CHAPTER 30

68 6 0
                                    

Nhelyza

Kami ni Krysztella na lang ang natira sa ospital kasama si Ryechel. Parehas kaming nasa loob ng kwarto niya. Maya-maya, gising na si Ryechel at ang unang hinanap niya ay ang laptop niya.

Binuksan niya ito at tumango sakin, hudyat na kailangan ko ng gawin ang parte ko.

Lumabas ako ng kuwarto at agad pumunta sa C.R. Paglabas, wala na si Thimoty at Kim, siguro ay sinundo na sila. Malapit ang CCTV room sa C.R. Kaagad kong tinanggal ang necklace ko at sinuot ang bago na inabot ni Krysztella noong isinusugod si Ryechel dito sa ospital. Iniwan ko ang necklace ko sa ilalim ng lababo.

Binuksan ko ang pintuan ng C.R. at nagbilang ng tatlong segundo ayon sa plano at saka lumabas. Agad akong tumakbo papunta sa pintuan ng CCTV room at dahil isang pin tumbler lock, ginamit ko ang tension wrench mula sa lockpick kit ko. 5 seconds na lang ang meron ako.

Agad kong nabuksan ang lock ng pintuan at mabilis na pumasok. Pagpasok, agad akong lumapit sa mga screens. Walang tao rito dahil break time nila ngayong 8:30M.

Agad kong kinuha ang flash drive mula sa bulsa ko at sinuksok iyon sa USB port. Bigla namang nagkaroon ng kung ano-anong numero ang mga screen at natigil ang mga video.

Lumabas na ako sa CCTV room at bumalik sa C.R. para kunin ang necklace ko. Matapos lumabas sa C.R., bumalik ako sa kuwarto ni Ryechel at si Krysztella naman ang wala.

Krysztella

Tagumpay na na-hack ni Ryechel ang CCTV cameras ng ospital kaya ako naman ang lumabas. Bago lumabas, kinuha ko mula sa bulsa ang isa pang fake necklace na inabot sakin ng isa sa mga guwardiya na umawat sa amin kanina. Lumabas ako sa ospital at nakakita ng isang guwardiya. Nilapitan ko siya at agad siyang tinapik.

Naglakad na ang guwardiya papalayo at agad akong pumunta sa lumang training facility ng Trois at agad sinara ang mga pintuan nito at hinarangan ang isa sa mga pinto ng mga karton. Lumabas ulit ako mula rito. Pagtingin sa orasan ko ay 9:24 na.

Sa labas, maraming nga estudyante ang nagkalat sa harap ng main building. Nawalan ng kuryenta kaninang 9:00PM at ang meron lang ay ang main building at ang hospital.

Agad kong sinuot ang earpiece ko.

"9:30"

At isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Hindi naman ito gaanong kalakas pero tama na ang lakas nito para marinig ng buong Mende.

Tiningnan namin kung anong sumabog at nakitang umaapoy na ang building namin. Hindi pa kami nakakalipat ng kuwarto dahil balak nila iyong gawin bukas.

Nakita ko ring nawalan na rin ng kuryente ang main building at pati siguro ang ospital. Maya-maya, dumating ang mga bumbero at isa pang kotse na mag-aayos ng kuryente pero alam namin kung sino at ano talaga ang laman nun.

Habang inaapula ang apoy, ang iba naman ay nagtsitsismisan kung ano ang nangyari.

Claris : Nakapasok na kami.

Avhia : Dalawang tao pa lang ang nakakasalubong namin.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now