Chapter Four

4 0 0
                                        

💐
CHAPTER FOUR

“Gen, wake up.” paggising mo sa akin at agad akong nagising, “Hermos and Andrea left earlier. Hindi ka na namin ginising kasi sinabi ni Hermos na masakit ang ulo mo kahapon. Tinignan ko din ang temperature mo kanina at mainit ka. Nilalagnat ka. Bakit hindi mo man lang sinabi na masama ang pakiramdam mo, ha?”

“Ayoko na mag-alala ka.” sagot ko sa 'yo, “Kumilos ka na naman nang hindi ako sinasabihan. Napakakulit mo talaga.”

“Ikaw ang makulit. Mas lalo akong mag-aalala kung hindi mo ako ina-update tungkol sa nararamdaman mo.” sabi mo at kinuha ang mangkok na nasa tray, “Gumawa ako ng lugaw. Umupo ka at papakainin kita.”

Agad ko namang sinunod ang sinabi mo. Pinakain mo ako ng lugaw.

“Tignan mo, inaalala mo ako tapos ikaw naman pala 'tong may sakit.” sabi mo pa ulit sa akin, “Sinabihan ko na din ang secretary mo na hindi ka makakapasok ngayon dahil may sakit ka.”

“I'm fine, Sach. Kailangan---”

“No, Genesis. Magpahinga ka.” pagputol mo sa akin, “Magpapahinga ka o sasabihin ko sa lahat ng empleyado mo ang baho mo? Tulad nung high school tayo, tanda mo pa ba 'yon? 'Yong bigla kang---”

“Shh, Sachi!” pagputol ko sa 'yo at nakita ko ang pagtawa mo ng mahina, “Oo na, hindi na papasok. 'Wag mo nang ipaalala 'yan.”

“Alin? Iyong umihi ka dahil sa kaba?” sabi mo at lumabas nang tumatawa.

“Sachiko!” sigaw ko pero tumawa ka pa din ng tumawa sa labas. Isinubsob ko ang ulo ko sa unan. Ayoko nang maalala 'yon! Nakakahiyang pangyayari.

💐

“Kamusta ang luto ko, ha?” tanong mo sa akin habang nakatingin sa mangkok na wala nang laman, “Iniisip mo bang ihi mo 'yang lugaw habang kinakain mo kanina?”

“Kadiri ka, Sachiko. Manahimik ka na nga lang!” inis na sabi ko sa 'yo pero tumawa ka lang, “Kapag ako talaga nakakilos na dito, ikaw naman ang aasarin ko.”

“Aba, bumabawi lang ako sa pang-aasar mo sa akin noong nakaraang araw. Masama bang bumawi, ha?” tanong mo sa akin at naupo sa tabi ko, “'Wag mong ikahiya 'yon. Ikukwento mo pa 'yon sa magiging anak natin. Sa magiging apo natin. Apo sa tuhod, apos sa talampakan.”

“Ewan ko sa 'yo.” sagot ko sa 'yo at hinila ka, “Ako naman ang babawi sa 'yo ngayon.”

Hinalikan kita at inihiga sa kama. Inilagay mo ang braso mo sa batok ko. Pumatong naman ako sa 'yo at pinutol ang halik. Nginitian kita at 'saka tumayo.

“Diyan ka na.” ang sabi ko at pumunta sa banyo. Rinig ko ang pagsigaw mo kaya napatawa na lang ako.

💐

“Sachi, good morning.” sabi ko habang nakayakap sa 'yo. Tulog ka pa kaya ngumiti ako't hinalikan ka, “Gising na, pagserbisyuhan mo na ang pasyente mo.”

Agad mo namang idinilat ang mata mo. Ngumiti ka sa akin at hinawakan ang pisngi ko, “Magaling ka na. Kumilos ka na at may pasok ka pa.”

Napabusangot naman ako kaya natawa ka. Nilapit mo ang mukha mo sa akin at hinalikan ako. Bumangon ka at lumabas ng kwarto. Napailing ako habang nakangiti at sinundan ka sa labas ng kwarto.

I Am Your WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon