CHAPTER 12

69 7 1
                                    

Marijoy

Nang nakarinig ako ng putok ng baril, agad akong nanghina at bumagsak sa sahig. Naramdaman ko ang pananakit sa aking tagiliran at unti-unting dumilim ang buong paligid.

Paggising ko ay nasa loob na ako ng kwarto at naka-hospital gown. Naaamoy ko ang IV fluids at nasisilaw sa maliwanag na puting kuwarto. Maya-maya, pumasok ang isang babaeng nurse at lumabas rin at kasunod nun, nagsipasukan ang iba kong kaklase.

"Ayos ka na?"tanong ni Jilliane na hawak-hawak ang kamay ko. Tumango ako at napangiti lang silang lahat.

"Nabaril ka tapos dinala ka rito. After the operation, tulog ka ng 2 araw"sambit ni Cristal habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel patungo sa baso at ibinigay iyon sa akin.

"Buti gising ka na, nag-alala kami para sayo"ani Lauren habang umiinom ako ng tubig. Umupo pa siya sa hinihigaan ko at hinawakan ako sa balikat. Inilagay ko ang baso sa lamesa malapit sa kama at pinunasan ang labi ko bago magsalita.

"Sorry kung nag-alala kayo, ano nga palang nangyari kay Georgiette?"

"Nahuli siya"sagot ni Raphael. "Umamin siya na pinatay niya si Anton and tungkol sa drugs"dagdag niya at napatango lang ako.

"You did great. Kung hindi ka dumating, that Georgiette girl is already dead"sabat ni Avhia.

"I'll take that as a compliment"ani ko at napangiti lang sila. Thursday nang mangyari ang patayan at ibig sabihin, Sunday na ngayon.

"Wala ba kayong pupuntahan?" tanong ko sa kanila at nagtinginan lang sila.

"Actually, dapat lalabas ako ng school kaso naisip ko, mag-aaral na lang ako"sagot ni Claris. Ang sipag niya namang mag-aral.

"Kailangan mo nga palang mag-aral kasi may test tayo sa codes. Don't worry, it'll be easy"sambit ni Andreu at pinat ang ulo ko. Tumango lang ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Biglang tumahimik ang lahat. Walang nagsasalita o gumagalaw.

"Guys" sambit ng isang babae na biglang pumasok, si Ryechel.  Naghahabol siya ng hininga at tumutulo ang kaniyang pawis. Nakahawak pa ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mga tuhod. Napatingin kaming lahat sa kaniya at umayos siya ng tayo. "May nakita ako."

Naglakad siya palapit sa amin at umupo sa may kama ko. Pinunasan niya ang kaniyang pawis habang pinapaypayan niya ang kaniyang sarili gamit ang kanang kamay.

"Si Georgiette, hindi siya kinuha ng mga pulis"sambit niya na ikinagulat ng lahat.

"Nasaan siya? Nakatakas?"tanong ni Raphael at umiling lang siya.

"May nakita kasi akong isang staff na dumaan sa mga bushes kaya sinundan ko siya tapos nakakita ako ng isa pang building na may limang palapag. Sumilip ako sa isang bintana tapos nakita ko si Georgiette. Nakaupo siya tapos nakatali. May kausap siyang lalaki at nagsisigawan sila tapos.." pagsasalaysay niya at tiningnan kaming lahat mula kanan, pakaliwa.

"Tapos may ininject sa kaniya pagkatapos, namatay na siya tapos nag-alisan na yung mga kausap niya tapos pumasok yung mga naka-cap na lalaki tapos binitbit nila yung katawan"dagdag niya at napatakip na lang ako ng aking bibig.

"May nakakita ba sayo?"tanong ni Lauren at umiling siya.

"Pero naiwan ko dun ang cap ko" sagot niya at napapikit si Lauren.

"Walang dapat makaalam na may alam tayo sa nangyari. Kailangan nating linisin ang mga ebidensya" sambit ni Nicholas.

"Utak kriminal ka talaga"sabat ni Zhyrus at hinampas ang balikat ni Nicholas.

"Kailangan nating pumasok kung saan man ang daanan at kunin yung cap"sambit ko at napatango sila.

"Paano? Malalaman nila kung nasaan tayo dahil sa mga necklace natin at saka sa tuwing Sunday, may mga nag-iikot para walang maglabas-pasok o kaya gumawa ng kung ano"ani Claris at napaisip na kaming lahat.

"Kailangan nating lumabas ng campus para matanggal natin ang necklace"sambit ni Lauren.

"May drone ako para makita kung may mga tao bang pwedeng makasagabal"dagdag ni Raphael.

"Saan kayo dadaan papasok sa area?"tanong ni Cristal na nakaupo rin sa kama ko.

"May isa pang daanan akong nakita pero di ko alam kung anong side ba yun"sagot ni Ryechel. Paano namin malalaman kung saan yun?

"Ipapahanap ko ang daanang iyon" sabat ni Claris at napatango lang si Lauren.

"May problema pa ba?"tanong ni Raphael at umiling lang kaming lahat.

"Eh ano pang hinihintay natin?"

"Let's initiate the plan."

_______________________________________

sorry for the medyo late update. dapat kahapon pa ito pero marami akong inisip,,haha.

thank you for reading my story. please vote and comment for support! mwuah<3

:))))




Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now