CHAPTER 35

48 4 1
                                    

Micailla

Biglang may mga taong pumasok at inayos ang mga lamesa at upuan. Sa table naman, naglagay sila ng kutsilyo at ng baril. Mayroon ding mga first aid kit silang dala. Lumapit ako ng kaunti at nabilang na 66 na upuan ang meron. Naglagay din sila ng mga papel na nakataob.

Bigla naman akong nagulat nang makitang tumayo ang taga-Task Force. Nagising sila kaagad? Sayang lang ang effort namin kakahampas sa kanila kung gigising din sila kaagad.

"The game mechanics is simple. There are 10 murderers, 15
sheriffs, 5 doctors, 2 oracles and 34 innocents. The lights will be turned on for 5 minutes and will be turned off for 1 minute. That 1 minute is the only chance for the killers to kill. Then, it'll be turned on for 30 seconds before we turn it off again for another minute. That's the chance for the sheriff to kill the murderer and for the doctors to heal someone."

"After two rounds, you will decide who to lynch. You have to pick two persons. The doctors can save their life or others life. The oracles can choose two persons and identify their roles. The sheriff has to identify and kill the murderer. If he kills an innocent, of course, the innocent have to go."

"And, the murderer can only use the knife to kill, and only the sheriff can use the gun."

"You have to kill the 10 murderers for you to win the game."

"Are you ready? Sit and find who you are."

"Paano kung ayaw namin?"sigaw ng isa sa mga taga-Task Force. Nakarinig naman kami ng tawa mula sa speaker.

"Then, we can just shoot you to death."

Sapilitan nila kaming pjnaglalaro. Ano bang plano niya? Gusto niya bang patayin namin ang isa't-isa?

Umupo ako sa upuan na malapit sa pintuan para kapag nakarinig ako ng putok ng baril, makakatakbo agad ako. Nang makaupo ang lahat, may boses na naman na nagsalita mula sa speaker.

"Ready, Set, Go!"

At tinaob ko ang papel. Isa akong sheriff, yun ang role ko. Tiningnan ko kaagad ang baril at tumingin sa mga kasama ko. Ang iba ay gulat, ang iba naman ay parang nanghihinayang at ang iba ay sobrang saya.

Inobserbahan ko sila isa-isa para malaman kung sinong kahina-hinala. Si Cassey naman na nasa kabilang dulo ng table ay panay tingin sakin, killer kaya siya?

Pagkatapos ng limang minuto, namatay ang ilaw. Sobrang dilim dito, kaya wala talaga akong makita. Maya-maya, nakarinig ako ng ilang sigaw.
Nang bumukas ang ilaw, nakita kong may saksak ang katabi kong tiga-Task Force. Kung bibilangin, 7 silang may saksak, ibig sabihin, 7 rin ang pumatay sa kanila.

Maya-maya, pumatay na naman ang ilaw, ako naman ay tumayo at kinasa ang baril ko. Sino kaya ang babarilin ko? Bigla naman akong nakarinig ng pagputok ng baril at nanggaling yun mula sa kabilang dulo.

Binaba ko na ang baril ko dahil ayaw kong makapatay ng kahit sino. Pagbukas ng ilaw, wala na ang limang nasaksak kanina at dalawa lang ang natira. Natanggal na si Fiona at si Avhia dahil silang dalawa ay kasama sa mga nasaksak kanina. Habang natira si Cristal, kahit na halatang masakit pa rin ang saksak sa kaniya.

Nakita naman naming may tama ng baril ang isa sa mga taga-Task Force. May dumating na mga tao at kinuha siya. Ngayon 60 na lang kaming natira.

"6 were eliminated from the game, Fiona, murderer, Samuel, innocent, Ariela, innocent, Avhia, innocent, Gabriela, innocent, and Kate, murderer."

Ibig sabihin, 8 na lang ang natirang murderer. Kapag napatay namin silang walo, mananalo kami at makakaligtas. Sa dami namin dito, paano kaya namin malalaman kung sino ang killer at kung sino ang hindi.

Nang pumatay ulit ang ilaw ng isang minuto, pagbukas nito, 3 ang nasaksak. Si Reoland, Sheina at isang taga-Task Force. Nakita ko naman na isa sa mga taga-Task Force ang kinukuskos ang kamay niya. Pumatay ulit ang ilaw, kinuha ko ang baril ko at pinatamaan ang lalaking nakita ko kanina.

Pagbukas, wala na si Reoland sa puwesto niya at nabaril si Zhyrus. Nabaril ko rin ang taga-Task Force. Lumapit ang mga nagbabantay sa amin at kinuha si Zhyrus at ang lalaki.

"3 persons are eliminated. Reoland, doctor, Patrick, murderer, and Zhyrus, murderer."

"Two rounds had ended. It's your time to choose who to lynch."

Agad na nagusap-usap ang iba. Sino kayang tatanggalin namin? Nagsimula nang magturuan ang ilan, habang ang iba ay nalilito pa rin kung sinong dapat ituro.

"I vote for Anderson Lareo."

Rinig namin mula sa speaker. Iba na ang boses ng nagsasalita. Naging mas magaspang at matanda ang boses nito. Anong nangyayari? Biglang umalis ang ilan sa mga taong nagbabantay samin kanina at natira lang ang iba.

"Sinong nagsalita?"tanong ni Cassey at walang sumagot dahil wala namang may alam kung sino. Inisip ko kung narinig ko na ba ang boses at para ngang pamilyar ang boses na iyon para sakin.

Lalakad sana si Raphael patungo sa pinto pero tinutukan agad siya ng baril. Hinawakan ng isa sa kanila ang earpiece sa kaniyang tainga at tumango. Napaurong ako nang bigla nilang itutok sa amin ang mga baril nila.

"Fire!"sigaw ng isa. Tatakbo na sana ako nang biglang makarinig kami ng isang malakas na lagapak at nakitang bumunggo papasok ang isang truck.

Binaril ng mga tauhan ni Anderson ang truck at pinaulanan din sila ng bala. Maya-maya, lumabas ang ilang tao mula sa truck at lumapit samin. Pagkalapit nila, mas nakikita namin ang mukha nila at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha.

"Christan!"sigaw ni Samantha at ngumiti si Christan. Buhay siya? Akala ko kasama siya sa pagsabog.

"You're alive"masayang sambit ni Lauren at lumapit sa kaniya. Kumpleto na kami pero wala si Claris dahil nga nasa ospital siya.

"I'm glad to see you all again"sambit nito at nakarinig kami ng mga boses ng mga tao.

Pumasok naman ang mas maraming tauhan ni Anderson na may dala-dalang baril. Hindi lang mga baril kundi may mga hawak din silang mga malalaking armas. Inabutan naman kami nila Christan at mga kasama niya ng mga baril.

"The war has began."







Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now