Lauren
Nagising ako sa maliwanag na kuwarto, hindi alam kung anong nangyari at kung bakit ako nandito. Naaninag ko ang mga pamilyar mukha na nasa harap ko. Nasa tabi ko si Claris, si Ryechel, si Alliana, si Krysztella at si Thimoty.
Nakita ko namang nakaupo ang iba ko pang kaklase sa mga upuan na nakapaligid sakin.
"Anong nangyari?"tanong ko at saka ko naalala ang mga nangyari.
Hawak-hawak ni Anderson si Mr.Marcus at sinabing papatayin niya ito. Ginamitan naman ni Claris si Anderson ng taser at saka ako lumapit. Nang biglang nakarinig kami ng putok ng baril. Tama, may baril na pumutok.
"Nawalan ka ng malay"sagot ni Krysztella.
"Si Anderson?"tanong ko. Siya lang kasi ang pumasok sa isip ko dahil baka nakatakas na naman ito.
"Nabaril siya, kasalukuyan siyang nasa hospital"sagot ni Ryechel at gumaan ang pakiramdam ko. Matagal na kaming naghihintay para dito.
Tumingin naman ako kay Claris na pinapanood lang kaming mag-usap.
"Ayos ka na ba?"tanong ko sa kaniya at tumango ito.
"Ano bang nangyari?"tanong ni Alliana. Hindi talaga namin alam kung anong nangyari lalo na ang pagdating ni Christan at paglabas ni Marcus Heneio.
"Nung pinaulanan natin ang task force 35 ng tranquilizer darts, nakita kong umilaw ang badge ni Lauren. It means hindi lang necklace ang mayroong tracking device at alam pa rin nila ang mga ginagawa natin"pagkukwento nito.
"Naalala kong may nakita kaming papel ni Avhia na tungkol sa pagsali ni Sofia sa isang experiment na ikinataas ng pain tolerance niya kaya naman dapat ay hindi sila agad bumagsak"dagdag nito.
"Tapos naisip ko na palabas lahat ni Anderson yun at may binabalak siya."
"Yung game siguro iyon"sabat ni Thimoty kaya napaisip ako.
"Yung dugo ng mga taga-Task Force, fake blood. Nung inamoy ko hindi siya amoy dugo"singit ni Cassey na nakaupo at may binabasa.
"Ibig sabihin, gusto niya talagang patayin natin ang isa't-isa"at tumango-tango ako.
Nakarinig naman kami ng katok sa pinto at nagbukas ito. Nakita naman naming pumasok si Mr.Marcus Heneio, ang dating Headmaster ng University.
"Hello"bati niya sa amin.
"How can we help you?"tanong ni Raphael at ngumiti ito.
"I'm very thankful to all of you. Dahil sa inyo, makakabalik na ang school sa dati"sambit nito.
"Masaya din po kami na makatulong"sagot ni Raphael at nakipag-kamay.
"Ang mga batang katulad niyo ay dapat lang na nag-aaral ng mabuti kaya naman nasorpresa ako na kaya niyong humawak ng baril at makipagsabayan sa mga labanan" pagpuri nito sa amin in a very amazed tune.
"You know, that was crazy"at tumawa kaming lahat.
"Nullum magnum ingenium sine mixture dementia fuit"bulong ni Claris. 'There has been no great wisdom without an element of madness.'
"That's our job, Sir. We are trained to do that"sagot ko at tumango lang ito.
"Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin"sambit nito at saka lumabas.
---
Pagkatapos kong mamalagi sa ospital ng dalawang araw, napagdesisyunan naming umalis sa school. Marami na kaming nagawa para sa paaralang iyon.
Kahit second quarter na, lumipat pa rin kami ng school. Lilipat kami sa Sycheio, ang dating paaralan nila Charles at Krysztella. Isang military academy ang papasukan namin, kung saan nababagay ang mga kakayahan namin.
Nasa bus ako ngayon at katabi si Ryechel. May mga pinipindot siya sa cellphone niya at masyadong abala. Ako naman ay nakaupo sa tabi ng bintana kaya naman tumingin-tingin ako sa mga tanawin sa labas.
Nadaanan namin ang Alitheia Academy. Ang lugar kung saan kami nabuo at natuto. Naalala ko noong kaming tatlo pa lang ni Claris at Raphael. Si Claris ang naghahanap ng taong pwedeng isali, si Raphael ang taga-pilit at ako naman ang taga-turo kung ano ang dapat naming gawin.
Sampu pa lang kami noong unang taon namin. Binibigyan kami ng gobyerno ng mga kailangan namin tulad ng mga pasilidad at mga guro. Nang ikalawang taon namin, nadagdagan kami ng labing-dalawang miyembro at noong ikatlong taon, nakumpleto kami.
Kahit mga baguhan ang mga kasama namin, hindi sila mahirap turuan. Lahat sila ay masayang may natutunan na mga ganitong bagay. Ang iba ay tinatago pa ang totoo mula sa kanilang mga magulang para lang makasali.
Dati, gusto naming gawin ang tama sa malinis na paraan pero nalaman naming mali pala ang tinuro sa amin. Dahil kahit kailan, hinding-hindi magiging tama ang pagsira. Kaya naman ngayon, gagawin na namin ang tama, babaguhin namin ang maling sistema kahit na kami pa ang magmukhang mali sa mata ng iba.
Hindi dapat tayo matakot kung alam natin ang tamang gawin, yun ang itinuro sa akin. Kailangan nating ipaglaban ang tama at nararapat at tanggalin ang mga taong mapang-abuso sa kanilang mga pwesto at kapangyarihan.
Gagawin namin ito, hindi lang dahil ito ang trabaho namin kundi ito ang dapat. Gagawin namin ito dahil kami ang Section 1-A, Foxes that symbolizes wisdom and mischief. We are not just a group of people, we are the people who will fight for what's right.
M E N D E C I U M
End of Mende and Madness!
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Gizem / GerilimFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.