Avhia
Nasa bookstore pa rin kami dahil hindi pa tapos bumili si Cassey. Mga 11:19 na at maya-maya ay maglalunch na kami. Lumabas na kami ni Jacqe ng bookstore at hinintay na lang si Cassey at Thimoty na lumabas.
Matapos ang isang minuto, narinig namin ang bell. Lumabas na sila Cassey at halata ang gulat sa kanilang mukha.
"Teka, ang aga pa lang ah"sambit ni Jacqe at lumabas na kami ng mall, agad kaming nagmadali papunta sa dining hall. Pumapasok pa lang ang ibang estudyante habang ang iba ay nakaupo na. Umupo na kami sa table namin. Tumabi ako kay Rizha habang umupo sa gilid ko si Thimoty.
Nang nakapasok na ang lahat ng estudyante at nakaupo nakarinig na naman kami ng bell pero mas mahina ito kaysa sa bell na nanggigising at tumatawag samin.
May mga taong pumasok sa dining hall na may tulak-tulak na serving carts. Sinerve nila ang mga magiging pagkain namin at naglagay ng mga plato, baso at silverwares.
Tiningnan ko ang pagkain. May grilled mackerel, roasted chicken, rice, crab and corn soup, porkchop and beef broccoli.
"Wow"bulong ko sa sarili ko. Isang speaker ang biglang tumunog at napatingin ako sa harap. Nandoon ang Head Master ng school pero di ko matandaan ang pangalan niya. Basta, siya yung Head Master.
Tumayo siya at may hawak-hawak na mic.
"Ito ang unang beses na magsasalo-salo tayo"at ngumiti siya. "The reason why I called for early lunch is to announce that representatives from schools all over the country will come and visit us, next week and that I'll be leaving early today to do some work out of town."
"Wala ako dito for 3 days and I hope everyone will behave. The student committee is assigned for the peace and order. Now, let's start eating" at umupo na siya. Agad kaming kumuha ng pagkain namin.
"Ganda dito noh? Ang ganda ng facilities pati pagkain"ani Rizha na kumukuha ng roasted chicken.
"Para tayong nasa Harry Potter" sambit ni Caasey na may halong excitement ang boses. Yea, mukha kaming nasa Harry Potter dahil sa dining hall na ito. Kulang na lang ay magkaroon ng mga lumulutang na kandila sa kisame at mga gumagalang multo.
Kumain na lang ako ng kumain. Pinagmasdan ko ang masasayang mukha ng mga kaklase ko habang nginunguya nila ang mga pagkain nila.
Maya-maya, natapos na ang lunch at nagsilabasan na ang mga estudyante. Bumalik muna kaming lahat sa room dahil lahat kami ay nabusog sa sangkatutak na pagkain.
Pumasok si Ma'am Lhen at umupo sa teacher's table, sa mismong table.
"Students, I have an announcement to make. Bukas mayroon kayong training kay Sir Jaime and kailangang by partner pero alphabetically. Pero dalawang partner dapat ang girl and boy. Sinong first sa girls?"at tinaas ni Reign ang kamay niya. "Sinong first sa boys?"Inisip ko kung sinong first ng boys at nagtaas ng kamay si Andreu. "Sinong dulo ng girls?"at napataas ako ng kamay. "Eh, dulo ng boys?"nakita kong nagtaas ng kamay si Zhyrus.
"Now, you can partner yourselves alphabetically, bye"at lumabas na si Ma'am. Napatingin na lang ako kay Zhyrus at awkward na napangiti. Ito na ata ang katapusan ko.
๛
End of Chapter 3!
Please vote and comment for support!
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.