💐
EPILOGUE|THIRD|
ISANG taon na ang nakakalipas. Marami ang nangyari sa loob ng isang taon.
Tulad ng nagkaroon ng panibagong anak sina Hermos at Andrea at pinangalanan nilang Sacris ito. Nanganak na din si Grazy at pinangalanan niya itong Ichiko. Sa susunod na taon ay ikakasal na sila ni Leonard, bagay na kinatuwa ng pamilya nila. At higit sa lahat, ang malaking pagbabago ni Genesis.
“Let's party!” sigaw ng binatang si Genesis at itinaas ang basong may lamang alak. Ininom niya iyon at naglakad-lakad sa buong bar.
Naupo siya sa harap ng counter at uminom doon. Luminga-linga siya sa paligid, nagbabakasakaling may makitang babae. Ngunit hindi niya inaasahan ang nakita niyang babae.
“Sachiko.” sabi nito sa sarili. Binitawan niya ang baso na hawak niya at tumakbo patungo sa nakita niyang kinaroroonan ni Sachiko. Napahangos siya nang makitang wala na doon ang dalaga.
“Damn it, you're hallucinating again, Genesis.” ang sabi ng binata sa sarili at bumalik sa loob ng bar.
💐
KINABUKASAN ay napahawak sa ulo si Genesis nang magising siya. Tirik na ang araw. Napalingon siya sa paligid at nakitang nasa labas siya ng kanilang tahanan.
Humikab siya at pumasok sa loob ng tahanan nila. Binuksan niya ang ilaw at napatingin sa paligid. Nagbago na din ang tahanan niya. Tahimik na ang dating maingay na bahay. At hanggang ngayon, naririnig pa din niya ang mga tawa ng babaeng mahal niya.
Ang mga tawa ni Sachiko.
Bumuntong hininga siya at narinig ang pagtunog ng telepono niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at tinignan ang nakitang mensahe mula kay Hermos.
Hermos:
Gen, family reunion niya daw bukas. Tita invited us. Pumunta ka, okay? Nami-miss ka na daw ni Armos.Mas excited pa atang mag-balita ito. Oo, lagi siyang iniimbita ng Mama niya tuwing family reunion. Pero ngayon lang talaga pupunta ang kaibigan nito. Dati ay lagi itong tumatanggi, hindi nito alam kung ano na ang nangyari sa ihip ng hangin ngayon.
Napailing siya at inilagay muli ang telepono sa kaniyang bulsa. Tumungo sa kaniyang kwarto. Nang tumungo sa kwarto ay muli niyang nakita ang larawan nilang dalawa ni Sachiko. Ngumiti siya't kinuha iyon.
“Kamusta ka na kaya? Nakita kita kagabi. Hindi ko lang alam kung ikaw ba talaga 'yon.” sabi nito at tumawa, “Sana hindi pa ako nababaliw. Sobrang miss na kita. Ang kaso, sinunod ko lang ang gusto mo. Ang 'wag ka nang hanapin pa.”
Muli ay tumunog ang telepono nito..Muli niya itong kinuha mula sa kaniyang bulsa.
Mama:
Anak, bukas ang family reunion. Pumunta ka, okay? Kapag hindi ka pumunta, hindi na kita papansinin. Don't worry, wala naman na tayong pamilya kaya tayo-tayo lang. Alam mo na, isang taon na namin kayong hindi nakakasama ng Papa mo.
BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
أدب المراهقينAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.