Ghel
Habang naglalakad kami patungo sa building namin, kinapa ko ang aking uniporme at napansing nawawala ang badge ko. Tiningnan ko pa nga ito at wala talaga.
"Oh my gosh"sigaw ko at napatigil ang lahat. Napatingin ang lahat sakin.
Lumapit pa sakin si Reoland at ang iba pa."Anong meron?"tanong ni Reoland sakin at napahawak ako sa kung saan dapat nakalagay ang badge ko.
"Nawawala yung badge ko"sagot ko at tiningnan nila kung nasa kanila ba ang mga badge nila pero wala rin.
Pare-parehas na wala ang mga badge namin. Saan naman kaya ito napunta? Agad naglakad si Raphael pabalik sa training facility at sinundan lang siya ng lahat.
"Nandito lang yun"ani Raphael at nagsimulang maghanap.
"Baka sadya yung kinuha"ani Samantha na naghahanap sa mga kahon-kahon. Naghanap rin ako sa mga sulok-sulok.
"Wala na kayong mahahanap kasi kinuha ang mga badge natin"sabat ni Ryechel at napanganga ang lahat.
"Paano mo nalaman?"tanong ko sa isang mababang boses dahil baka isipin nilang nagmamaldita ako o kaya ay nagmamagaling.
"Mamaya na ang Badge Exchange Ceremony"sagot ni Ryechel. Pinatingin niya samin ang isang papel kung saan nakasulat ito at saka naglakad na palabas ng training facility.
Mamaya na ang Badge Exchange Ceremony? Ibig sabihin, mapapalitan na ang ranking ng sections at iba pa. Medyo na-excite tuloy ako.
Paglabas namin ng training facility at pagpasok sa dormitory ay agad akong nagpahinga sa kuwarto ko. Kailangan ko ng tulog dahil isang araw akong hindi nakapagpahinga dahil sa exams.
Pagkagising ko, saktong alas-onse na. Naligo ako at nagbihis ng bagong uniporme at lumabas ng kwarto. Paglabas ay nakita kong lumabas din mula sa kwarto niya si Krysztella.
Agad akong lumapit sa kaniya. Tumingin lang naman siya sa akin at ngumuti.
"Kinakabahan ka ba?"tanong ko habang naglalakad kami papunta sa elevator. Saka lang siya sumagot noong nasa harap na kami ng elevator.
"Medyo"maikli niyang sagot at pinindot ang down button. Nagbukas ang elevator at pumasok kami.
"Medyo lang?"tanong ko ulit at tumango siya.
"Palaging may awarding ceremony ang Sycheio kaya hindi na ako masyadong kinakabahan ngayong meron tayong badge exchange" sagot niya at napatango lang ako. Paglabas namin ng elevator, nakita namin si Lauren na nasa may pintuan ng building.
"Anong ginagawa mo?"tanong ko kay Lauren na medyo ikinagulat niya dahil nakita kong napausod siya.
"Wala naman"sagot niya at napakamot sa kaniyang ulo. Sabay kaming tatlong naglakad papunta sa dining hall.
Pagdating, marami na ang estudyante dito. Naguusap ang lahat at ang iba ay hindi maitago ang kasiyahan at kaba. Umupo na kami sa table namin.
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.