Jacqe
At nakarinig kami ng pito, hudyat na nag-umpisa na ang laro. Pumasok na kami sa dapat naming pasukan. Kalmado lang ang mga kaklase ko na parang hindi man lang sila kinakabahan.
"Paano natin hahanapin ang labasan? Ang laki-laki nito"reklamo ni Samantha. Kumaliwa kami at nakita ang isang pintuan pero may nakasulat dito.
'In order to pass, you must find the card of metamorphosis.'
Lumapit kami sa isang table na puno ng mga cards. Tiningnan ko ang isa sa kanila at nakita ang isang card na may larawan ng araw. Tiningnan ko rin ang pintuan at may manipis na line dito kung saan siguro namin ipapasok ang tamang card.
"Tarot cards"bulong ni Cassey na nasa tabi ko. Agad naman siyang lumapit sa table at tiningnan ang bawat card at kinuha ang isa sa mga ito.
Inilusot niya ang card at may narinig kami mula sa speaker.
"Death is the beginning, it means change and metamorphosis. This card may also mean stagnation. Do not fear it but embrace it."
Anong ibig sabihin niya sa 'Do not fear it but embrace it'? Bumukas na ang pinto at agad kaming naglakad papasok. Nasa loob pa rin kami ng maze. Tumingin kami sa kaliwa at kanan at hindi namin alam kung saan kami liliko.
"Kumanan tayo"ani Nicholas na parang alam kung saan dapat kami pumunta. Sinunod na lang namin siya. Pagkanan namin ay kumaliwa din kami dahil doon lang ang may daan.
Nakakita ulit kami ng pintuan pero apat na salita lang ang nakalagay.
'There's no way out.'
Bumalik ulit kami ngunit pagkakanan namin ay may nakita kaming pintuan at may nakasulat na naman doon.
'A key can open the door, and a book can open a mind but you can never open this thing if you won't close your eyes.'
Huh? Anong klaseng riddle ba ito? Tulad kanina, may lusutan na naman ang pintuan. Lumapit kami sa table at nakita ang iba't-ibang papel at sa tingin ko, mga istorya ito dahil naalala kong nabanggit ang isa sa mga ito na 'Les Miserables' o sa Ingles ay 'The Miserable Ones'.
"Anong gagawin natin sa mga papel na ito?" tanong ni Sharmaine at inangat ang isa sa mga papel.
"Anong isasagot natin? Puro pamagat lang naman ito ng stories" sabat ni Jesse at inusisa ang likod ng mga papel.
Tiningnan rin ito ng iba naming mga kaklase. Agad kong nakitang may kinuha si Claris na papel at agad yung nilusot.
"The Little Prince by Antoine de Saint-Exupéry, a French Aristocrat. There is a paragraph in the book that says: 'And now here is my secret, a very simple secret : It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye."
At nagbukas ulit ang pintuan. Ngayon, pumunta na kami sa kaliwa dahil nga mali kami ng napuntahan kanina.
"Ito kasing si Nicholas, masyadong epal"sambit ni Avhia at napatingin lang ng masama si Nicholas sa kaniya.
Agad din kaming kumanan at kumanan pa ng isang beses hanggang sa makakita ulit kami ng pintuan pero ngayon dalawa na.
"Gosh, baka mamaya tulad ito ng mga sa riddles na may crazy psycho killer sa isang pinto tapos may mga leon naman sa kabila"sabat ni Rizha. Medyo madaldal talaga ang babaeng ito.
May nakasulat rin sa mga pintuan. Sa unang pintuan may nakasulat na arrow na nakaturo sa kanan at yung isang pintuan may nakasulat ring arrow pero pakaliwa naman.
"Anong pintuan pipiliin natin? Mamaya may ahas na sumalubong satin pag nagkamali tayo"ani Krysztella. Pumunta naman si Lauren sa unang pintuan at tinulak yun pabukas.
Nagbukas ang pinto at pumasok lang kami. Naglakad kami hanggang may nakita kaming daan pakaliwa at doon kami lumiko.
May nakita na naman kaming pintuan at tulad ng iba, may nakasulat dito.
'If the door is locked, you have to knock, but if you have the key, use it to unlock.'
At sa table, nakapatong ang sandamakmak na susi. Agad kong hinawakan ang isa sa mga ito at biglang gumalaw ang mga pader sa gilid namin. Papalapit ito samin ng dahan-dahan at iipitin kami.
"Dalian niyo na"pagmamadali samin ni Raphael. Kaniya-kaniya kaming kuha ng susi at suksok sa may keyhole. Ang iba ay nanginginig habang ginagawa ito.
Si Nicholas, Andreu, Raphael at Reoland naman ay nagmala-Bernardo del Carpio at sinubukang itulak ang mga pader habang hinahanap namin ang mga susi.
"Bilisan niyo naman"reklamo ni Andreu at napansin kong malapit na kaming maipit ng tuluyan dahil kaunting espasyo na lang ang natira.
Napatingin ako sa mga susi sa lamesa. Sa sobrang dami nito, paano namin huhulaan kung saan ang tamang susi. Sinubukan ni Micailla ang susi na hawak-hawak niya at sa wakas ay nabuksan ang pinto.
Nagtakbuhan kami papasok hanggang sa wala ng natira. Akala ko ay masasandwich na kaming lahat doon. Pawis na pawis ang lahat at halatang napagod sila sa nangyari.
Lumakad na kami at may nakita ulit isang pintuan.
"Jusko, napapagod na ako"ani Marijoy at nakahawak sa kaniyang mga tuhod.
Sa table nakalagay ang isang Smith & Wesson M&P9 Shield 9mm Compact 8- round pistol.
Agad ko itong pinulot at may nakasulat rito.
'To open the door, the first person who hold this must shoot someone near her/him.'
At agad kong tiningnan kung sino ang pinakamalapit sakin at nakita ko si Avhia. Napatingin tuloy ulit ako sa baril at sa papel.
Itinutok ko ang baril kay Avhia na ikinagulat nito.
"Anong ginagawa mo?"tanong sakin ni Zhyrus. Ang iba naming kaklase ay nagulat rin sa ginawa ko.
"Anong meron, Jacqe?"takang-takang tanong ni Avhia sakin. Kailangan kong gawin ito para samin, para makaalis kami rito.
"I'm sorry"yun lang ang nasabi ko bago kalabitin ang gantsilyo ng baril.
๛
End of Chapter 23!
Please vote and comment for support!
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.