💐
CHAPTER ONE“AT PALAKPAKAN natin ang bagong kasal!” sigaw ng emcee dahilan para mag-palakpakan ang mga taong dumalo sa reception natin, “Ano namang ang masasabi niyo sa isa't isa? Simula natin sa wife.”
Ibinigay ng emcee ang mic sa 'yo. Tumingin ka sa akin at ngumiti, “Uh, alam ko na magsisimula na ang panibagong buhay natin na kasama ang isa't isa. Madami tayong kakaharapin na problema sa pagsasama natin habambuhay. Pero asahan mong hindi ako aalis sa tabi mo. Asahan mo na lagi lang akong nandito sa tabi mo, at patuloy kang mamahalin, Genesis. Kahit anong mangyari. Sabi nga sa vow natin kanina, till death do us apart. Hinding-hindi kita iiwan hanggang kamatayan. Mamahalin kita hanggang kamatayan. Magsasama tayong dalawa hanggang kamatayan.”
“Wow, napaka-ganda naman ng sinabi ng wife sa ating husband.” sabi ng emcee at tumingin naman sa akin, “Ano naman ang masasabi ng ating husband sa ating wife ngayon?”
Binigay niya sa akin ang mic. Kinuha ko iyon at tumingin sa 'yo. Tumawa pa ako bago muna magsalita, “They know me as a man with few words. I don't express myself through words thus, I express it through my actions. Hindi man ako gano'n ka-expressive through words, gano'n naman ako ka-expressive through actions. I will protect you, my queen. I will love you until my death. Magsisimula tayo ng pamilya at asahan mong mamahalin ko kayo ng buo ng magiging mga anak natin. Poprotektahan ko kayo dahil ako ang magiging ama. Mamahalin ko kayo. At gagabayan ko ang mga anak natin kasama ka. Magkasama nating haharapin ang mga problema, Sachiko. Mamahalin natin ang isa't isa, and we will spend the rest of our lives on each others arms.”
Nagpalakpakan muli ang lahat matapos kong magsalita. Pinunasan ko ang luhang namuo sa mata ko. Pinunasan ko din ang luha sa pisngi mo.
“Sachiko, I said that I don't want to see you crying in front nor behind me. Bakit umiiyak ka na naman?” sabi ko sa 'yo, “Kapag umiyak ka pa, may punishment ka na mamaya.”
“Masaya lang ako.” ang sabi mo, “Masaya lang ako na ikaw ang makakasama ko habambuhay. Na ikaw ang makakasama kong bumuo ng pamilya. Na ikaw ang makakasama kong magpalaki ng magiging anak ko.”
“Shh, tahan na. Don't cry.” sabi ko sa 'yo at hinalikan ka sa noo. Narinig ko ang pagkalansing ng mga baso. Napatawa ako't tumingin sa 'yo.
“And here is the magical moment.” sabi ng emcee. Natawa ako at hinawakan kita sa baba mo. Unti-unti ay nilapit kong muli ang mukha ko sa 'yo. At muli, nagsalubong ang ating mga labi.
💐
After 7 years...
“WIFE, WHERE are you?” tanong ko sa 'yo habang nasa telepono ka, “Bakit hindi ka man lang nagsasabi sa akin na pupunta ka kila Mama. E 'di sana, nasamahan pa kita, nahatid kita diyan.”
“Don't worry, Gen. Hinatid naman kami ng buo at maayos ni Kuya Raul dito kila Mama. No worries.” sagot mo, “And I want to ask some questions to Mama personally. And I know that you are busy so I didn't hesitate to tell you about this. Ni hindi ko nga alam kung paano mo nalaman na pupunta ako kila Mama, e'”

BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Teen FictionAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.