Chapter Twelve

4 0 0
                                        

💐
CHAPTER TWELVE

UNANG araw ngayon ng burol ni Granch. Marami kaagad ang pumunta nang malamang namatay siya. Napakarami niyang kaibigan.

Napangiti ako. Alam ko sa sarili ko na naging palakaibigan si Granch. Ang daming naging mahalagang tao sa buhay niya.

“Gen, are you okay?” tanong mo sa akin habang nakaupo tayo sa upuan, “If you're not feeling well, take a rest. Ako na lang ang babati sa mga bisita.”

“I'm fine, Sach.” sagot ko sa 'yo at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay mo at isinandal ang ulo ko sa balikat mo, “I want you by my side, Sach. Kailangan ko ng magiging lakas ko.”

Narinig ko ang mahina mong pagtawa. Napangiti na lang ako at doon, unti-unting tumulo ang mga luha ko.

“Gen, you're strong already. Hindi mo na ako kailangan.” you said and hold my face, “Anong sabi ko sa 'yo? Crying are for strong ones. Hindi ibig sabihin na umiiyak ang isang lalaki, ibig sabihin ay mahina na siya. You are strong already, always remember that, okay?”

“Thank you, Sach.” I said. Iniangat ko ang mukha ko at nakita ko ang mukha mo na nakatingin sa akin, “I love you. Pagkatapos nito, babawi ako sa 'yo. I promise.”

💐

“NAKIKIRAMAY ako.” ang sabi ni Hermos at niyakap ako, “Stay strong, man. Hindi gugustuhin ni Granch na makitang nagugulo ka.”

“I am.” sagot ko sa kaniya at ngumiti, “Buti at mukhang masaya na kayo ngayon.”

Nakita ko ang pagngiti niya tsaka hinawakan ang kamay ni Andrea, “Gano'n naman ang relasyon. May ups and downs. Pero kahit gano'n, you need to stay strong para sa isa't isa.”

“I'm proud of you, man.” sagot ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya, “Nag-mature ka na. Kung sabagay, kung amazona ba naman ang asawa mo, sinong hindi matatakot doon?”

“Ewan ko sa 'yo, Genesis.” sagot ni Andrea at tumawa ng mahina, “Where's Sachiko? Gusto kong makausap ang babaitang 'yon. 'Di ko na nakikita, eh. Lagi mo kasing pinapatuloy sa bahay lang.”

“Pinala-bed rest siya. Buti na lang ngayon at nakakakilos-kilos na siya.” sabi ko sa kaniya at tumawa, “Tignan mo sa kwarto. Baka nandoon at nagpapahinga. Sinabi ko kasi sa kaniya na magpahinga na muna doon, eh.”

Tumango si Andrea at naglakad patungo sa kwartong itinuro ko. Paglingon ko ay nakita ko ang seryosong mukha ni Hermos.

“What's the problem, man?” tanong ko sa kaniya at tumawa, “Napakaseryoso mo naman. Anong problema? Nag-away ulit kayo?”

“Kailan mo balak sabihin sa pamilya mo? sa amin? kay Sachiko?” tanong niya sa akin at nakita ko ang mata niyang malapit nang lumuha, “Genesis, bakit mo tinago sa amin, ha?”

“Ano bang sinasabi mo, Hermos?” sabi ko at tumawa sa kaniya, “Lasing ka ba bago pumunta dito, ha? Alam mo, magpahinga ka na lang din muna doon.”

“Hindi ako lasing, Genesis!” mahinang sigaw niya bago ako hinila at dinala sa labas ng funeral home. 'Yung malayo. 'Yung siguradong walang makakarinig sa aming dalawa.

“Hermos, ano bang problema mo, ha?” tanong ko sa kaniya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, “Kung may problema ka, sabihin mo na sa akin! Hindi 'yung hinihila mo ako sa kung saan-saang lugar!”

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon