💐
CHAPTER TWO“SACH, HERE'S YOUR MEDICINES.” sabi ko pagkapasok ko ng kwarto natin at iniabot sa 'yo ang mga gamot na binili ko. Kinuha mo iyon at ininom. Inabot ko sa 'yo ang isang basong tubig, “Ikaw naman kasi, sana sinabi mong hindi mo kaya. Pupunta na dito si Dra. Salazar bukas para tignan 'yan.”
“Hindi naman na kailangan, Gen. Normal lang ata 'yon since I'm still a virgin.” sabi mo pagkatapos mong uminom ng gamot, “Hayop ka kasi, you didn't warned me na malaki pala 'yan.”
“Stop mentioning about my size, Sach. Nakakailang.” sabi ko sa 'yo dahilan para tumawa ka. Natawa ako sa 'yo at ginulo ang buhok mo, “Take a rest for now. Hayaan mo, titignan ka na bukas ni Dra. Salazar.”
“Okay, Gen.” sabi mo. Nilapit mo ang mukha mo sa akin at hinalikan ako, “Good night, mi amor.”
“Good night.” sabi ko sa 'yo. Humiga ka na ulit at natulog. Nakita ko na mahimbing na ang pagtulog mo kaagad kaya pinatay ko na ang ilaw. Humiga na ako sa tabi mo at niyakap ka. Hinalikan kita sa noo at ipinikit na ang mga mata ko.
💐
KINABUKASAN ay maaga akong nagising katulad nang kahapon. Naligo na ako at nag-handa ng pagkain. Ilang saglit pa'y dumating na si Dra. Salazar, ang personal doctor ng pamilya namin.
“Pasok kayo, doktora.” sabi ko, “Nasa itaas pa si Sachi at natutulog. Pagpasensyahan niyo na, simula kahapon pa 'yon hindi naligo kasi hindi siya nakakakilos eh.”
“Bakit naman hindi siya nakakakilos, Genesis? May ginawa ka ba sa asawa mo?” tanong ni doktora at tumawa, “Hindi mo naman siguro binubugbog si Sachi, ano?”
“Hindi po, doktora.” sagot ko at tumawa, “Ginawa lang po namin sa unang beses ang ginagawa ng mga mag-asawa, doktora. Hindi ko naman inakala na masasaktan siya ng sobra.”
“Masyado ka sigurong malaki. O 'di kaya ay binigla mo kasi katulad nga ng sabi mo, unang beses niyo 'yon.” sabi ni doktora, “O siya, titignan ko na siya doon at nang maiwan ko na ulit kayo dito.”
Tumango ako at dinala na si doktora sa kwarto namin. Pinalabas ako ni doktora. Niloko ko pa nga siya na okay lang na nandoon ako sa loob dahil nakita ko naman na iyon pero sinigawan ako ni Sachiko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang lumabas at mag-hintay.
Ilang saglit pa'y lumabas si doktora na tumatawa. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin, “She's fine. Normal na reaction lang 'yon since her hymen was broken. But don't do it for a month. Dalawa lang 'yan, Gen. Either binigla mo o masyado kang malaki. Whatever it is, she just need to take the meds na nireseta ko sa kaniya para mabilis maghilom ang sugat sa hymen niya.”
“Thank you, doktora.” sabi ko at tumawa, “Nasa kaniya na po ba ang reseta? Ano pong iba pang kailangang gawin para mabilis siyang gumaling?”
“All she need to do is bed rest, take the meds na nireseta ko, and also, to take a shower. Katulad sa sugat, kapag hinuhugasan ay mabilis maghilom. However, do not use soap para hindi maimpeksyon. Also, alalayan mo lagi para kumilos.” sabi pa ni doktora, “Sige na, mauuna na ako at kailangan na ako sa clinic. Inuna ko lang talaga kayo dito.”
“Sige po, doktora. Salamat po.” sabi ko at tumawa. Gano'n din si doktora at tumawa bago tuluyang umalis ng bahay. Bumalik ako sa kwarto at nakita ka na nakaupo na sa kama.

BINABASA MO ANG
I Am Your Wife
Fiksi RemajaAs we became married, we will turn a new page of our lives. And we'll spend each others lives on each others arms.