumabas na ako sa control room.
"Wala nang kuryente sa bawat building maliban sa ospital at dito" aniya at inabot sakin ang necklace ko. Agad akong naglakad pabalik sa opisina ng head master.
"Nawalan daw ng kuryente"tsismis ng isa sa mga kanila. May narinig sila mula sa earpiece nila at saka sila umalis.
Lumabas din si Kim pati si Mr. Gudiez mula sa opisina nito. Tinapik lang ni Matteo ang balikat ni Kim at saka umalis rin.
Agad kong sinuot ang earpiece ko at binigay din ang kay Kim. Isinuot niya rin ito at sabay kaming umalis sa building.
Paglabas, maraming tao ang nagkalat. Lahat sila nagrereklamo kung bakit walang kuryente sa school. Maya-maya, nawalan din ng kuryente ang main building.
"Ano kayang nangyari?"tanong ni Kim.
"9:30"
Rinig ko mula sa earpiece ko. Ibig sabihin, 9:30 na. Bigla kaming nakarinig ng pagsabog at nang tingnan namin kung saan galing yun. Halos manlumo kami dahil ang sumabog ay wala ng iba kundi ang dormitory namin habang hindi pa kami nakakalipat, ang dorm ng Cinq.
๛
End of Chapter 29!
Please vote and comment for support!
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.