Chapter Eleven

4 0 0
                                    

💐
CHAPTER ELEVEN

The second day, all we did was eating. Maghapon tayong nag-hanap ng kakainin. At wala tayong ibang ginawa kundi ang kumain maghapon.

“Ang saraaaap!” ang sigaw ni Grazy habang kumakain ng lobster na hawak niya, “We should go back here when reunion comes again. Malapit na 'yon, 'di ba, 'Ma?”

“Oo nga pala.” sabi ni Mama, “I would suggest this resort. Genesis, Sachiko, pumunta kayo ulit, okay?”

“Yes, 'Ma.” sagot mo at kinain ang alimasag na hawak mo. Kumuha ka ng isa at itinapat ito sa bibig ko, “Buka ang bibig. Ang kaunti mo kumain ngayon sa labas, ah. Nahihiya ka ba kina Mama? Sa bahay naman, ang dami mong kinakain.”

Napailing na lang ako't kinain iyon. Natawa naman sina Mama at pati ang mga kapatid ko. Dahil doon, kumain na ako ng madami.

Nang matapos kumain ay naglakad tayo sa resort. Enjoying the setting.

“ang daming kinain ni Kuya, baboy na 'yan.” pang-aasar ni Grazy sa akin at tumawa, “Hiwalayan mo na, Ate, baboy na 'yan.”

“Baka ikaw, kaya nga hindi ka nagugustuhan ni Leonard.” sabi bigla ni Granch at ngumisi, “Ayaw ni Leonard sa katulad mo.”

“Grabe ka kung manakit, sagad sa buto.” sabi ni Grazy at umirap, “Palibhasa, hindi pinapansin ni Kuya Francis.”

Dahil doon, nagpatuloy sa asaran ang dalawa..Natawa tayo nang naghabulan sila.

Third day, nag-swimming lang tayo sa dagat. We tried it because why not? We also took different shots. It was a tiring day. When we left the sea, nangitim si Grazy kaya natawa naman tayong lahat sa kaniya.

“Ang ganda dito.” sabi mo sa akin habang nakaupo tayo sa dalampasigan, “What do you think, Gen? We should come back here.”

“Yeah, we should.” sagot ko sa kaniya at ngumiti, “Gusto ko nang tumira dito. Kung p'wede lang, eh.”

“And what? Leave me at house alone?” tanong mo sa akin at napasimangot. Napailing ako't binatukan ka, “Aray naman, Genesis!”

“Siyempre, isasama kita.” sabi ko at tumingin sa dagat, “Asawa kaya kita. Dapat lagi tayong magkasama sa lahat.”

“Nagiging corny ka na naman, dikit ka kasi ng dikit kay Hermos.” sabi mo sa akin, “By the way, Andrea told me that she and Hermos is currently out of town.”

“Sino nagbabantay kay Armos?” tanong ko sa 'yo, “Sinama nila?”

“Left him at Hermos' Mom, sabi ni Andrea.” sagot mo, “Kapag nagka-anak na tayo at aalis tayo, gusto ko kasama lagi natin sila o siya. Pero ibang room, para makapag-solo tayo.”

“Gusto mo talaga nagso-solo tayo, eh, ano?” sabi ko at tumawa. Hinalikan kita sa pisngi, “I love you, always remember that.”

“I love you, too.” sagot mo. Nagulat tayo nang may mag-flash. Pagharap natin ay nakita natin ang isang lalaking may camera.

“Hi, I'm Hebrew. Just came here for some fun but photography is my hobby so, yeah.” sabi niya at iniabot sa atin ang isang photo paper. I looked at it and it was us, kissing, “Here's your photo. Enjoy the day!”

“T-Teka, walang bayad 'to?” tanong ko sa kaniya, “It should have. Maganda ang pagkakakuha mo ng pictures.”

“As I said, photography is just my hobby.” sagot niya at tumawa, “Gotta go, my peers are waiting for me already.”

Sinundan ko ng tingin ang binata. When he came at his peers, they look fun. Madami sila. Six guys and two woman. I wonder how they are in the future.

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon