CHAPTER 34

60 5 2
                                    

Sheina

Dahil nasa likod lang ako nila Lauren, narinig ko ang sinabi ni Reydo. Totoo ba ang sinasabi niya?

"May nakita kaming substance na nagpapalakas sa muscles ng isang tao at para hindi sila masaktan, ang gara rin ng red blood cells nila dahil deformed ang mga ito" paliwanag ni Reydo.

"Yun yata ang tinutukoy ni Anderson na experiment"singit ni Alliana at napatingin kay Lauren.

"Ibig sabihin, hindi pa rin tapos ang experiment dahil failed pa rin yun" sambit ni Lauren at nakita naman naming tumakbo palapit samin si Avhia. Kasama niyang tumatakbo si Krysztella at Fiona.

"Ano yun? Bat ka tumatakbo?" tanong ko at pinunasan nito ang pawis niya.

"May naalala lang ako na puwedeng makatulong sa atin"sagot nito at nilabas mula sa bulsa ang nakatiklop na papel. Inabot niya ito kay Lauren at agad itong binuklat ni Lauren.

Sumiksik ako sa gilid ni Lauren upang mabasa ang nakasulat sa papel dahil hindi ko ito mababasa kung nasa likod lang ako.

Project Power
Day 766

Volunteers:
Sofia D. Laseva
Natasha K. Arbega
Crispin F. Menemos
Michael R. Vesga

Drug Deus is injected to them. Trouble with breathing and dizziness are the side effects. Platelet count drop and red blood cells deformed. Fast thinking, greate sense of hearing, extreme strength and high pain tolerance are shown.

Trial # : 76 FAILED

Ibig sabihin, totoong may drugs na binibigay sa mga estudyante. Si Fiona naman at si Krysztella ang sumunod na nagsalita.

"May isang tao akong nakausap na naka-survive sa first experiment ng Drug Deus at ngayon, nakaconfine siya sa isang Asylum dahil sa schizophrenia"sambit ni Fiona at tumingin naman ito kay Krysztella na nagsimulang magsalita.

"Nalaman ko rin na si Georgiette, binebenta niya pala ay ang drug na ito at hindi kung ano mang sinisinghot"at natawa kaming lahat sa sinabi niya.

Bigla namang nag-ring ang telepono ni Raphael na nasa gilid lang namin. Sinagot niya ito at maya-maya, luamabas ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha. Nang binaba niya ang tawag, ibinaling niya sa amin ang tingin.

"Sinusugod sila ng task force, natanggal nila ang mga tali"anito at agad kaming nagmadaling lumabas ng ospital. Tumakbo kami hanggang sa makapunta kami sa lumang training facility ng Trois.

Pagdating, nakita naming nagwawala ang Task Force 35 at hinahagis nila ang mga gamit dito sa loob. Umiiwas lang ang mga kaklase namin dahil hindi naman sila makakalapit.

Tumakbo kami kung saan nakita naming nakapuwesto sila Nicholas. Paglapit namin sa kanila, nakarinig kami ng isang malaking hampas. Si Nicholas, Jacqe at Ghel ang nandito.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now