CHAPTER 31

66 6 8
                                    

Sharmaine

Pagkatapos kong tawagin si Thimoty ay agad akong bumaba. Pagbaba, sinuot ko ang earpiece ko at saka tumakbo sa area ng tagong building at saka lumabas sa school. Walang electricity sa buong school kaya hindi gagana ang tracking device ng mga necklace namin.

Paglabas, hinanap ko ang isang maintenance van at nakita yun sa tabi ng kalsada. Nakita ko si Dirk sa unahan at siya ang driver. Agad akong pumasok sa likod nito at nakita si Nicholas na inaayos ang mga baril dito.

"Ayos na?"tanong niya at tumango ako.

"Si Charles?"tanong ko dahil dapat siya ang magpapandar ng van na ito.

"Kasama si Reoland at may pinuntahan"sagot niya habang nilalagyan ng silencer ang isang pistol.

"9:30"

At nagkaroon ng malakas na pagsabog. Galing yun sa school at alam kong nanggaling yun sa dorm namin. Kasali ito sa plano namin. Nalaman naming si Matteo Gudiez pala ay wala ng iba kundi si Anderson Lareo ang anak ni Chairman Lareo.

Nalaman lahat ng ito ni Fiona, simula pa noong nasa Alitheia pa kami. Nakita niya ang picture nito at nang makita namin siya sa school na ito ay nagulat kami. Nag-iba pa talaga siya ng pangalan.

"We can't trust him." Yun ang sinabi samin ni Lauren noong pinag-usapan namin siya isang beses. Nalaman ni Krysztella na nasangkot ito sa drug trafficking at na hindi man lang nakialam si Chairman Lareo tungkol dito lalo na at padating na ang eleksyon ng mga oras na yun.

Nalaman din niya na si Anderson Lareo rin ang nanghingkayat sa kaniyang ama na kaunting tao lang ang dalhin lalo na't bilihan lang ng baril ang magaganap noong panahong ginamit namin yun para palabasin siya.

Isa lang siya sa mga chesspiece ng anak niya at hindi namin alam kung ano pa ang meron si Anderson pero sigurado kaming siya na ang sinusunod ng Task Force 35.

Alam na alam ng lalaking iyon na papasok kami dito at ginusto niya yun para hindi namin malaman na nagkakagulo sa boundary ng Rosevelt North at South. Ngayon, gusto niyang labanan namin ang Task Force 35 at alam naming matatalo kami dahil siguradong mas maganda ang mga gamit nila kaysa samin.

Bigla ko namang narinig ang tunog ng mga sirena. Nakakita kami ng mga fire truck at agad binuksan ang malalaking gate ng Mende. Sumunod din kami sa mga nagsisipasukan.

Pagpasok, inapula ng mga bumbero ang apoy at kami naman ay nasa isang gilid lang. Matapos apulahin, biglang may ipinakitang papel ang mga tao ni Anderson at kinuha si Julianne pero hindi nila siya dinala sa kung saan pero hinawakan lang nila siya sa isang gilid.

Kinuha ko ang mga gas mask na nandito sa sasakyan at agad bumaba. Lumapit sakin si Kim at binigay ko ang dalawa sa kaniya at binigay niya ang isa kay Thimoty. Si Krysztella naman ay agad kong nilapitan at inabot sa kaniyang ang isa pa.

Wala dito ang iba kong kaklase dahil nasa lumang training facility sila ng Trois. Nang umalis ang mga bumbero, isang firetruck lang ang natira. Isang bumbero ang kinuha ang hose at ang isa'y may pinindot sa pump control panel.

Itinapat ng bumbero ang hose sa mga tao at imbes na tubig ang lumabas, ay gas ang lumabas dito. Agad naming ginamit ang mga gas mask namin at nakita ko kung paano sinubukang tumakbo ng iba pero agad silang bumagsak.

Nang bumagsak na ang lahat, agad itinigil ng bumbero ang pagbomba. Lumapit ang dalawang bumbero samin na sila Reoland at Charles. Kanina, pulis si Charles, ngayon bumbero na.

Lumabas ang iba naming kaklase mula sa training facility at hinila ang mga estudyante at pati sila Anderson at kaniyang tauhan papasok sa facility. Ang mga estudyante ay nasa matinong facility at sila Anderson naman ay sa luma.

Lahat sila ay binusalan at tinali sa mga upuan. Matapos namin silang busalan, agad kaming nagtungo sa kampo ng mga kalaban, ang Task Force 35. Kumuha kami ng mga baril at iba pang armas.

Si Lauren at Claris ang nauna at minabuti nang iba na magtago habang ang iba, tulad ko, ay sumama pero nasa likod lang kami.

Medyo malaki ang lugar nila. Dalawang building, isang dormitory at isang malaking training facility. Halatang pinaggagastusan sila ng gobyernong ito.

Pumasok na kami sa dormitory at nakitang nasa baba lahat silang talumpu't lima.

"Lauren, Claris"salubong ng isang babaeng maiksi ang buhok kay Lauren at Claris.

"What brings you here?"tanong din niya at lumapit sa direksyon namin.

"Looks like we've reunited, right, guys?"ani ng babae at tiningnan ang iba niyang kasama.

"Have you heard the explosion earlier?"tanong ni Claris at tumango lang ang babae.

"Sofia, we need your help"singit ni Lauren at nagulat ang babae dahil nanlaki ang mga mata niya.

"Why? Pagkarinig ko, magaling ang section mo"sambit ng babaeng nagngangalang Sofia.

"Nawawala si Mr. Matteo, hihingi sana kami ng tulong sa iba pero ayaw nila kaming tulungan dahil nga galit sila samin"paliwanag ni Lauren.

"Really?"tanong nung Sofia na parang hindi pa rin naniniwala.

"We need him dahil nga sumabog ang dormitory at maraming nasugatan dahil doon"dagdag ni Claris.

"Pero dumating na ang mga bumbero, hindi ba?"tanong na naman ng babae.

"Oo, pero umalis agad sila nang maapula ang apoy at dinala ang mga kaklase namin sa ospital pero kailangan naming makita si Mr. Gudiez para imbestigahan ang nangyari"explanation ni Claris na parang nagrarap. Sana ay naintindihan nila yun.

"Fine, magkakaibigan naman tayo dati"pagsang-ayon nito. Nagkaroon sila ng kaibigang ganyan ang ugali? Masyadong matanong at mataray.

Lumabas na sila at lumabas na kami at biglang umulan ng tranquilizer darts. Natamaan ang marami pero ang iba ay nakaiwas.

"You!"sigaw ni Sofia at hinampas ng rifle si Lauren at mas nagulat kami ng inilabas niya ang isang pistol at barilin si Lauren.

End of Chapter 31!

Please vote and comment for support!

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now