Chapter Six

6 0 0
                                        

💐
CHAPTER SIX

Nakaupo tayo ngayon sa paligid ng bonfire—nagkukwentuhan, nagsisiyahan, nag-aasaran. Normal na gawi ng isang pamilya kapag nagbabakasyon.

“Kuya, may tanong ako.” sabi ni Grazy at tumingin sa 'yo.

“May tanong kay Kuya pero kay Ate Sachiko nakatingin.” sabi sa kaniya ni Granch. Napangiwi si Grazy at kinurot si Granch dahilan para matawa tayo.

“Kuya, paano kayo nagkakilala ni Ate Sach?” tanong ni Grazy, “Okay, given na classmates kayo pero paano? How did your love story started? Paano umamin si Kuya sa 'yo? Paano siya nagpropose? Paano kayo naglandian? Gano'n, I want to know.”

Napatawa ako at tumingin sa 'yo. Tumango ka kaya naman napangiti ako't tumingin kay Grazy.

“Sige, makikinig ka, ah.” sabi ko sa kaniya, “Ngayon ko lang 'to ikukwento at hindi ko na ikukwento pa kahit kanina. Maliban na lang sa mga magiging anak namin, siyempre.”

“Simulan mo na, Kuya, ang daming dada.” sabi ni Granch. Napatawa ako kaya naman nagsimula na akong magkuwento.

💐

|THIRD|

Bakasyon nang panahon na iyon. Naglalaro sa playground ang batang si Genesis. Katulad ng nakagawian ay naghabulan muli sila ni Hermos sa malawak na play ground. Marami rin ang batang katulad nila na naglalaro doon.

“Genesis, kain tayo ng ice cream!” yaya ni Hermos, “Tara! Lilibre kita! Nakakupit ako kanina kay Mama bago makapunta dito, eh. Pero 'wag mong sasabihin kay Mama, ah.”

“Sasabihin kita kay Tita, nangungupit ka.” sabi ni Genesis sa bata at tumawa, “P'wera na lang kung ililibre mo ako ng ice cream at cotton candy!”

“Sige, tara na! Nagugutom na din ako!” masayang sabi ni Hermos at hinila si Genesis palapit sa nagtitinda ng ice cream at cotton candy.

Nang makabili ay naupo sila sa isang bench sa playground. Masaya nilang dinidilaan ang ice cream pati na din ang pagkain ng cotton candy habang nakaupo sa bench.

Uubusin na sana ng batang si Genesis ang ice cream nang biglang may humila sa kaniya. Nakita din niya na hinila ng batang ito si Hermos.

“T-Teka, saan mo kami dadalhin? Kidnapper ka ba?!” tarantang tanong ni Hermos ngunit hindi siya sinagot ng bata, tanging tawa lang ang isinagot nito sa kaniya.

Nang makarating sila sa ilalim ng puno ay nakita nilang may ibang bata din doon.

“Andrea! Nakakita na ako ng p'wedeng maging tatay at kapatid mo!” masayang sigaw nung batang babae sa batang babaeng nasa itaas ng puno, “Bumaba ka na diyan para makapag-laro na tayo.”

“Oo, teka lang!” rinig nilang sigaw at biglang bumagsak ang isang batang babae. Namilipit man sa sakit ay pinilit nitong ngumiti at tumayo, “Ako nga pala si Andrea. Anong ginawa sa inyo ni Sachiko at gulat na gulat kayo, ha?”

“Ah, eh, hinila ko sila, eh.” nahihiyang sabi ni Sachiko sa kaibigan bago tumawa at humarap sa dalawang batang lalaki, “Pasensya na kung hinila ko kaaga kayo ng walang pasabi, ah.”

“Anong lalaruin niyo? Sali kami ni Genesis!” sabi ni Hermos at inakbayan ang kaibigan, “Masayang kalaro 'tong si Genesis kaya paniguradong magsasaya tayo!”

I Am Your WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon