Nhelyza
Inabot kay Mr.Gudiez ang isa pang envelope. Binuksan niya ito at bahagyang napangiti sa kaniyang nakita.
"Buti na lang talaga mataas score ko"sambit ni Ghel na nasa isa kong gilid. Pinag-uusapan ng mga kaklase ko ang result ng written exams namin.
Nakakuha ako ng 90.62% at hindi na rin yun masama dahil line of 9 iyon. Nakarinig kami ng paghampas sa mikropono at napunta ang atensyon ng lahat sa Head Master.
"Hawak ko ngayon ang results and the new ranking of sections."
Kinabahan tuloy ako dahil sa narinig. Ang mga kaklase ko naman ay naghawak-hawak kamay at nakapikit. Pinagdadasal nila na hindi na kami ang Cinq ngayong quarter.
"But hindi ako ang magaannounce ng results"ani Mr.Matteo at sa screen lumabas ang ranking pero wala pang pangalan ng sections, nakalagay lang ang mga rank.
"Let's all count to three."
"One.."
"Two.."
"Three.."
At lumabas sa screen ang ranking ng sections namin.
Un - Foxes
Deux - Falcons
Trois - Cheetahs
Quatre - Hawks
Cinq - BullsAt nagsitayuan kaming lahat. Nag-apir pa ang iba kong kaklase.
"Nagawa natin"sambit ni Ghel at nagtatalon-talon. Humawak pa siya sa mga balikat ko at halos malaglag ang salamin ko.
"Each section, come up here on stage one by one to wear your badges."
At sinunod namin yun. Pag-akyat ng stage, isa-isa kaming sinuotan ng mga bago naming badge. Tiningnan ko ang badge namin at bago na ang disenyo nito.
Punong-puno ang mga kalooban namin ng saya. Nagcecelebrate kami habang ang ibang section lalo na ang Falcons ay parang naglalamay.
"Foxes, please proceed to the conference room. I repeat, please proceed to the conference room."
Rinig namin galing sa isang speaker. Bakit kaya kami pinapatawag? Agad kaming umalis ng dining hall at pumunta sa conforence room.
YOU ARE READING
Mende and Madness [Completed]
Mystery / ThrillerFollow the journey of Section 1-A as they enter a new school, Mende University of the North. Will they be able to win the game and end this battle or they will be forever a slave of the government's system. This story is written in Taglish.