CHAPTER 17

78 7 4
                                    

Cassey

Ang dami kaagad kaganapan ngayong araw. Bukod sa maraming quizzes, napatawag ang iba kong kaklase sa Student Council Office.

Ngayon naman ay pinaglilinis kami ng classroom dahil nga malapit na ang pagbisita samin.

Ang mga kaklase ko naman ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang nangyari kanina sa canteen.

"Init ng dugo satin palibhasa natalo natin sila"sambit ni Chelsiea na nakasandal sa cabinet at hawak-hawak ang mop.

"Ang sasama ng ugali"sabat ni Rizha na nakaupo sa silya at pinapagpag ang pamunas.

"Bakit nakatayo ka lang?"tanong ni Thimoty na ikinagulat ko. Itong lalaking ito, kung saan-saan lumalabas. Umiling lang ako at bumalik sa pagwawalis.

"Anong tingin mo? Bakit ganun ang Un satin?"tanong niya sakin at tumigil pa siya sa pagwawalis habang hinihintay ang sagot ko.

"Un sila eh"maikli kong sagot at bumalik naman siya sa pagwawalis. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nagagalit sa amin. Ginawa lang naman namin ang iniutos na gawin tulad nila.

Binigay ni Ma'am Hazelyn ang oras niya para makapaglinis kami. Agad ko namang nakita ang pagpasok ni Ma'am Lhen sa classroom.

"Alam niyo bang pinag-uusapan kayo sa buong campus?"at nagtinginan lang ang lahat at walang may gustong magsalita.

"Saan niyo kinuha ang lakas ng loob para makipag-away sa ibang estudyante lalo na sa Un?!"singhal niya at hinampas ang lamesa. Lahat ay halos mapatalon sa ginawa niya.

"Hindi porket nataasan niyo sila sa nangyaring activity ay puwede na kayong umasta ng ganiyan."

"Pero Ma'am--"sabat ni Samantha na itinaas pa ang kamay niya.

"Walang pero-pero, sinabihan na kayo, ayaw niyo pa ring makinig" ani Ma'am at wala nang nagawa si Samantha kundi ang itikom ang kaniyang bibig at bumalik sa pagpupunas ng bintana.

Bigla namang pumasok si Nicholas at Charles na halatang pagod. Siguro ay tumakbo ang mga ito.

"May nalaman kami"sambit ni Nicholas at lumapit si Ma'am sa kaniya at binatukan siya.

"Puro kayo tsismis, maglinis na kayo"at napayuko silang dalawa na tila humihingi ng tawad at pumasok sila sa kwarto at isa-isang gumawa ng kung anong gawaing mayroon.

"May taga-linis ang section Un at Deux kaya nakaupo lang sila sa library nila at nagcecellphone at nagtsitsismisan"bulong ni Charles habang nagwawalis.

Nagpapakahirap kaming maglinis tapos sila nagpapasarap lang. Well, sila ang top sections kaya nagagawa nila yun kaya kung gusto naming matulad sa kanila. Kailangan naming ibigay ang lahat ng makakaya namin para makuha ang mga badges nila.

"Anong iniisip mo?"tanong ni Thimoty.

"Wala naman"sagot ko at bumalik sa pagwawalis. Siya naman ay nakabuntot sakin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito.

Bigla namang pumasok sa kwarto ang isang babae. Galing siya ng Section Un dahil halata sa badge niya at sa kaniyang tindig.

"Hello everyone, my name is Julianne Cullen, the Osiris of 6 Minervas"aniya at nagtinginan kaming lahat. Nandito kaya siya para sa mga nangyari kanina?

"I'm here to announce na kailangan magkaroon ng name ang section niyo maliban sa ranking and kailangang sabihin kaagad iyon samin. An email will do"sambit niya. "Pwedeng symbolism tulad ng animal or anything." At agad siyang umalis.

"Ano kaya kung Lion?"tanong ni Nicholas at napailing kaming lahat. Masyado nang gamit ang simbolo ng Lion kaya hindi magandang suhestiyon na gamitin ito.

"Fox?"bulong ko dahil iyon ang naisip ko.

"Sabi ni Cassey, fox daw"at nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw ni Thimoty. Tinitigan ko siya at nginitian niya lang ako. Napayuko na lang ako at napailing.

"Great idea!"sambit ni Raphael at sumang-ayon lang ang mga kaklase ko. Hindi naman great ang idea na yun, bahala na sila.

Agad naman tinype ni Raphael ang suhestiyon ko.

"Falcon sa Un, Cheetah sa Deux, Hawk sa Trois, Bull sa Quatre at sa atin ay Fox"ani Raphael.

Lumipas ang ilang oras ng paglilinis ay natapos din kami at sakto, oras na para sa tanghalian. Agad kaming pumunta sa dining hall at bumungad samin ang 5 flag na nasa taas ng kada table. May iba't-ibang kulay ang flag at iyon ay: Blue, Yellow, Brown, Red at Orange. Napakagandang tingnan na ang mga simbolo naming mga ito na nakasabit sa taas ng aming dining tables.

Umupo kami at umakyat naman sa harap ang Head Director namin at umupo.

Agad niyang kinuha ang mic at nagsalita.

"Bukas na darating ang mga bisita mula sa ibang school para makita ang mga pasilidad ng ating eskuwelahan. I hope that everyone will participate"sambit niya. "And as you can see, the 5 flags hanging above you are your flags. Flags that symbolizes your sections. So from now on, you will be called by your symbol and not by your ranking."

"Section Fox"that's us. "I want to congratulate you for winning the activity last Thursday by gaining 900 points!"at nagpalakpakan ang lahat pero hindi lahat ay masaya sa kanilang narinig.

"Because of that, nadagdagan ang Section Fox ng 1200 points at ngayo'y pumapangalawa na sa point rankings."

At natawa kaming lahat sa narinig. Ang iba ay halos sumigaw na sa saya. Masaya kami sa mga nangyayari ngayon, sana ang lahat ay ganoon.






Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now