Chapter Ten

4 0 0
                                    

💐
CHAPTER TEN

PAGKAGISING ko ay nasa baba ka na at kumakain sa buffet kasama sina Mama, Papa, at ang mga kapatid ko. Kaagad ko naman kayong nakita pagkababa ko.

“Eat now, Genesis, at marami tayong gagawin ngayon.” sabi sa akin ni Mama at tumawa, “At para na din tumaba ka naman kahit papaano. Ang payat mo na.”

Nagawanan naman kayo. Napailing na lang ako't umupo sa tabi mo at nagsimulang kumain.

“You should eat a lot, Genesis, marami daw pwedeng gawin dito sa isla.” sabi mo sa akin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko, “At tama si Mama, pumapayat ka na. Lagi ka namang lumalamon sa bahay.”

“Baka may ibang ginagawa si Kuya kapag wala sa bahay.” sabi ni Grazy at ngumiti tsaka nagtaas-baba ng kilay, “If you know what I mean.”

“Baka ikaw ang meron.” sabat ni Granch habang kumakain, “Habol ka ng habol kay Leonard, 'di ka naman pinapansin. Ang dami niyang sinasabi sa 'kin tungkol sa 'yo.”

“Sino si Leonard muna?” tanong ko sa kanila at kumain, “Boyfriend mo, Grazy? O boyfriend mo, Granch?”

“Nililigawan ni Grazy. Kaibigan ko 'yon, ta's 'etong si Grazy, baliw na baliw do'n. Nawi-weirduhan na nga 'yung tao sa kaniya.” sabi ni Granch at tumingin kay Grazy, “Pero may isa siyang sinabi sa akin na hindi ko talaga nakaligtaan, eh.”

“Ano naman 'yon?” tanong ni Papa sa kaniya.

“Hindi niya daw alam kung ano mangyayari sa kaniya oras na layuan na daw siya ni Grazy. Siyempre, nasanay na 'yung tao sa pangungulit niya.” sabi ni Granch at kumuha ng tinapay, “Kaya kung ako sa 'yo, Grazy, layuan mo na 'yung tao bago niya tuluyang hanap-hanapin talaga.”

“Eh, kaso, hindi ako ikaw.” sabi ni Grazy at umirap, “Pakialam mo ba? Love story ko 'yon. Gumawa kayo ni Kuya Francis ng sarili niyo! Ta's i-third wheel niyo si--”

Napatigil si Grazy nang bigla siyang saksakan ni Granch ng tinapay sa bibig. Dahil doon ay natawa tayo sa nangyari. Napangiwi na lang si Grazy at kinain ang tianapay na inilagay ni Granch sa bibig niya.

“Ano-anong activities daw pwedeng gawin, 'Ma?” tanong mo kay Mama habang kumakain ng kanin, “Hindi ko nakita 'yung board of activities, eh.”

“They told me that we can do hiking, ride a Ferrari boat, tumawid sa mataas na tulay, and night swimming. May fireworks display din daw sa gabi mamaya.” sabi ni Mama.

“We should try them all!” masayang sabi ni Granch habang kumakain din.

“Kaya ubusin niyo na 'yan nang simulan na natin ang mga activities na 'yon.” sabi ni Papa at ininom ang kape niya.

💐

“OH MY GOD! I'm excited! Teka, I'll take a pictue muna.” sabi ni Grazy. Inilabas niya ang cell phone niya at nag-picture.

“Don't you think we should take a picture, too?” tanong mo sa akin. Tumango ako at kinuha ang phone mo. Tumayo tayo sa mababaw na parte ng dagat at nagpicture.

“Nice background.” sabi ko. Namangha ako kasi kita talaga ang asul na dagat sa likod pati ang puting buhangin.

“Sumakay na kayo.” sabi sa amin ng bangkero. Nang makapasok kami sa loob ng  Ferrari boat ay nakita kong may iba pang pasahero na kasama. Umupo agad si Grazy sa may gilid. Umupo sa tabi niya si Granch. Sila Mama ay sa harap.

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon