Thimoty
Seriously? Mangingidnap talaga kami? That's against the law.
"Don't worry, di naman natin siya kikidnapin like kidnap talaga"ani Claris at tinapik pa ang balikat ko. Minsan hindi mo talaga alam kung nababasa ba ng tao ang nasa isip mo.
"What's the plan?"tanong ko at nagsimula na silang mag-isip.
"Kunin niyo siya tapos wag kayong magpahuli"sagot ni Lauren. They call that a plan? What's wrong with these dudes?
"Gawin mo na lang"sambit ni Claris at tinapik naman ang ulo ko. Lagi na lang akong tinatapik nito kapag may pumapasok sa isip ko.
"After hacking the building's security camera. Nalaman naming 7PM sya umaalis ng school kasama mga kaibigan niya"ani Ryechel na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa screen ng kaniyang laptop.
"Tutal si Nhelyza naman ang pinakamarunong satin pagdating sa lockpicking. Siya ang papasok sa dorm ni Justine and then saka pupunta ang iba"dagdag ni Raphael na nasa tabi ni Ryechel at nakatitig rin sa screen ng kaniyang laptop. Sobrang busy ng lahat para lang maisagawa ang plano.
Habang nagcecellphone si Claris, sinilip ko ang cellphone niya at nakitang may tinetext siya at inuutusan niya ito na magsearch tungkol sa Justine na iyon.
"Ehem, bakit kailangan mong tingnan?"sambit ni Claris at nagulat ako. Napakamot lang ako sa ulo ko.
"Wala naman, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo"palusot ko. Gusto ko lang talagang silipin kung sino kausap niya.
"Palusot ka pa"sambit niya at tumawa. Tumayo siya at bumalik sa upuan niya at ganun rin ako.
---
Uwian na kaya, nagsibalikan na kami sa dorms namin. Alas sais na ng gabi at mamayang alas otso ang dinner.
Pinapunta na namin si Nhelyza sa dorm ng Un at hinihintay na lang kung anong mangyayari. Naka-earphone ulit kami para marinig ang boses nila.
Mga ilang minuto, narinig namin ang boses ni Nhelyza sa kabilang linya.
Nhelyza: May guards..
Raphael: Marijoy at Reign, puntahan niyo na siya
Narinig ko ang pag-alis nila pati ang mga paghinga nila. Narinig kong kinausap nilang dalawa ang guard.
Marijoy: Napatulog na namin.
Lauren: Good. Susunod na kami ni Claris at Thimoty.
Lumabas na ako sa kwarto ko at ginamit ang elevator. Pagbaba ko sa first floor ay nandoon na agad si Lauren at Claris. Naglakad na kami palabas sa dorm at patungo sa dorm ng Un. Pagdating doon ay dumiretso na kami sa kwarto ni Justine at bukas na kaagad yun. Pagpasok ay nandoon na si Nhelyza.
"Tago na tayo"sambit ni Lauren at nagtago ako sa gilid ng cabinet. Tiningnan ko ang relo ko at 6:58 na. Mga ilang minuto na lang ay dadating na siya.
Matapos ang ilang segundo ay narinig ko ang pagpasok ng isang tao sa kwarto, siya na ata ang pumasok. Pagbukas ng ilaw ay agad na lumabas si Lauren sa kaniyang pinagtataguan at tinutok kay Justine ang baril. Ganoon din si Claris na nagtago sa likod ng pintuan.
"Anong nangyayari?"tanong ni Justine at lumabas ako at kinuha ang lubid ko sa bulsa. Agad kong tinali ang kamay niya at pinaupo siya sa couch.
"Bakit mo ninakaw ang points namin at binigay yun sa Quatre?" tanong ni Lauren sa kaniya at ngumisi lang ang lalaki.
"Hindi niyo naman deserve yun eh" sagot niya.
"Aba, ilayo niyo ako sa lalaking iyan at mauupakan ko"ani Nhelyza na halata ang panggigil sa mukha.
"Saka di ako mageexplain sainyo dahil wala namang pulis"dagdag ni Justine at nagpupumiglas. May naririnig ako sa kabilang linya pero di ko maintindihan ang sinasabi nila.
"Handa ka na bang makulong?" tanong ko sa kaniya at napatingin siya sakin at tumawa ng tumawa.
"Buti na lang, dala ko ang student committee"sambit niya at agad bumukas ang pinto.
"Stay right there"sigaw ng isang lalaki at napataas ako ng kamay na parang kriminal.
"Shit"rinig kong bulong ni Claris. Agad kaming hinawakan ng mga taga-student committee at kinalagan nila si Justine.
"Sabi ko sayo mangyayari ito eh" sambit ni Justine at nakipag-apir pa sa lalaking kasama ng student committee.
Pinaglalaruan lang ba nila kami? Agad kaming dinala sa Student Committee Office. Nakaupo lang kami at walang may balak na magsalita.
"Punta na lang daw ng dining hall" ani ng isang lalaki at dinala kami sa dining hall. Umupo kami sa upuan namin at nakita ang isang matandang lalaki sa harap.
"Anong nangyari sa inyo?"tanong ni Cassey na nasa tabi ko.
"Concern ka lang sakin eh"sagot ko at nagtawanan kaming lahat.
"Good evening, students. I am Mr. Marcus Heneio and I'm here as an exchange for Mr. Matteo Gudiez. I received a report from the student committee that section Un stole points from section Cinq and section Cinq find out about that and interrogated Mr. Justine"aniya at napayuko ako. "Well, I should say that I'm proud of what Cinq did and im giving them 300 points because of that"dagdag niya. Halos magtatalon ako sa tuwa. "And I'm giving Mr. Justine 100 points for his excellent hacking skills"at nagpalakpakan ang mga taga-Section Un.
"Now, let's eat"sambit ng matanda at kumain na kami. This is the best day we had so far.
_______________________________________
yipee!
thank you for reading my story! please vote and comment for support! mwuah<3
:))))))
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.