CHAPTER 9

84 7 13
                                    

Krysztella

Nagulat kami ng isang video ng tinotorture na lalaki ang lumabas sa screen. Napapikit ako sa nakita. Dugo, puro dugo.

Hindi mapatay ni Ma'am ang video kahit na tinutulungan na siya nila Ryechel at Raphael. Pumunta ako sa harapan at binunot ang saksakan at agad namatay ang laptop pati na rin ang projector.

"I'm really sorry. Hindi ko alam kung anong nangyari"sambit ni Ma'am Lhen na tinitingnan pa rin ang laptop niya.

"Baka dahil dito?"at napatingin ang lahat sa hawak na flash drive ni Ryechel.

"Hayaan niyo na. I'm really sorry about it"sambit ni Ma'am at umupo na kami.

"Homicide is the killing of one person by another. Murder is a form of criminal homicide, where the perpetrator intended to kill the other person, sometimes with premeditation. Gets?"

May kinuha siyang papel sa ilalim ng table niya at tiningnan iyon.

"These are example cases of homicides"aniya at pinamigay ang mga kaniyang hawak na papel. Bago ko pa man makuha ang papel ko, nakarinig kami ng sigawan mula sa labas ng kwarto namin at dahil chismosa kami, agad kaming lumabas para tingnan iyon.

Nagkalat ang mga estudyante sa garden ng school at nakapalibot. Siniksik ko ang sarili ko para silipin kung ano iyon at laking gulat ko ng makita ang isang katawan ng tao na naliligo sa kaniyang sariling dugo.

Pero mas nagulat ako nang mamukhaan ko ang lalaking nakahalundusay. Siya ang lalaking tinutorture kanina.

Mas dumami ang bilang ng taong pumalibot at nakita kong dumating ang mga staffs at teachers at pinapatabu nila ang mga estudyante. Tumabi kami pero ang iba ay halos na semento na sa kani-kanilang kinatatayuan.

Maya-maya, narinig namin ang isang boses mula sa speaker.

"Students of Mende University of the North, let's play a game."

Nagulat kami. Ang boses na iyon ay tulad rin sa video na napanood namin. Ano? Laro? Biglang lumapit ang mga guro samin at isa-isa kaming binigyan ng maliliit na microphones.

"Find out who is the killer and his/her intention and the section to find it out first will win. You'll be given points base on what you can find."

So, pumatay sila to test us? This is not a freaking test, this is bullshit. Lumapit naman ang mga iba kong kaklase at ang ibang sections rin. Susundin talaga nila ang sinabi? Tinignan ko ulit ang lalaki at nakahiga pa rin siya at walang ginagawa ang mga teachers kundi ang tingnan ang katawan nito at tingnan ang mga estudyante.

"Ready, Set, Go!"

Hindi ko alam kung bakit pero napatakbo na lang ako kasabay ng ibang estudyante. Sinundan ko si Rizha at bumalik kami sa classroom.

"Anong gagawin natin?"tanong ni Micailla.

"Babalik sa crime scene, titingnan kung anong sanhi ng pagkamatay niya"sagot ni Chelsiea.

"Wait, paano yun?"tanong ko pero lumabas na kaagad sila. Napakamot na lang ako ng ulo at sinundan sila.

Bumalik kami kung saan nandoon ang lalaki. Pagdating namin doon, wala na ang mga teacher at mga estudyante at nandoon na lang ang walang buhay na katawan ng lalaki. Naaawa ako sa kaniya dahil pinatay siya para maging test lang.

"Base sa dugo niya sa ulo, pinukpok siya ng matigas na bagay, siguro bakal"ani Chelsiea sa microphone habang nakatitig sa ulo ng lalaki. Umikot siya at tintigan naman ang katawan ng lalaki.

"Burns, sigarilyo, pinaso siya sa katawan niya. Cuts, may sugat siya sa parteng tiyan niya"dagdag ni Chelsiea. Saan niya kaya nakukuha ito. Tumingin ako sa paligid at may nakitang dugo sa damo. Sinundan ko ang mga dugo at nakitang papunta iyon sa isa sa mga building.

"Kinaladkad ang lalaki mula sa isang lumang training facility ng section Trois"sambit ko. Sumunod sa akin ang iba kong kaklase.

"Tinali ang lalaki, kaya may mga marka sa paanan niya at kamay niya"rinig kong sambit ni Claris na nasa gilid ko. Tiningnan ko ang malaking TV sa main building at nandoon ang mga points namin. Sa ngayon, nangunguna ang Un at pumapangalawa kami. Lamang sila 50 points pero kayang-kaya namin iyang habulin.

Pagpasok sa lumang training facility, nakita namin ang isang upuan at maraming dugo. Nagikot-ikot kami para may mahanap.

"Taga-section Trois ang lalaki pero last, last school year pa ito at ibig sabihin graduate na siya"sambit ni Sharmaine na may hawak-hawak na I.D.

Kaniya-kaniya kami ng hanap ng kung ano man ang dapat naming makita. Palabas na sana ako ng makita ang isang necktie malapit sa upuan.

"May studentr na involve sa nangyari"sambit ko at lumabas na. Tumakbo ako papunta sa iba ko pang kaklase. Sinilip ko ang score board at lamang na kami ng 100 points.

"May nakita ba kayo?"tanong ko sa kanila at tumango si Ryechel at iniharap sakin ang laptop at plinay ang video. Nakaupo ang lalaki at isang taong nakaitim ang lumapit sa kaniya at sinampal siya.

"Ibigay mo na ang kinuha mo."

"Hindi."

Nakita ko kung paano pinaso ng lalaking nakaitim ang lalaki at kung paano sumigaw ang lalaki ng may halong sakit at galit ang boses. Sunod kong narinig ay screeches at dumilim na.

Pinindot ulit ni Ryechel ang play pero plinay niya ito backwards at dalawang salita lang ang narinig ko.

"Van Twa"

_______________________________________

sorry sa late late update. thank you for readingmy stories. please vote and comment for support! mwuah<3

:)))))







Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now