Samantha
Tahimik lang akong naglalakad sa canteen ng biglang humarang ang isang grupo ng kababaihan sa harap ko.
Tumalikod na ako para hindi na magkaroon ng away lalo na at galing sila ng Section Un. Lalakad na sana ako palayo nang biglang nagsalita ang isa sa kanila.
"Where do you think you're going?" at napalingon ulit ako.
"Aalis? Ano bang problema niyo?" tanong ko at napangisi sila pero ako, mas nainis lang ako.
"You're from Section Cinq, right?" tanong ng isang babae at tumaas ang kilay ko. Iniinsulto niya ba ang Section namin? Aba, papatulan ko na talaga ang babaeng ito.
Tumango ako bilang pagsagot sa katanungan nila at nagtinginan sila. Nakita ko ring pinapaligiran na kami ng mga tao. Ayaw ko ng gulo pero ngayon parang nagsisimula na.
"You're aware naman sa mga nangyari last Thursday and we think na hinack niyo ang mga points kaya mas mataas kayo samin"ani ng isang babae.
"Kanina lang, iniinsulto mo ang section ko and now, you're accusing us"sambit ko na may halong galit ang boses. Kaunti na lang talaga at sisirain ko na ang buhay ng mga taong ito.
"Bakit hindi? Kayo ang lowest section"at may pag-irap pa. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Bahala na kung ano man ang mangyari.
"Lowest section kami pero hindi naman ibig sabihin nun na wala kaming skills and abilities tulad niyo"pagpapaliwanag ko sa kanila. Hindi ko man sila masampal gamit kamay, salita na lang ang gagamitin ko. "Pare-parehas lang naman tayo ng sinagutan na exam bago makapasok. Late na kami kaya sa Section Cinq kami, paano kaya kung hindi kami late, baka section Deux na kayo."
At nagulat sila sa sinabi ko. Ramdam ko ang inis nila at natutuwa akong nararamdaman na nila ang nararapat para sa kanila. Kahit mukha akong kontrabida ay wala akong paki.
"Gosh, hindi namin alam na threatened pala kayo samin lalo na ngayong nataasan namin kayo ng ilang puntos sa nangyari nung nakaraang Thursday"sambit ko at medyo lumapit sa kanila at bigla akong tinulak ng nasa gitna nila.
Agad kong nakita ang bottled water ni Charles at agad yun kinuha mula sa kaniya at binuhos iyon sa babae sa harap ko. Nagulat sila sa ginawa ko at bigla naman kaming nakarinig ng pito.
May mga lumapit samin na halatang taga-Student Committee.
"All of you, go to the Student Committee Office."
At sumunod kami hanggang sa makadating na kami sa SCO. Pagdating ay pinaupo agad kami.
"Anong nangyari?"tanong ng babaeng nakaupo sa harap namin. Siguro siya ang tinatawag nilang Jupiter.
"Ito kasi, bigla kaming inaway"sagot ng isang babae at tinuro pa ako.
"Sinungaling! Kayo nga yung nanghaharang"singhal ko at napatayo pa ako mula sa pagkakaupo.
"Kayo nanguna, gusto niyo itanong pa natin ang mga taong nandoon" sabat ni Marijoy na nasa tabi ko. Napairap na lang ang mga babae.
"Binuhusan niya kami ng tubig"at ipinakita pa nila ang mga basa nilang uniform at pinagpag ang mga iyon.
"Tinulak niyo naman siya"at ipinakita ni Rizha ang video. Ngayon, wala na silang laban sa amin.
"Mag-sorry na lang kayo para tapos na"ani ng babaeng nasa harap namin.
"Sorry? That's not fair. Hindi porket kaklase mo sila, hahayaan mo na lang silang umasal ng ganun" sambit ko at napatango ang iba kong kaklase.
"Miss, i'm doing this para hindi na lumaki ang gulo"aniya.
"Kung ayaw mong lumaki ang gulo then dapat tinuruan mo sila ng mabuting asal. If you're not giving them disciplinary action then maybe let's take this to the head director"sagot ko at tumahimik ang lahat.
"Okay, i'm sorry but you have to clean every library"sambit niya at nagulat ang mga babae. Napangiti ako at nag-apiran ang mga kaklase ko.
"Hindi namin ito matatanggap" sigaw ng babae sa Jupiter at napailing lang ang Jupiter sa kaniya.
"Pwede na kayong umalis"ani ng Jupiter at lumabas na ang mga kaklase ko.
Napatayo ako at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at bago tuluyang lumabas, nilingon ko ang mga babae.
"Hasta la vista, sweethearts"at tuluyan na akong lumabas.
_______________________________________
thank you for reading. please vote and comment for support! mwuah<3 我爱你们
:)))))
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Gizem / GerilimFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.