💐
CHAPTER THIRTEEN
“I'M SORRY.” ang sabi ko sa 'yo nang makalapit ako sa kinauupuan mo. Pinili mo munang magpahangin sa labas, “Sach, sorry na.”
“Ang sakit, Gen.” sabi mo at muling umiyak, “Ang sakit na tinago mo sa akin 'to. Kailan mo pa nalaman, ha? Sabihin mo sa akin.”
“Nung nagkasakit ako. Bago ako umuwi no'n, pumunta ako sa doktor kasi ang sakit ng ulo ko. At doon, akala ko, simpleng headache lang.” sagot ko sa 'yo, “Sach, don't worry. I'll be fine.”
“Gen, you are not fine.” madiin mong sabi, “P'wede kang mamatay diyan sa sakit na 'yan! Magpapa-opera ka, naiintindihan mo?”
“Ayoko, Sach. Gastos lang 'yon.” giit ko.
“At ano? Hahayaan kang mamatay diyan?” sabi mo at napahagulgol, “Gen, magpapaopera ka. Hindi mo kami p'wedeng iwan ng maaga.”
“K-Kami? Sach, wala akong ibang babae.” sabi ko sa 'yo at hinawakan ang kamay mo, “Promise, Sach. Mamatay man ako ngayon, wala akong ibang babae. Ikaw lang, sapat na.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Gen.” sabi mo at may iniabot sa aking bagay, “Look for yourself, Genesis.”
Kinuha ko iyon at binuksan. Nagulat ako sa laman nito. Pregnancy test. Napatingin ako sa 'yo, “Kanino 'to? Kay Grazy? O kay Mama?”
“Akin, Genesis.” sabi mo at tumulo ulit ang luha mo, “Two red lines, Genesis. Dalawang linya.”
Tinignan ko ang pregnancy test. Totoo nga, two red lines. Napangiti ako at tumingin sa 'yo, “B-Buntis ka?”
Dahan-dahan kang tumango. Napasigaw ako sa tuwa kaya niyakap kita.
“Anong nangyayari?” tanong ni Grazy na nagising dahil sa sigaw ko, “Kung makasigaw ka, Kuya, akala mo naman nire-rape ka diyan.”
“Oh, tignan mo.” sabi ko sa kaniya at iniabot ang pregnancy test habnag nakangiti.
“Sa 'yo 'to? Akala ko, babae ang naggaganito. Lalaki din pala.” sabi niya kaya binatukan ko siya, “Aray ko naman!”
“Siyempre, kay Ate Sach mo 'yan.” sabi ko. Nang tignan niya ang pregnancy test ay nanlaki ang mata niya. Tinignan niya ako at bumalik ulit sa pregnancy test.
Nagulat ako nang tumili siya at nagsalita, “Mama! Buntis si Ate Sachiko!” sigaw niya habang tumitili. Nakita kong tumakbo siya palapit sa 'yo, “Oh my gosh! I'll post this, Ate Sachi! Picture tayo!”
Napangiti ako. Nilapitan kita nang matapos kayong mag-picture ni Grazy. Nakita ko na lumuha ka ulit. Hinaplos mo ang pisngi mo.
“Kaya magpapaopera ka. Kailangan mong gumaling, para sa amin ng magiging baby natin, okay?” tanong mo sa akin. Napapikit ako at dahan-dahang tumango.
Para kay Sachiko. Para sa pamilya ko. Para sa magiging anak ko.
💐
“SI GRANCH...” panimula ko habang nagsasalita sa harap ng mikropono, “I might say that he's the best brother I had. Naalala ko nung pinanganak sila ni Grazy, siya ang una kong nilapitan. Ako lagi ang nagpapakain sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung paano aalgaan ang babaeng tulad ni Grazy kaya sina Mama ang umiintindi sa kaniya. Nang lumaki-laki si Granch ay kami ang naglalaro lagi. Ang kaso, naalala ko noon nang naaksidente siya kaya naman si Hermos na ang kalaro ko. Granch may not be expressive through words, but he shows his love through actions. Batang ako si Granch. Wherever he is right now, I hope that he'a already happy and in peace there. I love you, Granch. Hindi ko nasasabi ang mga salitang 'yon habang nabubuhay ka.”
BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Fiksi RemajaAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.
