CHAPTER 24

69 6 4
                                    

Reign

Tulad kanina, nakakita kami ng pintuan at sa table, ay may isang baril. Agad itong pinulot ni Jacqe at halata sa mukha niya ang gulat sa nabasa niya. Hindi ko alam kung anong nakasulat pero halata namang hindi maganda ang nakasulat dito.

Bigla niyang itinutok ang baril sa isa sa mga kaklase namin, si Avhia. Napaatras pa nga si Avhia sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo?"tanong ni Zhyrus at lumapit ng kaunti kay Jacqe. Wala siyang sagot at tumingin lang.

"Anong meron, Jacqe?"tanong ni Avhia na may nginig ang boses. Alam kong natatakot siya, nararamdaman ko yun at nararamdaman ko ring kinakabahan si Jacqe sa ginagawa niya.

"I'm sorry"sambit nito at isang putok ang narinig namin. Napatakip pa ako ng tainga dahil sa lakas nito.

Napatingin ako kay Avhia pero nakatayo pa rin siya at parang nanigas sa kinatatayuan niya. Habang, tiningnan ni Jacqe ang baril na hawak-hawak at isang papel ang lumabas mula rito.

Nabitawan niya ang baril at agad nilapitan si Avhia at niyakap ito. Lumapit naman si Lauren sa baril at kinuha ang papel mula rito. Binuka niya ito at nakita namin ang isang litrato ngunit nakabaliktad ito.

 Binuka niya ito at nakita namin ang isang litrato ngunit nakabaliktad ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'The Devil'

Lumapit ako kay Cassey dahil marunong siya sa ganito katulad ng ginawa niya kanina. Bago pa man ako makalapit sa kaniya ng tuluyan ay agad siyang nagsalita.

"The Devil represents being seduced by material things and physical pleasures. But as a reversed card, it means freedom from restraints."

Freedom? Ibig sabihin ba nito, makakalabas na kami? Nagbukas ang pintuan at ang nakita namin ay parang isang kulungan.

"Papasok ba tayo diyan?"tanong ni Rizha at biglang pumasok si Claris sa loob nito at nagulat kaming lahat.

"Mukha iyang Gas Chamber, gawa nga lang sa bakal"ani Reydo na panay silip sa loob. Tama siya, mukha itong gas chamber.

"Death is the secret to find the right key to freedom"sambit ni Claris na hindi ko gaanong maintindihan.

Pumasok si Lauren at si Cassey at dahil sa ginawa nila, nagsipasukan na rin ang iba. Nagdalawang-isip pa ako pero agad akong hinila ni Marijoy papasok.

Nang makapasok na kaming lahat, agad na nagsarado ang pintuan. Nagtinginan kaming lahat.

"Embrace death, secret, right, key, and freedom. The keywords to find the exit"sambit ni Raphael at lahat kami ay napatingin sa kaniya. Inisip ko ang sinabi niya at naintindihan ko na rin ang mga salitang lumabas sa bibig ni Claris kanina.

Walang rules na sinabi, kundi hanapin ang labasan at sagutin ang mga puzzles para buksan ang pintuan. Sa unang pinto pa lang ay binigyan na nila kami ng malaking clue, ang tanggapin ang kamatayan at huwag matakot.

"The Little Prince also express suicide and sacrifice"bulong ni Claris na nasa tabi ko. Nasa tabi naman niya si Lauren.

"Ano nang mangyayari sa atin dito?"tanong ni Sharmaine at bigla kaming nakarinig ng pagsingaw.

Unti-unting binalot ng usok ang kwarto. Napaka-pamilyar ng sitwasyon na ito, dahil katulad lang ito ng nangyari sa amin sa gubat.

Nakaramdam ako ng antok dahil sa nalalanghap ko ang usok. Agad akong napasandal sa pader at napaupo ng dahan-dahan. Nakita kong bumagsak ang iba kong kaklase at biglang bumagsak ang mga mata ko.

Matapos ang ilang minuto ay muli kong naidilat ang mga mata ko. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng aming training facility.

Nagising rin ang iba ko pang kaklase at nakita kong panay hawak nila sa kanilang mga ulo. Nakaramdam rin ako ng pagkahilo kaya agad kong hinilot ang aking sintido.

"Anong nangyari?"tanong ni Ghel at napatayo.

"Hindi tayo lumabas dito, nakulong tayo sa isang hologram"paliwanag ni Raphael. Nakulong kami sa isang hologram?

"Kaya naman pala glass ang tinatapakan natin ngayon, para project ang hologram ng maayos" sabat ni Reydo at hinimas ang sahig.

"Saka mayroon ding mga chips sa batok natin para maramdaman natin ang mga nangyayari"dagdag ni  Ryechel at ipinakita ang maliit na chip sa amin.

Hinawakan ko ang batok ko at naramdaman nga ang chip. Tinanggal ko ito at tinitigan. Nakita ko namang pumasok ang isang naka-tuxedo na lalaki.

Lumapit siya sa amin at biglang pumalakpak. Tiningnan ko ng maigi ang mukha niya at saka lang nalaman na siya pala ang Head ng school, si Mr. Matteo Gudiez.

Tumigil siya sa pagpalakpak at nakaramdam ako ng kaba at takot. Pakiramdam ko ay sasaktan niya kami o kaya ay may inis o galit siya samin.

"Good job, section Fox. You won the Mende Quarterly Examination."

"Alam kong alam niyo na, na isang hologram lang ang lahat ng ito but hindi lahat ng things that you saw ay produkto ng hologram pero pati ng imagination niyo"dagdag niya. Grabe, ang conyo niya palang magsalita.

"Ibig sabihin, pati si Ate, hologram lang"rinig kong bulong ni Lauren. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero ramdam ko ang lungkot.

"You won 2500 points"ani Mr. Matteo at punalakpak. Pumalakpak na lang rin kami at ang iba ay halos magtatalon sa tuwa.

Umalis na ang Head Master at lahat sila ay nagsigawan. Halatang masaya talaga sila sa nangyari.

"Nanalo tayo"masigla na sambit ni Nhelyza at nakipag-apir ako sa kaniya. Niyakap naman ako ni Marijoy at tinapik ko lang ang likod niya.

Lumabas na kaming lahat sa training facility at tumungo sa dormitory namin. Papasok na sana kami sa pintuan ng building ngunit narinig namin ang isang malakas na 'oh my gosh' galing kay Ghel.

"Anong meron?"tanong ni Reoland na lumapit kay Ghel. Nakahawak lang si Ghel sa kaniyang kanang dibdib.

"Nawawala yung badge ko"sambit niya at nang tingnan ko ang akin, ay wala rin.

Saan kaya napunta ang badge namin?

End of Chapter 24!

Please vote and comment for support!





Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now