Prologue

36 0 0
                                    

P R O L O G U E

“I, Genesis Rantriel Buencamino, take thee, Sachiko Bridgette Takahashi to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us apart, according to God's holy ordinance; and there to I pledge thee my faith.”

Iyon ang sinabi ko habang sinusuot ang singsing sa kamay mo. Napangiti ko at bumagsak ang luha ko nang tignan kita. Kinuha mo ang isa pang singsing at pati ang kamay ko.

“I, Sachiko Bridgette Takahashi, take thee, Genesis Rantriel Buencamino to be my wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us apart, according to God's holy ordinance; and there to I pledge thee my faith.”

Ang sabi mo at isinuot ang singsing sa kamay ko. Nasilayan kong muli ang ngiti sa labi mo. Na lagi kong nakikita. Na lagi kong gustong makita—segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, buwan-buwan, taon-taon; habang buhay.

“And I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride.” anunsyo ng pari. Lumingon ako sa pamilya natin at nakikita ko ang mga maluha-luha nilang tingin sa atin. Masaya sila, alam ko. Sobrang saya nila para sa atin.

Iniangat ko ang belo mo. Ngayon ay kita ko na ang maganda mong mukha. Hinawakan ko ang magkabila mong pisngi at pinunasan ang luha mo.

“Don't cry, my girl, don't cry.” sabi ko sa 'yo, “I will be your husband from now on. I don't want to see you crying in front nor behind from me. Don't cry, okay?”

Tanging tango ang naging sagot mo. Ngumiti ako. Nakita ko ang pagpikit mo kasabay ng dahan-dahan kong paglapit ng mukha ko sa iyo.

Ilang saglit pa'y naglapat na ang mga labi natin. Pinikit ko ang mata ko at isinandal ang noo ko sa noo mo. Doon, ipinutol ko ang halik, at sabay tayong umiyak sa tuwa—tuwa dahil magkakasama na tayo habambuhay.

Pumalakpak ang lahat ng tao. Magkasabay natin silang hinarap. Nakangiti tayo sa kanila. Masaya sila para sa atin—kasing saya natin para sa sarili natin.

Ang makasama ang taong mahal mo ang pinaka-masayang pangyayari sa tanang buhay mo. At hindi ko inakalang mararanasan ko ito.

This is a start of our new life. As we turn the new page, we'll start a new chapter with each other. At dapat, hanggang huli, magkasama tayo.

Because you are my wife now.

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon