CHAPTER 4

106 11 27
                                    

Zhyrus

Kami ni Avhia ang magkapartner para
sa training kay Mr. Jaime. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil isa siya sa magagaling kong kaklase o hindi dahil alam kong magiging awkward lalo na't crush ko siya dati.

Nandito na ako sa classroom dahil 5:54 na. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko at nagsiupo sa mga upuan nila. Katabi ko si Marijoy na ngayo'y nanonood ng korean variety show sa kaniyang cellphone at panay ngiti.

Sabi sa amin ni Ma'am Lhen na susunduin kami ni Mr. Jaime. Hindi talaga namin siya kilala pero siguro kung sino ang papasok dito ay siya na iyon. Matapos ang ilang minuto, isang payat na lalaki ang pumasok. May bitbit siyang notebook at folder.


"Good Morning, I am Sir Jaime, your teacher in Logic and today, we will have a pre-test to train your logical thinking. Please, follow me."


Nagsitayuan kami at sumunod kay Sir Jaime. Pumunta kami sa training facility ng Cinq. Medyo maliit lang ito pero siguro kasya naman kaming lahat. Kung titingnan mga katumbas lang ito ng 2 hectares o mas mababa pa.

Pinapila kami ng by partner kaya ngayon ay katabi ko si Avhia. Nasa labas pa lang kami kaya hindi ko pa alam kung anong nasa loob.

"So, before you enter, kailangan niyo munang magblindfold"at inabot sa amin ni Sir ang maninipis na telang itim pero may puti rin na may letra at numero na ginamit namin para piringan ang mga sarili namin. Naglakad kami papasok at nang nasa loob na kami, hinila ako ni Sir papuntang ibang pwesto.

"Kailangan niyong hanapin ang mga kapartner niyo at pag nahanap niyo na ang kapartner niyo, pwede niyo ng tanggalin ang blindfold niyo"dinig kong sambit ni Sir. "Pagkatapos ay kailangan niyong hanapin ang pwesto na nararapat sa inyo. Mamaya ko na sasabihin ang susunod na instructions"dagdag ni Sir Jaime.

"1..2..3..Go!"

At nagsimula na akong hanapin si Avhia.

"Avhia"sigaw ko. Naririnig ko ang pagsigaw ni Avhia sa pangalan ko kaya hinanap ko kung saang direksyon yung nanggagaling. Lumakad ako papuntang kaliwa habang sinusundan ang boses niya. May mga nabunggo pa ako.

"Avhia"sigaw ko pa para marinig niya.

"Zhyrus" Sobrang lapit na ng boses sa akin. Kumapa-kapa na ako sa harap, nagbabaka-sakaling siya ang mahawakan ko. May nahawakan akong kamay.

"Avhia?"tanong ko.

"Zhyrus"at tinanggal ko ang piring ko. Si Avhia nga ang nahawakan ko. Tinanggal din niya ang kanyang blindfold.

Nakita kong naghahanapan pa ang iba, pero mayroon ding nagkahanapan na. Tumingin ako sa sahig at may latag sa lapag na kulay black at white. Sa gilid ay may numbers at letters.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now